󾠷󾠶

18 0 0
                                    


     Tumingin sa akin yung matandang babae saka ko naman narinig na may nagbukas ng pintuan sa likuran namin.
 
   Bumungad sa amin yung matandang lalaki kasama si Trixiea the principal.
  Kumunot-nuo ako nang tingnan niya ako ng masama, para bang gusto niya na akong saktan. Parang nagpipigil lang siya.

     Ano ba yung ginawa ko sa kanya? O baka kasi mas maganda ako sa kanya? Sorry siya, hindi niya kasi magulang ang magulang ko.

     Ba't ang yabang ko ngayon? Ngayon lang ba?

   Pumunta yung matandang lalaki sa gilid ng matandang babae saka naghalikan nanaman.
  
Napakagat-labi nalang ako, Hindi ba talaga sila---well yung mga studyante nga dito mas masahol pa jan ang ginagawa eh.
    Live pa.

  Kumurap ako dahil biglang pinalo ni Ate Principal yung table bago umupo. Kasabay naman nun ang pagkawala ng tao sa paligid. Meaning kami nalang dalawa.

   "I thought you are an angel." Pasimulang sabi niya habang nag-aasikaso ng mga papel. Ni hindi man lang ako tinitingnan.

   "Yes I am. Sadyang pinapainit lang ng sexy teacher namin yung ulo ko kaya naparami ako ng satsat." Sana wala namang lumlutang na bilog sa taas ng ulo. Gusto ko sanang idagdag 'yon ang kaso baka red tide si Principal.

   "Then stop doing that fucking---annoying-- shit!" May diin niyang sabi bago tumigil at tinitigan ako ng masama.

   I'm not afraid on eyes, that was just eyes. It can't kill me. Duhh. Oh ang yabang ko na naman!

  Hindi ako sumagot. I'm just wasting my time here. Akala ko ba makakatanggap ako ng parusa? I'm interested in that punishment thing.

  Maya maya ay may kumatok.

   Kusa itong bumukas at may isa ring babae na sa palagay ko ay teacher din. Bitbit nito ang lalaking parang ni-rape yung hitsura.

   "He rape a female student in her room." Kalmadong sabi niya habang hinihintay si Trixiea na sagutin siya.
     Lalaki pala yung nang-rape.

  One million years later...

  "Huy Trix, kinakausap ka." Kanina pa kasi naghihintay yung babae, kakahiya naman. Tsaka gusto ko na ring umuwi eh. I mean bumalik sa kwarto ko.

   Narinig ko ang pagsinghap ng babaeng teacher kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko naman na napaawang ang bibig ng lalaki.

   Halos mapatalon ako ng magpaputok ng baril si Trix at kusang bumagsak yung lalaki sa sahig.
  Napatigil ako sa gulat. Ngayon lang ako nakakita sa personal ng pinatay na nilalang. Pero sanay na akong makakita ng patay na tao.

  Wala sa sariling umalis ako sa harapan nilang dalawa at tumakbo papunta sa rooftop.

  Hindi ako makapaniwala. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi gulat. Ngayon lang talaga ako nalinawan na hindi tama ang school na pinasukan ko. Mali. Maling school.
    Sinubukan kong kalimutan ang nangyari pero alam ko sa sarili kong nagtanim na ako ng galit sa babaeng iyon.

     Kahit sino ka pa, kahit mabigat ang kasalanan ng tao, hindi ang pagkuha ng buhay ang dapat mong gawin. Walang karapatan ang kahit anong nilalang na pumatay ng kahit sino. Argh!

  Ewan ko lang sa lamok, langaw, ipis--- common sense na lang siguro.
   
  Alam kong may rooftop dito sa building ng mga may kapangyarihan at yun ang pinaka ayaw kong puntahang lugar pero kasi kung sa garden naman, delikado naman  daw dun sabi ni Trinidad.

  Umupo ako at tiningnan ang magandang shape ng langit. Sana ganyan nalang din kaganda 'yong buhay ko.

  Kaso ako lang 'yong maganda hindi 'yong buhay ko. Maganda naman talaga ako, promise!

   Malapit nang maghapon. Hindi ko na namalayan kakanuod ko sa ulap kung paano ito dahan dahang gumagalaw. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko bago idi-nial ang number ni Tita.

   "Oh, bakit?" Sabi niya.
Napangiti nalang ako dahil para akong six years old na bata dahil sa Tono ng boses niya. Iyong tila tinatanong niya ang umiiyak na bata.

  And hindi ko pa ba nasasabi sa inyo na, hindi ko kilala mama ko, ate ko lang pati si Tita.

  Kamag-anak? Wala, wala akong kilalang kamag-anak.

"Musta?" Nakangiti kong tanong na para bang nakikita niya ako.

   "I'm okay, How about you?"

  Hindi agad ako nakasagot. Paano ko ba kasi sasabihin na baliw ang school na napasukan ko?? Maniniwala kaya siya?

  "I'm fine" Medyo nauutal Kong sabi sa kanya.

  "That's great!! Okay bye! I have to do work now." Halatang nagmamadali siya. Alam ko kasing may ginagawa siya ngayon.

   Tumango nalang ako kahit di niya ako nakikita. I ended the call and sigh. Sayang, gusto ko pa naman sanang makausap si Tita ngayon.

   Pumunta ako sa room ni Trinidad. Nakalimutan ko kasi ulit first name niya eh.

   Pagkapasok ko, boses agad ng baliw na babae ang narinig ko.

  "Alam mo, kundi lang sumbongera yung mga malalanding teacher dito ayy!! Kanina ko pa napugutan ng ulo yang mga malalanding teacher na yan!"

  Ramdam ko ang inis at galit sa tono nang pagsasalita niya. Bakit ba lagi siyang galit? Hindi ba siya tinatamaan sa sinasabi niya?

  Umiiling na inilagay ko ang gamit ko sa table ni Trinidad.

    Alam Kong nakatingin na sa akin si Beama pero patuloy parin ako sa paglalakad palapit Kay Trinidad.

   Mabilis na lumipas ang oras at wala naman kaming masyadong ginawa kundi ang magsigawan, away asaran hanggang sa makabalik ako sa kwarto ko.

   Hindi din pala ganun kasama kung magiging close ko sa panget na paraan 'yong Beama na 'yon. Close kami kapag nag-i-insultuhan.

    Kinabukasan, naglalakad kami sa quadrangle, panay ang kwento niya sa akin ng kung ano na hindi ko naman pinakinggan ka hindi ko din maintindihan.

    "Makinig ka nga!!" Sabi niya sa akin habang papalapit na kami sa kabilang building, saka niya ako hinawakan sa balikat at iniharap sa kanya.

   "Ang daldal mo." Naiinis kong sabi sa kanya. Natahimik siya habang naka-pout sa akin.

  Bakit ko ba kasi 'toh nakilala?!
Actually nagpapanggap lang naman akong seryoso eh, pero hindi talaga ako ganto lalo na sa harap ng bestfriend ko.

Basta bestfriend kasama mo, kumakapal mukha mo.

____
Short update '~'

Elite UniversityWhere stories live. Discover now