Page 5

14 5 0
                                    

WARNING: Medyo SPG

-----------------------------------------

April 12, 2007

Para sa isang segundo na muli nating pagkikita, naghanda ako. Dahil alam kong darating ka sa mga oras na iyon. Hindi mo ako bibiguin -- malabong mangyari ang bagay na iyon.

Sa una, sa pangalawa nating pagtatagpo ko naisipang tumigil nang saglit. Maaari kasing doon ka muling sumulpot. Ang pagkakataong iyon lang ang naisip kong paraan upang makita ka. Hindi ko 'yon sasayangin lang. Kung isang segundo lang talaga ang maaaring ibigay sa pagitan natin, kailangan kong gawin 'yun. Kasi mahal kita. Kasi gusto kong muling makita ka. Kasi, puro ako kasi, puro ako dahilan, punong-puno na ako ng ka-desperaduhan upang masilayan lamang muli ang inosente mong mukha.

Siguro masyado akong napaaga. Nasobrahan iyon... Ngunit tiniis ko, kinaya ko. Marami na ang pumigil sa akin. Nandoon na ang malakas na pagbuhos ng ulan, ang malalakas na lagitik ng kidlat at paglatigo noon sa lupa, ang pagkulog na pinapagalitan ako... Ang malakas na paghangin at sinusuntok ang buo kong katawan, nilulunod ako ako ng bawat lamig na dala noon. Ngunit walang makakapigil sa akin, sa desisyon ko.

Nanginginig na ako sa lamig. Nanlalamig na rin ang buo kong katawan. Masasabi ko nang mga oras na iyon na ako'y putla na, walang buhay na ang aking mga labi. Mabibigat na rin ang talukap ng aking mga mata, gusto ko nang matulog. Alam ko ang maaaring magyari sa akin pagkatapos noon, ngunit ininda ko para sa pagkikita...

Inuubo na ako. Sinisipon na rin. Subalit hindi ko pinapansin, hindi ko sinasabi sa sarili ko na "Tama na, East. Umalis ka na. Magkakasakit ka lang sa padali mong iyan."

Kinalimutan ko ang lahat. Pinili ko ang maghintay... Pinili kita.

Iniisip ko ang pagsasama namin noon. Ang tawanan, iyakan, ang galit, ang pagsusumamo. Ikaw kasi ang buhay ko. Si Spring Fernino, si Spring, ang hangin ko, ikaw. Dahil ikaw ang lahat-lahat sa 'kin.

Sinusulat ko ang mga ito sa pang-limang pahina ng journal ko. Hindi dahil sa gusto ko lang, dahil sa ayaw kong dumating ang panahon na tsaka ko lamang ilalathala ang lahat kung kailan na nakalimutan ko na ang ilan.

Tandang-tanda ko pang parehas tayog Highschool student noon nang magkakilala tayo. Hindi ko na ipagkakaila na 4th year ako't 3rd year ka lang. At mas matanda ako ng isang taon sa iyo. Ngayon? Dalawang taon na... Kasi mas pinili mong bumitaw kaysa humawak.

Hindi ko makakalimutan ang matamis mong mga pagngiti kahit na pataas at pababa ng ang lahat ng pagyayari. Kahit bagyo na ang bawat pagsubok na dumaraan.

Ang itim mong mga mata. Ang mahaba mong itim na buhok. Ang petite mong katawan. Ang makinis at maputi mong balat. Ang malantik mong mga pilik-mata. Ang matangos mong ilong. Ang mahaba mong mga binti, kung gaano ka katangkad, kahit na mas matangkad ako sa sa 'yo't hanggang balikat ko lamang ikaw.

We fell in love. We hold on. And then that day came, na kukunin din pala ikaw sa akin. You gave up. And so am I. Nabigo ako, inaamin ko. Nawala rin ang mundo ko.

Nang oras na bumitaw ka, bumitaw na rin ako.

The first time I saw you, I denied to myself that you were just a mere stranger. But you were not. I am still puzzled. Namataan ko rin na hindi pa ako bumibitaw, nakakapit pa rin pala ako kahit na hirap na hirap na.

Natuwa ako nang malaman nang gabing iyon na kilala mo pa rin ako. Na minsan na 'kong naging parte ng buhay mo. May galak sa kalooban ko, lumulundag dahil sa kagaanan. Nawala ako sa karagatan, may isang bangka ang tumigil at may isang tao na sumagip sa 'kin sa pagkakalunod. Ikaw iyon, kaya napangiti ako. Ikaw na natatadaan pa rin si ako. Ako na walang ginawa kung hindi ang mahalin ka. Patuloy pa rin. Hindi titigil.

His 12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon