Chapter 7 : Classes

8 5 0
                                    

Makalipas ang ilang linggo . Eto na pasukan na .

Andellei's POV

Nandito ako ngayon sa harapan ng malaking salamin . Maaga akong nagising para ayusin ang sarili ko sympre its first day of school .

Maayos kong nilugay ang medyo humaba ko nang buhok . Naglagay nadin ako ng polbo para hindi ako magmukhang dugyot . Kidding .
Tiningnan kong maigi ang school uniform ko . Kulay Gray na long sleeve na may navy blue na linings vertically at may dalawang linings na horizontally . Nasa may bandang kanan yung logo nung school (✡)
Palda naman na kulay gray din na above the knee yung pang ibaba . May linings din na kulay navy blue , vertically na nga lang. 

Nang makapag ayos ng sarili . Lumabas nako ng kwarto at ng dorm ko . Pupuntahan ko nalang siguro yung kambal para may kasabay ako pumasok . Nakausap namin nila Ray si dean  , sabi niya magkakaklase kaming tatlo para maprotektahan namin ang isat isa kung sakali mang may problema. 

Kumatok ako ng tatlong beses sa dorm ng kambal .

Tok ! Tok ! Tok !

Ilang sandali pa , lumabas nadin ang kambal .

Same uniform design ha. Yung kanila nga lang is polo with matching gray slacks .

Nakakatamad ibuka ang bibig kaya i used may cast. 

"Lets go " masayang bati ko sa kanila .

Nakakapanibago ngayon dito sa academy kase marami ng tao di tulad nung nagpunta kami dito a week ago.  Yung ambiance din nag iba , kung dati medyo eerie ngayon naman calm and you can feel the tranquility inside .

Habang nasa hallway maririnig mo yung mga pinag uusapan nung mga studyante na kunno excited na sila ma meet mga classmate nila at mapalakas pa ang kanilang mga cast . Hindi nalang namin sila pinansin nila ray at lunar .

Kakahiya nga eh kase pinagtitinginan kami . Newbies kase . Nako , baka makawawa kami nito ah .

Sabi samin ni dean sa first day nang class magpunta muna kame sa school's bulletin board para malaman ang aming section.  Kaya eto kami ngayon naglalakad na papuntang bulletin chuchu nayon.  Hinayaan ko nalang na sila ray at lunar ang manguna dahil as far as i know wala akong kaalam alam sa lugar na pinasok ko .

Eto ba yung sinasabi ni dean na bulletin board . Eh shemay , hindi naman bulletin board to eh . Napakataas ! Paano na namin malalaman nito yung section namin . Baka tapos na klase kame nandito padin kame at naghahanap .

Napatingin naman ako sa dalawa na nakatingin na pala sakin .

"Mukha kang natipus dellei , whats the purpose of our cast if we will not use  it ? "  Nakangising banat sakin ni ray. 

Itinaas ni ray ang kanyang kamay at nagsimulang mag cast ng spell .

"Sunlight Trajectium

Nagsimulang lumiwanag ang sinasabing bulletin board nayon . As in yung buong bulletin board na kasing laki ng football field ay umiilaw . Hanggang sa may nakita kami na nag red mark . Ayon siguro yung section namin .

Tumingin ulit ako kay Ray .

"Tapos?" Wika ko sa kanya sa isip ko .

"We're class Y , section 3 "  nakangiting anunsyo ni ray samin. 

Agad naman kaming naglakad paalis para puntahan ang room namin .

Napansin ko naman ang kanina pa hawak ni lunar . Ano yon , libro ?

Will CasterKde žijí příběhy. Začni objevovat