2.

2.6K 53 1
                                    


"Magandang hapon madlang pipoool,andito na naman tayo sa paborito kong segment ang Wit lang!" Pag aanunsyo ni Vice sabay taas ng mic dahilan para mag sigawan ang mga tao

"Unahin na nating tawagin at  interviewhin si #1,rumampa ka na dito Ms.Celestina Buenaventura" pagtawag ni Anne at rumampa naman siya,

"Hello Celestina,pansin ko anne ang ganda ng name niya parang pang sinaunang tao" tanong ni Vice kay anne at natawa naman si Anne sabay halakhak."Tawang tawa ka ah,problema natin?" Boses lalaki na sabi ni Vice at natawa naman ang madla

" Sinaunang tao ka diyan,sabihin mo kamo sinaunang pangalan,loko ka talaga"natatawang sabi ni Anne dahilan para habulin siya ni Vice

"Oh!Tama na tama na Hahaha OT na OT na,tanungin nalang natin si Celestina" hingal na sabi ni anne sabay hawak sa dibdib niya. "Diba?hingal na hingal ka no?Wag mo akong uumpisahan Anning Hahahaha" Banat ni Vice sabay lapit kay Celestina.

"So kamusta ka na Celestina?may jowa ka na ba?"tanong ni Vice sabay tapat ng mic kay Celestina.

"Okay lang po Ate Vice,and meron po akong bf 2 years na po kami" sagot niya sabay ngiti.

"Nasan ba Jowa mo ngayon?nandito ba siya?anong pangalan niya?"sunod sunod na tanong ni Vice.

"Mukhang ikaw ang may interest diyan ah,dami mong tanong eh!" Pag rereklamo ni Anne sabay lakad at tumabi kay Celestina. "Pake mo?bakit gusto mo ikaw lang" pag bibiro ni Vice.

Nagtawanan naman ang nga madla dahil sa kakulitan nila.

"Andito ba ngayon yung jowa mo?"tanong ni Anne

"Wala po siya dito sa loob,nasa labas po siya ate anne" sagot niya.

"Bakit nasa labas siya?" Tanong ni Anne sabay tapat ng mic sakanya

"Nalate po kasi siya ng dating ate Anne,dumiretso po siya siya dito pagkatapos ng trabaho niya" ngiti niyang sabi

Were Both Inlove (ViceJack)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant