Summer 2

903 27 2
                                    

Frances POV
  Hawak ko parin yung labi ko habang tinitingnan ang bruha papalayo. . Hindi ko lahat expected lahat nang sinabi nya. Parang sinisisi nya yata sarili nya sa mga nangyayari.
   Dapat nga na masaya ako sa mga sinabi nya para di na nya ako guguluhin pa sa mga panliligaw thing nya pero ba't ganun? ano tung parang na gi guilty at parang nasasayangan sa nangyari? May ginawa ba ako kaya nag iba desisyon nya at tinigil na lahat nang kahibangan nya? Ang daming tanong sa utak ko na kailangan kong itanong sa kanya.  Imbes na mag sasaya kami ngayon..  parang ang lungkot naman nang mga araw na tu. 
  Dapat masaya na rin ako kasi babalik na yung Aryl na kaibigan lang na dapat ituring. .Pero may part din sa utak ko na na sasayangan.

    Lumabas muna ako saglit para magpahangin.  . Malapit nang gumabi kaya nag sisi ilawan na lahat nang mga cottages at sa kabilang kanto nang beach ay may nag pa party. . and I think bakla yata karamihan ang nandun.. at nakita ko agad yung lalaki na kasama kanina ni Aryl na half german na nakipaghalikan sa isang bakla, at naging mas malalim pa ang halikan nang dalawa kaya sumenyas na ang bakla sa barkada nya na aalis na sila nung lalaki na bernard yata ang pangalan. Dahil nasa entrance ako ay nakita agad ako nang walang modo.
 
    "Oie! yur name is Frances right? Saan si Aryl?

   "Natutulog sya ngayun, atsaka pake mo?

    "Woah! Galit agad? Pakisabi na lang sa kanya na naaliw ako sa kanya kanina.. Alam mo may iba sa girlfriend mo, yung tipong pag kasama mo, buo na yung araw mo.. Boyish sya pero maganda parin naman..

   "Bakit di mo na lang atupagin yang kasama mo" sabay turo ko sa kasama nyang bakla na nagche check in nang available room

   "Binayaran lang ako nyan, di ko rin ma itanggi ang halaga na pinatong sa akin. One night stand lang naman kaya pinatulan ko na.. hahaha

   "Tsaka bakit ka nagpapaliwanag? Pake ko kung ano ang gagawin nyo mamaya? Tss" pag mamaldita ko kase parang nandidiri ako sa mga sinasabi nya

   "Wala lang ganito lang talaga ako.  .  At tsaka bakla ka diba? Buti pinatulan ka ni Aryl. Sure ka bang mahal mo si Aryl? Kasi  baka lalaki parin pala hanap mo..

   Nang dahil sa sinabi nya ay nasuntok ko yung kaliwang pisngi nya kaya natumba ito..

   "Marunong ka palang sumuntok!hahaha " natatawang bulalas nito na mas kina inis ko pa

   "Kulang pa yan! Sa susunod bali na yang buto mo!

   Lumapit agad ang baklang kasama nito at galit na galit sa akin at naitapon niya sa akin angdala nitong beer.

    "Hey you! Anong problema mo!

   "Itanong mo dyan sa bastos mung kasama! " sabi ko habang papa alis na at sa di inaasahang pangyayari ay hinawakan nya agad ang buhok ko at aaksyunang dudumugin ako nang may tumumba agad dito

   "Ikaw anong problema mo?" sabi nang tagapagligtas kong bruha na hinila rin ang buhok nang bakla at itinumba

   "At sino ka naman? Huh! Ipapahuli ko kayo sa police mga walang kwenta!" bulalas nito habang tumatawag nang tulong

    "Aryl!"  Sabay na tawag namin sa bruha.

   "Ano nangyari bakit nagkagulo na dito? At tsaka bernard? kasama mo ba yung baklang yun?" turo nito sa baklang kasama nito

   "Ah ou.. pero Aryl di lang kami nag ka unawaan nang bf mo kaya ganun. Joke lang naman sana yung sinabi ko pero parang iba yata ito sa kanya..

    "Di rin naman siguro ka susuntukin kung wala kang nasabing masama diba?" pagtatanggol sa akin nang bruha

   "Pero Aryl.. Joke lang talaga yun at theres nothing to do about it, its just a fine joke you know.

    "Siguro uuwi na kami, bernard.. ako na lang ang mag s-sorry sa suntok na ginawa nang bf ko.. at sorry rin sa nagawa ko dyan sa kasama mo.

Tomboy akong nainlab sa baklang bestfriend koHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin