Chapter 2

78 0 0
                                    

Luke's Pov:

Maghapon ako sa office ni daddy kaya hindi na ko nakalabas. Pero kahit sobrang busy sa preparation para sa darating na welcome party para sa mga freshmen at mga transferee ay hindi nawala sa isip ko ang mala-anghel na mukha nung babaeng nakabunggoan ko. Ano na nga ba ang pangalan nun? Aysh! Sa dami ng pwede ko makalimutan pangalan pa nya. Di bale, magtatagpo parin ang landas namin. At kung hindi ko nasasabi ay kaklasebko sya.

"Son, are you done there? We need to finish it til' friday. Sa sabado na ang welcome party. Kelangan sobrang organize nung party". Sabi ni daddy.

"yes dad. Yung sa mga sounds system na lang ang kulang". Sagot ko. Ayaw kasi ni dad na ipagawa sa mga tauhan o sa mga teachers ang paghahanda para sa party na yun. Kasi gusto nya mismong may ari ng school ang magoorganize ng party. Rason nya? Kami ang may ari ng school kami ang dapat mismo ang magwelcome at magorganize nun. Dahil kami rin ang nakikinabang dun.

"dad, I'm done. Kakausapin ko na lang si Hezekiah. Meron din kasi silang business na sound system. I'm so tired and already sleepy dad".

"okay son, you can go home. You've done too much for this. Thankyou, son". Sabi ni dad.

"welcome dad. Of course, it's our family business, dapat lang na tulongan kita. In fact kami rin naman ni Austin ang makikinabang dito". Totoo naman diba? Dapat lang na tulongan ko si daddy. Para sameng dalawa ng kapatid ko ito eh.

"Yea yea, and I'm so proud of you. Kahit wala na ang mommy nyo lumaki kayo ng maayos".

"and so are we. Proud kami ni Austin sainyo. Kaya swerte ni tita Almira sainyo". Yes, my mom died 4 years ago. Then nameet ni daddy si tita Almira. Mabait naman si tita Almira kaya tinanggap agad namin sya ni Austin sa pamilya. My dad deserves someone na aalagaan sya at mamahalin. Minahal naman ng sobra ni dad si mommy. Kaya ganun din katagal bago sya nakahanap ng iba. Walang pamilya si tita Almira kaya kami ang silbing parang anak nya.

Nang makauwi ako, pinark ko na ang sasakyan sa garahe. Sobrang pagod ko kaya hindi na ko kumain. Naligo at nahiga na lamang ako sa kama nang biglang pumasok sa isip ko si Dennise. Yung ex ko na pinili pa ang career nya kesa saken. Kaya't pinikit ko na lang mga mata ko hanggang sa nakatulog na ko.

---
Huhuhu! Sorry guys. First time lang. Kung may mga maisuggest kayo. Please? Pahelp ako. Para mapaganda ko rin ang first ever story ko at hindi nakakahiya sa Kathniel. 😢😢

You're MineWhere stories live. Discover now