Chapter 9: Park

6.7K 221 2
                                    

Kitty's POV

Pagkatapos kong mag practice ng martial arts bumaba agad ako at nag bihis muna.

Nang pababa na sana ako kaso narinig ko yung sinabi ni andrea. Tinawag nya po akong bruha. tss. Sa ganda kong to? Heler?

Pagkatapos naming kumain nagtaka ako kasi ang liit lang ng kinain ni Christine.

Mga Tatlong subo siguro. Kaya ang payat eh.

Pagkatapos naming maghapunan Pumunta agad kami sa Sala para magpahinga muna.

"Ano guys? Movie marathon tayo?" aya ni nicole.

"Geh."
"Geh lang."
"Fine."

"Parang ayaw nyo naman e. Wag nalang tss." Sabi nya.

"To naman di mabiro. Anong ipe-play natin?" Agad na tanong ni Andrea.

"Tss. Sige mamili kayo. Romance, Comedy, Horror?" Tanong ni Nicole.

"Romance." Sabi ni Andrea.
"Comedy." Sabi ko.
"Tss. Horror."- Victoria.

"Tss. Papanuorin nalang natin lahat." At pinasok nya yung CD na nakakatakot.

After 30 minutes...

"UWAAAAAAAAAAAH!! PATAYIN MO YAN HUTAAAAAAA!!." sabi ni Andrea.

"KINGINAAAAAAAAAAAAAA ANDYAN NA LALABAS NA SYA WAAAAAAAAAH. PATAYIN MOOOOOOOOOO YUNG TV!! Sigaw ni Victoria. tss sya kaya yung nag request na horror.

"WAAAAAAAAAAAAAH KYAAAAAAAAAAAAAAH SABI KO NA NGA BA EEEEEEEH." Sabi ko na parang maluluha na.

"TANGINAAAAAAAAAAAAANG MOVIE NA YAN. KAKASUHAN KO TALAGA ANG DIRECTOR NYAN EH. KYAAAAH!" Sabi naman ni Nicole.

Ng biglang may pumatay sa TV.

"Tss. Mga Duwag, Ang lakas ng loob nyong sabihing Horror yung papanuorin nyo tas matatakot kayo. Psh epic bes!" Sabi ng kakarating lang na si Christine.

"Matulog na nga lang tayo!" Sabi ko.

"Mabuti pa nga." Sabi ni Victoria.

At pagpasok ko sa kwarto ko Nag half bath muna ako bago matulog.

Pagkatapos kong magbihis nakatulog agad ako.

Kinabukasan...

Goodmorning Beautiful.

Hays isang panibagong araw nanaman. Buti nalang talaga at Sabado ngayun.

Pagtingin ko sa Orasan...

"WHAAAT THE EFF?!" hutaa alas dose na pala.

Dali dali akong pumunta ng CR para maligo at pagkatapos non nagbihis muna ako then i clean my self.

Tas pagbaba ko Nandito na silang lahat at nag di-dinner na.

"Oh kitty kala ko wala kanang balak lumabas dyan sa kwarto mo?" Bungad ni Victoria.

"Tss. Kakain nalang ako. Ano bang ulam ang nandyan? Nagugutom na si aqoue." Sabi ko.

Pagkatapos naming Kumain.
Napagdesisyonan ni Nicole na mag pa Salon, Si Christine naman gustong mag pa Pedicure, Si Victoria naman pumunta sa mall para mag grocery, Si Andrea Di gustong lumabas baka daw ma damage yung skin nya. Psh. Aang puti puti na nga nya eh.

Ako? Napagdesisyonan kong pumunta sa Park. wala lang gusto ko lang magpahangin. miss ko na din pumunta don eh.

Kaya nagbihis nalang ako. Ng High waisted short, at Long sleeve crop top. With sandals and Ponytail.

At pagkatapos non lumabas na ako at naglakad nalang patungo don sa park malapit lang naman dito eh.

Paglabas ko palang ng Bahay.
May bulong bulungan nanaman akong naririnig.

"Bes sapakin mo ko ngayun na."
"Dre yung Brief mo nahulog."
"Para ka pong anghel."
"Papicture ate."
"How to be you po?"

Hihihi. Nginitian ko lang sila at nag bow narin, Ang babait naman nila.

Nung pumunta ako sa Park. di naman masyadong maraming tao. Kaya ayun nag libot-libot lang ako. May mga bulong bulongan pa rin pero ngiti lang ang i rereply ko.

Naglalakad ako ng may biglang nahagip ng mata ko.

ICE CREAM! MY FAVORITE.

Agad akong tumakbo patungo don.

Pero...

Sa di inaasahan Nabundol ako kaya alam kong babagsak ako kaya pinikit ko nalang mata ko...

Pero lumipas ang ilang segundo hindi pa rin ako bumabagsak.

Minulat ko ang isa kong mata pero laking gulat ko ng may sumalo pala saakin.

Gosh, ang gwapo nya. Pero wait parang familiar tong mukang to.

Ahah isa sya sa mga Campus King.

may pinaplano na kami sa isang magarbong Revealation namin.

Humanda kayo campus Royalties.

Pagkatapos ko syang masdan. Tumayo agad ako. at nag bow.

"Salamat." Sabi ko sabay ngite.

"Ah wala yon. Bakit ka nga pala nabundol?" Tanong nya.

"Tumakbo kase ako e. Nakita ko kasi ang Favorite ko." Sabay turo ko sa ice cream.

"Ahh. Yun ba. Parehas para tayo. Tara sabay nalang tayong Bumili." Nakangite nyang sabi.

"Ha? Ah ok sge." Sinikap kong hindi mautal.

Nang makalapit kami don sa ice cream, Magsasalita na sana ako kaso inunahan nya ako.

"Manong, Ice cream po Dalawa." Saad nya kaya nag taka ako.

"Mauubos mo yung dalawa?" Takang tanong ko.

"HAHA. hindi noh. Sayo kasi tong isa." Sabi nya sabay bigay ng isang ice cream kaya nahiya ako.

"Lah? Wag nalang oi. May pera naman ako dito." sabi ko.

"Wala na nabili ko na." sabi nya.

"Sabagay, Sige na nga." sabi ko sabay kuha ng ice cream pero sa halip na ang ice cream ang hawakan ko yung kamay nya yung nahawakan ko.

Bigla nalang namula yung fes ko. WAAAH hindi maari.

"HAHA ang cute mo pala mag blush." sabi nya.

"ay hihihi." Pabebe kong sagot.

"Tara don." Turo nya sa isang Bench.

Pagdating namin don bigla nalang tumahimik. Kaya tinanong ko na yung name nya di ko pa kase alam eh.

"Ahmm Ano nga pala yung name mo?" Tanong ko.

"Ahh yun? my Name is Zeke. Zeke Frost." Sabi nya sabay abot ng kamay nya. Kaya inabot ko din yon.

"Ahh. Hi Zeke. Im Kitty, Kitty Joong." Sabi ko sabay ngite.

"Ahh so youre Korean?" tanong nya.

"Yeah." at nag patuloy tuloy yung Pagkwentuhan namin...

Campus King Vs. Gangster PrincessWhere stories live. Discover now