Chapter 4

29 3 4
                                    


Wong's POV

Thanks God! Nakalabas din sa room. Di ko talaga alam ang gagawin ko sa tuwing nandiyan siya. Tang*nang buhay 'to, kalalake kong tao tapos ganito ako kung mag-react sa kaniya. Readers mahal ko na ata si Cess. Paano kaya ako makaka-score?

vibrate

Teka may tumatawag. Unregistered number.

"Hello? Sino to?" tanong ko sa kabilang linya

"This is Mr. Dylan's secretary, nakikiusap daw po siya kung pwede bang maihatid niyo po si maam Cess sa bahay." Ahh so si Sec. Chris pala ito.

"Iinvite niyo din daw po sina sir Michael, sir Seph, ma'am Janiele at ma'am Hanna. May celebration daw po kase mamaya sa bahay nila sir para kay ma'am Cess." Dagdag niya

First time ko atang maki-celebrate ng party sa bahay ni Mr. Dylan. Kase nakakapunta lang naman ako dun every time na may meeting sila nila daddy.

"Sir, bilin din daw po ni sir na asdfghjklzxcvbnm qwpoeroityuy atsaka before 7:30 p.m. dapat nandoon na daw po sa bahay si ma'am Cess." Bilin ni Sec. Chris
"Ok. Copy. Makakaasa si Mr. Dylan sakin." Now is my time to shine...

Cess' POV

Asan na kaya yung baklang yun? In fairness bongga siyang mag- walk out. Ang bilis naman niyang mag-lakad di ko tuloy naabutan. Pupunta na nga lang ako ng cafeteria. Gutom na talaga kase ako eh tsaka sabi ni papa libre na daw ako sa lahat ng pagkain at kung ano pa man sa school na ito. Sabihin ko lang daw na "I'm Cess Del Pier." Ganern. Uubusin ko yung stock ng cafeteria...

-CAFETERIA-

WHOA!! Wala talagang part ng school na ito ang di ako namamangha. Ang lawak ng buong cafeteria. Halos apat na basketball court ata kung tatantyain. Fully airconditioned pa. Andami ding tao. Tiningnan ko yung watch ko and 9:30 a.m. na pala kaya recess na. Wait- ba't iba yung uniform ko sa kanila? Tsaka kung makatingin silang lahat parang di ako tao. Bahala na nga basta kakain na lang ako. Pumunta akong counter at nag give way lahat.

"Uy wag kayong magsialis. I know kanina pa kayong nasa linya at gutom din kayo tulad ko. So let's give this a square fight." Sabi ko sa kanila.

Agad namang may bulung-bulungan akong narinig

"ang bait naman ng taga star class na yan", "I heard may bago daw sa Star class ng school at baka siya na yon.", "Sana ganyan silang lahat noh?"

Ano kayang issues meron ang Star class sa ibang klase dito? Hayst hahayaan ko na nga lang at nang makakain ako ng maayos.

"Miss, I'm Cess Del Pier, gusto ko sana ng 3 cups ng rice atsaka isang serving ng Chicken Adobo" with all the genuine smile ko yong sinabi hehe

"Ms. Del Pier, eto na po." sabay abot ng tray sa akin ni ale

"thank you po" sabi ko

Maghahanap na ako ng table atsaka upuan. Ayun! Sa may glass window dun na lang ako. Ang sarap tingnan ng pagkain pero siyempre dapat mag-pray muna.

"Bless us our Lord for this Thy gift which I am about to receive from Thy bounty through Christ our Lord. Amen"

Ayan naaaa! Kakain na ako!
Nangangalahati na ako nang may umupo sa harapan ko at nagtilian naman yung mga kababaihan sa buong cafeteria.

" Ang lakas mo namang kumain. Daig mo pa ang aso namin" pangiting sabi ni Kim

"At least mas maganda ako sa aso mo. Uy sorry nga pala kanina sa field kung nasungitan kita hehe." Pagpapaumanhin ko

"Wala na 'yon. Let's just forget those things. I understand naman." Di parin naaalis sa mukha niya ang pamatay niyang ngiti. Di ko tuloy maiwasang tutukan yung lips niyang mamula-mula. May dimples pa siya grabe.

Not Just A Love StoryWhere stories live. Discover now