five: insensitive - unsupportive

168 9 10
                                    

Magkasabay kaming napalingon mula sa taong nagsasalita. When I found out who he was, I was surprised by his presence.

"Uriel?"

Naramdaman ko ang pagdikit ng baba ng kriminal sa batok ko at ang bibig naman niya sa aking tainga. "Boyfriend mo, iha? Hanep! May lightning shining armor."

Kulang na lang masuka ako sa binitawan niyang salita. Wala man lang ideya kung tama ba ang kanyang sinabi.

"Let her go." Uriel commanded.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko mula sa sinabi ni Uriel.

"English talker din," komento ng matanda, "pero sa isang kondisyon." He smelled my hair. "Hahalikan ko muna itong girlfriend mo saka ko siya pakakawalan."

I examined Uriel, there was absolutely no emotion visible on his face. He had been serious since he arrived.

"Quiet mean yes," sigaw ng matanda.

Napairap ako sa pinakawalan niyang mga salita, mukhang wala siyang natutunan sa English subject noong nag-aaral siya.

Bigla akong napapikit nang maramdaman ko ang matalim na dulo ng kutsilyo sa aking tagiliran, tansya ko malapit na itong makapunit ng balat.

Nagulat na lang ako sa biglaan niyang pagtulak sa akin. Nadapa ako sa sahig at nang lumingon ako sa paligid, umikot ang aking paningin. Naramdaman kong dinaluhan ako ni Uriel.

"Ayos ka lang?" He whispered as he assisted me in standing up.

"Bwiset! Anong ginawa mo?"

Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya pero sigurado akong tinatanong niya si Uriel tungkol dito.

"Tumigil ka na sa ginagawa mo," wika ni Uriel.

"Huwag mo akong utosan!" Asik ng kriminal. "Bakit hindi ako makalakad? Anong nangyayari? Hindi ako makagalaw, hindi ko maigalaw ang buo kong katawan!"

Iminulat ko muli ang aking mata at tumambad pa rin sa akin ang umiikot na paligid. Hindi pa rin nawawala ang aking pagkahilo kaya pumikit muli ako at umaasang babalik na sa normal ang aking paningin.

"Uriel!"

Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses mula sa labas.

"Father Diego, hindi ka po pwedeng pumasok sa loob ng crime scene," pahayag ng isang lalaki, mukhang pulis siya.

Iminulat ko ang aking mata para malaman kung sino ang tumawag kay Uriel. Hindi na gaanong umiikot ang aking paningin at lumilinaw na ito.

Nakita kong pumasok si Father Diego sa loob ng bus.

"Uriel! Ang tigas talaga ng ulo mo."

Sumunod na rin sa pagpasok sa bus ang mga pulis na nasa likuran ni Father Diego. Binitawan ako ni Uriel at hinarap ang pari.

"Padre Diego," tugon niya.

"Makukulong din naman lang ako kaya susulitin ko na ang aking mga magagawang kasalanan bago ako mapunta sa kulungan." Inagaw ng kriminal ang atensiyon.

I felt an arm wrap over my neck from behind, and a knife appeared in front of me.

"Pakiusap Padre, bumaba na kayo dahil masyadong delikado, kami na ang bahala rito," saad ng pulis habang hinahawakan sila upang pababain sa bus. "Ikaw, huwag mong saktan ang estudyante."

"Hindi ko 'yan maipapangako."

"Padre, umalis na kayo dalhin niyo ang lalaking ito."

Nanatiling nakatayo sina Uriel at Father Diego habang nakatingin sa direksiyon namin.

The Legend Of Dreamy HavenWhere stories live. Discover now