I--Kaibigan Lang Talaga

10 0 0
                                    


[GRAE's POV]

"Grae, halika na! Uwi na tayo. .
Hatid na kita sa inyo at baka hinahanap ka na ng mahal mo"
Aya sakin ni Kent na nakaupo sa sementadong upuan sa lugar na madalas kong puntahan. .

"pwedeng mamaya nalang please?!
Wala naman akong uuwian sa bahay. . Bakit?
Sawa ka na ba sa pagmumukha ko?"

"hindi naman sa ganun. .
Gabi na kasi at tsaka kung pwede nga lang kitang iuwi sa bahay kaso nga lang, ayaw mo naman"
Malungkot niyang sambit. .

"wag na nga nating pag-usapan ang bagay na yan.
Ayoko lang naman na umasa ka. Mahal kita Kent hindi nga lang tulad nung sa kanya"
Kung pwede lang sanang diktahan ang puso eh ginawa ko na at nang di na'ko umasa sa taong ayaw naman sakin at masuklian ang pagmamahal ng taong kasama ko ngayon. .

"kasi naman Grae, pwede ka namang mangupa ng bahay malayo sa kanya at nang makalimutan mo sya at makita mo'ko"

"kung sana ganun lang kadali Kent.
Kaso ang hirap eh.
Mahal ko na talaga sya.
Tanga na kung tanga.
Magsasakripisyo nalang muna ako.
At baka dumating yung araw
na makita at mahalin niya 'ko"
Sana nga dumating pa ang araw na yun..

"sana ako nalang siya"
Malungkot niyang sambit.

Natahimik ako sa sinabi niya.
Mabuting tao si Kent.
Masarap kasama.
Kung may problema ka at gusto mo ng makakausap, magiging seryoso siya para damayan ka.
Ang hirap niyang saktan, kaso ayoko nang paasahin siya. .

Niyaya ko nalang siyang umuwi at nag-usap lang kami tungkol sa trabaho.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay. .

"sige babe alis na'ko!
See you tomorrow.
Goodnight and sweet dreams'
143 muah.2"
Sambit niya na may ngiti sa mga labi. .

Nagloloko na naman ang isang 'to. .

"babe ka jan.
Umalis ka na nga lang at nang di kita mabatukan.
Ingat ka may mumo jan"

"hindi ako takot sa mumo nuh.
Mas takot ako sayo! Takot na mawala ka sa buhay ko"
At nag wink siya

"asus! Alis ka na nga.Bye"
At dali-dali akung tumalikod at baka kiligin ako ng wala sa oras.

Pagpasok ko ng hardin,
Tsaka ko lang napansin na ang dilim pala.
Naku!! Matatakutin pa naman ako sa multo.

Cousin's LoveWhere stories live. Discover now