VB 32

477 18 0
                                    


Zea's POV

"Namiss kita Ali." Saad ni Black sa akin at niyakap ako.

Ali. Humawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit ito.

'Hoy Blacky!' Pagsigaw ko sa kaniya. May sasabihin ako sa kaniya eh.

'Ano Zealiny?!' Pagsagot niya ng hindi ako tinatapunan ng pansin. Itatapos ko nga iying psp na iyon. Syempre joke lang.

'Gusto kita.' Mahinang saad ko sa kaniya para marinig niya. Tumingin naman siya sa akin at hinalikan ako sa labi. Smack lang. Naku ang landi ko. Ang bata ko pa.

'Gusto rin kita Ali.' Saad niya sa akin na nagpangiti sa akin.

'Kapag malaki na tayo papakasal tayo ah.' Saad ko sa kaniya. Napangiti na lang siya at tumango. Kaya mahal ko ito eh.











"Ali! Tara. Doon tayo sa wedding booth!" Aya sa akin ni Blacky. Shet ito na ang kasal ko. Kinikilig ako. Siguradong makukurot ako sa singit nito dahil sa kalandian ko. I'm just 10 years old you know.

"Tara!" Saad ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko. Ang lambot talaga.











"Will you take Zealiny as your wife for worst or for blah blah blah." Ang dami pang satsat eh. Hindi na lang sabihin agad.

"Yes Classmate. I mean father." Natawa ako sa tinuran ni Blacky. Peste. Hahaha.

"You Zealiny. Will you take Black---"

"Yes Father." Saad ko ng may ngiti sa labi.

"You may now kiss the bride." Saad ni Father. Dapat sa noo lang ikikiss pero kiniss ako ni Blacky sa lips. Ow my! Kenekeleg ako. Enebe yen.




Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Pinagsusuntok ko siya hanggang sa mapagod ako.

"Peste ka Blacky. Peste ka. Bakit hindi mo sinabi na ikaw pala iyan! Nagscandalo pa ako kanina!" Sigaw ko habang umiiyak. Pinunasan naman niya ang mga luha ko at kinurot ang ilong ko habang tawa siya ng tawa.

"Okay lang na magscandalo ka Ali. Basta dahil sa akin." Saad niya.

"Eh computer naman iyong tinutukoy kanina eh." Nakapout na saad ko.

"So computer ang mahal mo?" Malungkot na saad niya sa akin.

"Hindi. Ang profile niya ang mahal ko. Salamat na rin kay computer dahil nagkita tayong muli." Saad ko sa kaniya. Hindi ko na inintindi sila Mommy na nanonood.

"Mahal kita Ali." Saad niya at idinikit ang noo niya sa noo ko.

"Hindi kita mahal Blacky." Saad ko na nagpagulat sa kaniya. May luha na sang papatak sa mata niya ng mabilis ko siyang hinalikan.

"Hindi kita Mahal kasi Mahal na mahal kita." Saad ko. Ngumiti naman siya at hinalikan ako. A passionate one.

"Ewww. Get a room." Narinig kong saad ni Keana. Napahiwalay naman kami at napatawa na lang.






dreamhope_s

Virtual BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon