Chapter 7

562 25 7
                                    

"We're all just a bunch of addicts, struggling with our drug of choice." - Jm Storm

Louise POV

"Milky, hindi ka nakikinig 'no?"  Tanong ni Kitty sa akin na ikinabalik ko ulit sa huwisyo.

"Ahh oo."  Kaagad kong sagot kahit na sa totoo lang ay hindi ko talaga narinig ng maayos ang mga sinasabi niya magmula kanina. Taimtim na lamang akong nagdadasal na sana tumugma ang sagot ko sa tanong niya.

Ngumisi siya sa akin na ikinahinga ko ng maluwag bago ko ininom ang black forest frappe ko.

"Sabi na eh. Hindi ka talaga nakikinig." Nasamid ako bigla sa sinabi niya kaya kaagad akong kumuha ng tissue at pinunasan ang aking labi.

"Hindi ah. Nakikinig kaya ako."  Nakanguso kong sagot na ikinatingin niya sa akin ng mariin dahil halatang hindi siya naniniwala sa sagot ko.

"May problema ka ba Louise?"  Tanong niya habang walang imik akong tinitignan siya.

Whenever she calls my name, I know that she's already serious in our conversation but I just can't tell her right now.

Darn it. Anong ginawa ng lalaking 'yon sa sistema ko? Bakit nagkakaganito ako? Nang dahil lang sa isang halik?

Nginitian ko na lamang siya at bahagyang umiling bago ko ipinagpatuloy ang pag-inom sa frappe ko.

Mariin lamang akong tinignan nito bago siya bumuntong-hininga na nagpapahiwatig na ayaw niya na akong kulitin pa kahit na sa kaloob-looban niya ay kating-kati na siyang pilitin akong sagutin ang tanong niya.

“Just always remember that I’m here for you. Okay? Near or far. Wherever you are.” Wika niya at hindi masyadong pinapahalata na gusto niya talagang kantahin ang theme song ng Titanic.

Ganito kasi ‘yan. Nag-movie marathon kami kagabi at ang Titanic ang huling movie na pinanuod namin. Tapos nung matapos na namin ‘yung movie ay paulit-ulit kinakanta ni Kitty ang ‘My heart will go on’.

Ngayon naman ay nasa isang café kami dahil matagal na naming binabalak ‘to kaya lang palaging hindi natutuloy. Kaya lang ngayon namang natuloy ang matagal na naming pinaplano ay ‘tsaka pa ako nawawala sa sarili.

“I will, Kitty. Thank you.” I sincerely answered that made her smile.

Ngumiti rin ito sa akin bago siya bumalik ulit sa kaniyang pagkukwento subalit ngayon ay nakikinig na talaga ako sa kaniya. Mahirap na at baka hindi niya na ako tatantanan sa kakatanong kung anong problema ko.

Green's POV

Walang imik kong tinitignan ang mga panget kong kasama. Nasa bar kami ngayon ni Pula ang kakambal ni Itim. Oo, emo colors ang magkambal na 'yon pero taliwas naman 'yon sa kanilang mga ugali dahil sobrang hyper nila yung tipo bang araw-araw silang umiinom ng enervon.

Eh di 'yon nga. Tahimik kong pinagmamasdan ang mga boring kong  kasama sa loob ng VIP room. Ang kakambal ko na nagbabasa ng libro habang umiinom ng alak sa shot glass niya. Si Demonyo na parang timang na kanina pa nakahawak sa labi niya at bigla na lang ngumingisi. At si captain naman na walang emosyong pinaiikot ang kaniyang phone sa kaniyang kamay.

Sapikin ko ata ang mga 'to eh. Ang lakas ng loob na mag-bar tapos ganito lang ang mga gagawin nila?

'Yung isa ginawang café ang bar. 'Yung isa naman parang nakahithit ng iligal na droga dahil bigla na lamang itong ngumingisi tapos ang isa naman ay para bang pumunta lang dito para ipaikot-ikot ang cellphone niya dahil magmula kanina ay hindi pa nito iniinom ang alak na nasa shot glass niya.

Jusko. Sinasabi ko na nga ba. Ako na lang talaga ang matino sa amin. Ako na lang ang may alam kung ano ba talaga ang mga tamang gawain sa bar tulad ng iniinom dapat ang alak at hindi ginagawang pang-display. Maghahanap ng babae na pwedeng landiin at bonus na lang kapag makaka-iskor ka rin dito. Nagsasaya at hindi ginagawang parang coffee shop ang bar. At higit sa lahat ay nakiki-join in sa iba. Hindi yung bigla ka na lang ngumingisi ng walang dahilan.

Taena eh. Ni hindi pa nga nakakalahati ang alak mukhang may tama na kaagad ang demonyitong 'yon. Hindi naman ganoon 'yon dati eh. Wala lang siyang imik umiinom at matutumba na lang ang kakambal ko dahil sa kalasingan ay hindi pa rin nagiging tipsy ang ugok. Parehas na parehas sila ni captain. Dinaig pa kami ng kakambal kong panget.

Nakahalukipkip lamang ako habang pinagmamasdan ko sila hanggang sa hindi ko na napigilan pa at nagsalita na ako.

"Oy! Mag-aayos ba kayo o ano?" Inip kong tanong sa kanila ngunit hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin. Aba! Mga bastos na bata.

Akmang magsasalita ulit ako nang biglang magsalita ang baduy kong kakambal.

"Maayos kami Berde. Ikaw lang ang hindi."  Sagot nito habang hindi niya inaalis ang kaniyang tingin sa librong binabasa niya.

Aba'y pucha. Did he just choose that fucking boring book over his sexy twin?

Kokontra na sana ulit ako nang bigla akong tinignan ng masama ni captain kaya hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin ko na ikinangising wagi naman ng panget na Asul.

Damn it. Bahala kayo diyan. Magsama-sama kayong mga boring. Maghahanap na lang ako ng bago kong grupo. Hmph!

Demon's POV

Padabog na umalis ng VIP room si Berde pero ni isa man sa amin ay hindi siya liningon.

Why should we? Matanda na siya. Alam na ng gagong 'yon ang ginagawa niya.

Napahawak ulit ako sa aking labi at wala sa sariling napangisi ulit.

Damn. How I wish I could taste her sweet addicting lips again and again and again.

Halos hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi ng matandang 'yon sa akin dahil ang labi niya lang ang nasa isip ko buong magdamag.

Actually I really didn't listen to that old man at hindi na bago sa kaniya 'yon. If he's one stubborn dad, then I'm more stubborn than him, and sad to say that he needs to deal with it.

Napalingon ako kay Asul nang tumunog ang phone niya at sinagot niya naman ito.

"Hello? O napano ka? Ba't di ikaw ang pumunta dito? Gago kaya mo na 'yan. Edi magpabugbog ka, problema ba 'yon? Tangina mo. Babaero ka kasi kaya dapat lang sayo 'yan. Ulol! Matagal na rin kitang tinakwil Berde. Matanda ka na. Kaya mo na 'yan. Tawagan mo na lang ulit ako kapag nasa hospital ka na at baka sakaling sipagin ako at puntahan ka doon. Ciao!" Sambit nito bago niya pinatay ang tawag at muling nagbasa na para bang walang nangyayaring masama sa kakambal niya.

Inalis ko na lamang ang tingin ko sa kaniya at ininom na lamang ang alak na nasa shot glass ko.

"Demon," tawag sa akin ni Steven ngunit hindi ko man siya tinignan.

"What?" Tanong ko habang sinasalinan ng alak ang baso ko.

"Tell me, am I starting to get crazy if that Hello Kitty girl is always in my mind?" Tanong niya na ikinatingin ko sa kaniya at nakita ko siyang iniikot pa rin ang cellphone niya.

Ibinalik ko na lamang ang aking tingin sa baso ko na may lamang alak bago ako sumagot.

"Maybe." Maikli kong sagot bago ko ininom ulit ang alak.

Parehas lang tayo ng sitwasyon, Steven. Hindi ko rin alam kung nababaliw na ba ako o baliw na talaga ako simula ng mahalikan ko ang best friend niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Gusto mo bang malaman kung kailan ako maga-update o makita man lang ang sneak peek ng susunod na chapter ng BFL? Just like this one:

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Gusto mo bang malaman kung kailan ako maga-update o makita man lang ang sneak peek ng susunod na chapter ng BFL? Just like this one:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Then follow me on INSTAGRAM: jeymiiibluu 😉

This chapter is unedited.

JamieeeBlue 💙

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beseeching for LoveWhere stories live. Discover now