Chapter 1: Blood Witch

172 54 99
                                    

Rose Ivy Verneil
POV

Sixteen palang ako ay nakita ko kung paano pinatay ni papa si mama.

Habang nakatali si mama sa pader ay isa-isang tinusukan ni papa ng pako si mama sa leeg. It killed her but he didn't stop. Gamit ang dart ay ibinato ni papa ang mga 'yon sa tiyan ni mama. Hindi pa siya natapos doon. Binalatan ni papa ang balat ni mama at inisa-isang hinila ang mga ugat nito.

Naiyak at nandiri ako. How brutal can my father be?

Akala ko tapos na, hindi pa pala.

Nagkaroon ng apoy sa kamay ni papa at ibanato ang fire ball kay mama. Kitang kita ko sa mga mata ko kung paano nasunog ang katawan ni mama.

Lumapit saakin si papa at gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko ng mahigpit.

"Kung ayaw mo matulad sa ina mo, ibigay mo saakin ang kapangyarihan na meron sa'yo."

Pulang pula ang mga mata ni papa no'n. Takot na takot ako.

Hindi ako nakapagsalita at hindi ako nakagalaw no'n sa sobrang kaba at takot.

Alalang-alala ko kung paano ako sampalin ni papa no'n. Ginamit ni papa ang katawan ko para mapasarap ang sarili niya, at wala akong nagawa.

Hindi ko alam ang kapangyarihan ko. Kaya lagi akong sinasaktan ni papa no'n.

Sabunot dito, kurot doon. Minsan pa nga ay papaapoyin niya ang buhok ko dahilan para masunog ito.

Nagkaroon ako ng maraming pasa, sugat, at sakit. Wala siyang paki doon.

Sabi niya kasi, "papahirapan kita hanggang sa lumabas 'yang kapangyarihan mo. At kapag nangyari 'yon, ibibigay mo saakin ang lahat ng iyon!"

Isang taon. Isang taon akong kinawawa, binugbog, sinabunutan, ginamit ang katawan, kinurot, at ikinulong.

Iyak lang ako ng iyak habang yakap ang sarili ko. Napapaisip nga ako eh, bakit ganito ang nangyayari saakin?

Hanggang sa dumating ang araw na nangitim ang mga kamay ko. Para itong itim na usok na lumalabas sa mga kamay ko.

Pero no'ng dumating si papa sa aking kuwarto ay nawala ang itim na usok.

Gano'n parin ang nangyari. Sabunot dito, sampal doon.

Ayoko na. Pagod na ako. Gusto ko ng itigil ang lahat ng ito.

Hindi ko alam ang nangyari saakin sa mga panahong iyon. Basta nawala nalang ako sa sarili.

Pumalibot saakin ang maitim na awra, nangitim uli ang mga kamay ko, naging kulay itim ang mga mata ko.

Isa lang ang pumasok sa isip ko no'n.

Ipaghiganti si mama.

Ang nakikita ko lang ay ang mapupulang dugo. Dugo ni papa. Hindi na ako nakapag isip ng mabuti at napalingon kay papa.

Gamit ang mga kapangyarihan ko ay itinuro ko si papa at ipinalutang mula sa kinatatayuan niya.

Sinusubukan niyang makawala pero hindi ako pumayag. Mas hinigpitan ko pa ang aking kamao, rason ng pag-ipit sakaniya kahit na hindi ko siya hinahawakan.

Napangisi ako sa tuwa at natawa. Pagkatapos lahat ng ginawa niya saakin at kay mama, maibabalik ko na lahat ng 'yon sakan'ya!

Kinontrol ko ang bawat patalim dito sa aming bahay at itinutok sakaniya.

"Isa, dalawa, tatlo," Sabi ko habang naka mala-demonyong ngiti sa aking ama, "pagkabilang ko ng sampo, wala na buhay mo."

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni papa no'n. Aaminin ko, natatakot pa ako do'n pero hindi ko ipinahalata.

Ang importante lang saakin noon ay ang maipaghiganti si mama.

"Pakawalan m-mo a-ako dito!" Hirap na ani ni papa.

Sige. Ibinalibag ko siya sa pader ng sobrang lakas at isa-isa kong pinasunod ang patalim.

Isang kutsilyo sa kanang kamay niya, isa sa kaliwa. Isa sa tiyan, isa sa gitna ng dibdib. Isa sa magkabilang paa, at isa sa tuktok ng ulo niya.

Dugo. Dugo. Dugo. Gusto ko pa makakita ng dugo niya!

"Isa.." Umpisa ko at tinanggal siya sa pagkakadikit sa pader rason ng pagsigaw niya ng sobrang lakas dahil sa mga kutsilyo.

"Dalawa.." ani ko at ibinagsak siya sa lamesang salamin.

"Tatlo.." gamit ang kapangyarihan ko ay sinakal ko ang leeg niya.

Oo buhay pa siya sa lagay na yan. May kapangyarihan siyang apoy kaya hindi basta-basta siyang mamamatay.

Kinuntrol ko ang boteng mantika ay pinainit 'yon gamit ang kapangyarihan ko. Itinapat ko 'yon sa ulo niya.

"Apat.." at binuhos ang sobrang init ng mantika.

Sigaw lang siya ng sigaw. Natuwa ako.

Hindi pa ako titigil dito.

Kinontrol ko ang bawat babasaging gamit dito sa bahay at isa isang binasag ang mga iyon at itinusok sa bawat parte ng katawan niya.

"Ahhhh!" Sigaw niya uli. Hindi ako tumigil.

Nilaliman ko ang bawat salamin na naka saksak sakaniyang katawan.

"Lima, anim.."

Mainit na tubig. Kinontrol ko ang tubig na mainit at ibinuhos sakaniya.

Sumigaw ulit siya.

"Pito.."

"Walo.." Dugo. Isa isa ko siyang pinutulan ng mga daliri, mula sa paa hanggang kamay.

"Siyam.." pako..

Bawat pako dito sa bahay at kinontrol ko upang saksakin ang kaniyang likod.

At ang huli..

"Sampo." Ibinuhos ko ang galit ko sakan'ya. Lahat lahat.

Bawat patalim ay kinontrol ko upang putulin ang bawat parte ng katawan niya. Hinati sa dalawa ang kaniyang ulo at tinanggal ang utak niya. Ang mga laman loob niya ay ikinalat ko sa buong silid, at ang kaniyang mga binti at balikat ay hinati hati ko sa maliliit.

Matapos mangyari 'yon ay nawala ang itim na awra na nakapalibot saakin. Bumalik sa kulay lupa (brown) ang aking mga mata at bumalik sa tama ang aking pag-iisip.

Ngayon, nakatayo ako dito habang nakatingin sa aking kawawang ama. Natuwa ako at natawa ng parang baliw.

----

3 months later...

Tatlong buwan ang nakalipas at heto ako ngayon. Nakakulong sa isang pinaka gwardyang kulongan. Bloody prison. Kung saan nakakulong ang mga taong may kapangyarihan na nakagawa ng kasalanan. Katulad ko.

Pinatay ko lang naman ang sarili kong ama at ipinakitang wala akong awa.

Nakilala ko dito sa kulungan si Aziey. Ang babaeng kumakain ng tao. Kinain niya ang sarili niyang magulang at kapatid at may kapangyarihan siyang kidlat.

"So," sabi niya habang nakahawak sa bakal, "you're a blood witch." Sabi nito habang nakangisi.

Kumunot ang noo ko bilang pagka-hindi intindi.

Natawa siya, "ang blood witch ay masmakapangyarihan pa kesa sa mga regular na witch. Kung hindi ako nagkakamali, itim na kapangyarihan ang nakuha mo. Ang isang tulad mo ay gustong maghanap ng dugo. 'Yon ang kalakasan mo."

Simula do'n ay nalaman ko na ang lahat ng kailangan kong malaman. Kung ano ang kalakasan at kahinaan ko. Kung ano pa ang kaya kong gawin.

Devious HeroesWhere stories live. Discover now