💓Chapitre Un - Pag-ibig💜

6 0 0
                                    

Lyka's POV

Ako'y nakaupo sa isang sementadong upuan dito sa park. Hapon na at anytime uulan ata. Mga higit isang oras din ako dito. Ayaw kong pagurin sarili ko sa mga taong ang titigas ng ulo.

Tumakas lang ako sa gala naming magkakaibigan. Kaya pala niyaya kami ni Nica kaninang gumala. Libre nya daw. Ay first naghihinala kami kasi di naman yan ganyan. May boyfriend naman sya kaya bakit gusto nyang gumala kasama namin?

Di naman sa ayaw pero parang papel at glue kasi yang magjowa na yan. Kung san ang isa andun din ang isa, kaya minsan nalang kami gumala.

Nung nagkita kami kanina sa fastfood, niyakap nya kami ng mahigpit. Nagkatinginan pa kami ni Kaye kasi di naman to madramang tao.

Kinwento nyang may iba na pala si Rust, bf nya. Todo advice naman si Kaye sa kanya. Ako? Uminom lang ng cokefloat. At nung nag ccr sila, umalis na ako. Nakakaintindi naman sila kasi sanay na akong walang kibo.

Pinayuhan ko naman kasi si Nica noon na lolokohin din sya ng mokong iyon. Pero binalewala ako kaya magdusa sya. Kami pa naman yung unang tatawagan nya kapag nasaktan sya, pero nung masaya sya? Asan kami?
Tao nga naman ang bobo pagdating sa pag-ibig.

Magjojowa pa eh mamatay din naman.

Sulitin mo nalang ang panahon na buhay ka pa, simulan mo sa pagiging single. Di naman uunlad ang Pilipinas kapag may jowa ka. Uunlad ang populasyon, OO. Productive masyado. Nadala lang naman sa bugho ng damdamin. Tapos iiwan din naman. Ipapamigay ang bata. Ang bata pa ang magdudusa eh wala naman syang nagawang mali. Naisilang syang may problema sa pamilya kaya lalaki din yung bitbit ang problemang iyon.

Ganyan din ako, napulot lang ako sa simbahan. Mabuti at may kumopkop saking may mabubuting kalooban.

Di ko naman alam kung anong rason kung bakit ako initsapwera pero parang ganun nadin yun, yun bang di ka mahal.

Mahal ka pa ba ng magulang mo kung nagtiis sya ng 9 na buwan at nung nailuwal ka na ay ipapamigay na lamang?

Pero laking pasalamat ko pa rin kasi nakilala ko sina Mama Nersie at Papa Thobi. Sila ang nagpalaki sakin. Kaya taos puso kong tatanawing utang na loob ang kanilang kabutihang ginawa.

Hindi ko napansing unti unti na palang tumutulo ang aking luha sa aking pisnge. Nadala lang siguro kaya eto ako. Ang hina ko kasi pagdating sa pag-ibig. Mas mabuti ng single kasi walang problema..

Halo-halong scenes ang makikita mo dito sa park. May magpapamilyang nageenjoy. May mga jowang ang ssweet. May nag-aaway din.

Ramdam kong may nagvibrate sa aking bulsa kaya kinuha ko ang aking cellphone at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Umuwi ka na Lyly, uulan na oh"

"Sige ma, papunta na po"

"Mag-ingat ka anak"

Binaba ko na ang linya at nag stretch ng kaunti. Uuwi na ako, uuwing may alaala na naman kanina. Bat ba naman kasi nagjowa eh di naman pala kaya kung maghihiwalay.



Kasalukuyan akong naghuhugas ng plato dito sa kusina. Tapos na kaming kumain, simple lang ang ulam, ang maganda ay kompleto kami okay na yun.

"Ipainom mo yang gamot sa Tatay mo anak"

"Opo nay" sagot ko habang binabanlawan ang mga plato.

Nang matapos na akong maghugas, diretso kaagad ako sa ref para kunin ang gamot ni papa. May sakit kasi sya, kaya di ako nagpapabigat kasi naaawa na ako sa kanila. May cancer si papa sa utak, kaya parati lang syang nakalubog sa kwarto niya. Kami na ni mama ang nag-aalaga sa kanya. Habang wala si mama, ako ang nag-aalaga. Nagtitinda kasi sya ng banana cue sa park. Wala syang trabaho ngayon kasi sumasakit na din daw minsan ang bewang nya.

Kaya di ako nagfofocus sa pag-ibig na yan kasi mas uunahin ko pa pamilya ko.

"Tay?" Sabay katok ko sa pintuan

"Pasok anak"

"Tay, tapos na kayong kumain kaya inumin mo na po itong gamot mo"

"Salamat anak"

"Pahinga na po kayo tay, Mahal na mahal kita"

"Nga pala nak, yung tuition mo, hahanap ako ng paraan dun" naiiyak ako sa sinabi ni papa. Kahit may sakit sya, humahanap pa din sya ng paraan para mapag-aral nya lang ako. Ang swerte ko sa tatay ko. Lilipat  alang ako ng public para mabawas-bawasan din ang mga gastusin.

"Papa, wag na po kayong magalala, may pera na po ako. Magpahinga lang kayo. Hahanap pa kami ni Nanay ng maraming pera para mapa-opera ka po"

"Papaopera eh mamatay lang din naman"

Ayaw ko na ng linyang iyan. Naiiyak ako. Mabubuhay ka tay. Lalaban ka po para samin

"Wag kang ganyan tay, matulog ka na po. Papaoperahan ka po namin. Good night po"

Lumabas ako ng kwarto ni Tatay habang nagpupunas ng luha. Ang sakit makitang nagdudurusa ang iyong ama sa harapan mo. Sya yung tumayong TUNAY kong ama nung mga panahong kailangan ko ng pagaalaga at pagmamahal. Kaya hahanap at hahanap ako ng paraan.

"Oh anak? Bakit ka umiiyak?" nagbibilang si Nanay ng pera sa sala. Kita nya ata kahapon. Kita kong parang di kasya yung pera nya. Kailangan kong magsinungaling kay Papa na may pera na kami para di man lang sya bibitaw. Para magkaroon man lang sya ng pag-asa na gagaling sya.

"Ah, napuhing lang po nay. Matulog na po kayo"

"Kailangan ko pa tong tapusin anak, ikaw ang matulog na. May pasok ka pa bukas. Lunes bukas diba? Kaya matulog ka na para maaga kang gigising bukas. Mahirap na at baka ma late ka pa"

"Sige po nay. Good night"

Pumasok ako sa aking kwarto. Nakakapagod na din ang ganito. Yung lumaki ka sa hirap, yung walang wala talaga kayo. Pero ang mas mahalaga, kompleto naman kami.

Inihiga ko ang aking sarili sa kama at unti unti kong nararamdaman ang pagsarado ng aking mga mata.

---------------------

Hey guys! Please bare with me if boring sa simula. Just wait until dadami na ang chapters kasi dun na gaganda. Pero I'll do my best na magustuhan nyo. And sorry sa typo.

Don't forget to vote and comment💓

~Monnie~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love CycleWhere stories live. Discover now