Way Too Good at Goodbyes

1.4K 58 6
                                    

"Patay kang kabayo ka."

Pumasok si Anne sa tent at tinapik si Vice para magising. Nagising si Vice.

Anne: Ano yan??? *sabay turo sa braso ni Vice na nadaganan ni Velle*

Nagulat si Vice na nakaakbay siya kay Velle. Dahan dahan niyang tinanggal yung braso niya kasi natutulog pa si Velle.

Vice: Ano yang dala mo?

Anne: Pagkain. Bakit ka nakaakbay kay Velle?

Vice: Di ko namalayan. Nakatulog lang siguro siya. Bakit ko naman siya aakbayan?

Anne: Sabihin mo yan sa girlfriend mo

Vice: Bakit?

Anne: Itong pagkain na to, dala ni Jaki

Vice: Asan siya?

Anne: Umalis na

Vice: Bakit di man lang siya nagpakita?

Anne: Pano siya magpapakita sayo pagkatapos ng makita niya?

Vice: Nakita niyang nakaakbay ako kay Velle???

Anne: Malamang. Di naman siya aalis nang umiiyak kung hindi niya nakita yun di ba?

Vice: Shet

Tumayo si Vice at kinuha ang cellphone niya.

"The subscriber you're trying to reach is not available. Please try again later."

Ilang beses niya tinawagan si Jaki pero hindi siya sumasagot. Tinawagan na din niya ang bahay ni Jaki pero hindi pa rin daw siya nakakabalik. Tinawagan niya ulit. Wala pa ring sumasagot.

To: Baby Girl
Wala yun, baby

Trust me, please?

Walang nangyayari sa amin ni Velle

Call me, please?

It's just a misunderstanding. Call me, baby?

Baby...please, call me..

Director: Vice, scene mo na ulit.

Vice: Direk, pwede give me 10 minutes?

Director: Delayed na nga tayo, Vice eh. Delaying further will just cost us more money.

Walang choice si Vice kundi sumunod. Nag text siya ng isa pang beses bago umalis.

To: Baby Girl
Please..wag kang aalis hanggang hindi natin to napaguusapan..magshoot lang ako..call me please


Umiiyak sa sasakyan si Jaki. Naka off ang phone niya.

Kuya Ten: Mam, ok lang po kayo?

Jaki: O-opo ok lang po

Humihikbi si Jaki. Parang masakit ang puso niya. Hindi man niya alam kung anong nangyari, pero nasaktan siya.

Mukhang magiging ok naman siya kahit wala ako. Baka mas maging masaya pa siya. Siguro mas maganda na wala na lang ako. Magpapaalam na lang ako bago umalis. Baka hindi niya alam na pumunta ako kanina.

Nakarating na sila sa bahay ni Jaki. Kinuha niya yung cellphone niya pero dahil basa ang kamay niya sa luha, nabitawan niya ito at nalaglag sa sahig. Ayaw na mag on ulit.

Pwede naman palitan yung phone. Ok pa naman yung sim.

Pinulot niya yung phone at naglakad papasok ng bahay. Pero nalaglag ulit ang phone niya sa may fountain nila. Nasa ilalim ng fountain yung phone.

Destiny's ReturnWhere stories live. Discover now