My favorite dessert

977 101 93
                                    

私の好きなデザート
060418
Seulgi x Irene
Oneshot

***

NAPATINGIN ako sa tasa ng kape na nakalagay sa mesa nang bumaba ako. Sino naman kaya ang nag-lagay nito? Sa pagkaka-alam ko kasi, umalis na si Wendy sa dorm kanina pa dahil may photoshoot sya. Si Yeri naman, pumasok sa school. Si Joy, busy sya ngayon dahil sa madami din syang solo projects.

"Gising ka na." Napapitlag ako nang may marinig akong malamig na boses— at alam na alam ko na kung sino iyon. Our leader, Irene.

"A-ah, yes— hi, Eonnie." I chuckled. Medyo kinakabahan ako dahil ilang araw na din kaming hindi nagpapansinan. Hindi kasi kami nagkaunawaan ng maayos kaya nauwi sa isang away. Sa isang away na tumagal ng ilang araw. Miss na miss ko na talaga sya. Sobra. Sobra-sobra. Yung presensya nya, yung kamay nya, yung init ng yakap nya.

Yung ngiti nya na madalas pinagdadamot nya sa iba at sa akin nya lang pinapakita.

"Pinagtimpla kita ng kape." Katulad ng dati, cold pa din sya. Yung boses nya na kulang nalang manginig ka sa sobrang lamig. Ganyan talaga sya dati pa, eh. Pero kahit na ganyan sya. . .

"Pinagluto na din kita dahil alam kong hindi ka sanay magluto."

. . .sweet sya.

"Thank you, Eonnie." Nakangiting sabi ko kaya naman natigilan sya at tinignan ako. Sinamaan nya ako ng tingin kaya napapitlag ako.

"Eonnie?" She mocked, glaring at me. Inaano ko ba sya?

"Y-yes, b-bakit?" Kinakabahan na tanong ko. Bakit nag-iba na naman ang mood nya?

Ah. . .

"Wala." Inis na sabi nya, at bumalik na naman ang pagiging seryoso ang mukha nya kaya naman napangiti ako ng palihim.

. . .gets ko na.

Tahimik na lumakad ako papalapit sa kanya dahil nakatalikod na naman sya. May ginagawa sya, naghuhugas ata ng plato. Walang imik na niyakap ko sya mula sa likod kaya naman narinig ko ang mahinang pagsinghap nya. Halatang nagulat ko sya ngunit hindi ko iyon at pinansin at sumbsob lang ako sa batok nya habang hapit ko sya sa bewang nya.

"Irene." Mahinang tawag ko ngunit hindi sya sumagot, as expected. "Sorry na, ha? Ayoko lang naman kasing tawagin kang ano kasi alam mo na, iniisip ko, hindi pa tayo ayos." Hinging patawad ko sa kanya. Hindi sya sumagot kaya mas niyakap ko sya ng mahigpit. Ayokong mawala sya sa akin. Ayokong bitawan sya. Ayokong makawala sya sa bisig ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mangyari 'yon.

"Irene. . ." Inaamoy ko ang batok nya kaya naman rinig ko ang malalim na pag-hinga nya. "Sorry na. Kung nasigawan man kita last week. Kung nagpadala ako sa galit ko. Pinangako ko pa mandin sa'yo na hindi kita sasaktan, na hindi kita paiiyakin. Sorry kung wala akong kwentang—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla syang humarap sa akin. Nakahawak pa din ako sa bewang nya ngunit ngayon, nakikita ko na ang mukha nya.

Favorite dessert ➵ 슬린Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang