Chapter Twelve: Confession

11.5K 330 37
                                    

CHAPTER TWELVE

"WHAT is going on?" Bulong ko sa sarili habang nagtitimpla ng kape. Hanggang ngayon ay hindi maalis-alis sa isip ko ang nasaksihan eksena kagabi sa pagitan nina Clyde at Karla. May kukunin lang sana ako sa study room nang maabutan ko sila roon. Hindi ko gusto makiusyoso pero bago pa makalayo ay narinig ko na ang kanilang pag-uusap.

"Clyde, tell me! Siya ba ang dahilan kung bakit gusto mo nang makipaghiwalay sa akin? Siya pa rin ba hanggang ngayon?"

"Yes... And no!"

Iyon na siguro ang pinakamalabong sagot na narinig ko. But obviously may third party na involved at kung sinuman siya, it's none of my business. Problema na nilang magnobyo iyon.

Muli kong pinilig ang ulo pero kahit alug-alugin ko pa iyon ay hindi pa rin sila maalis sa isipan ko.

"Stop thinking about them, okay?"

"Sino ang kausap mo?"

I almost jump in surprised. Hindi ko inaasahan ang biglang pagsulpot ni Clyde.

"N-No one... I'm just...t-talking to myself." Darn! This is so embrassing.

"May problema ba?" kunot-noo na tanong pa niya.

"Wala," sabi ko kasabay ng pag-iling.

Ikaw ang may problema, hindi ako. Subalit sa nakikita ko kay Clyde ay parang wala lang sa kanya ang nangyari kagabi. O baka naman marunong lang talaga siyang magdala ng problema.

"Karla and I broke up last night."

Naibuga ko ang iniinom na kape sa narinig. Wala man lang siyang pasintabi. Agad akong dinaluhan ni Clyde sa pag-aakala na napaso ako sa mainit na inumin.

"Maalat!"

"Huh?" Naroon ang kalituhan sa mukha niya.

"Maalat itong kape. Asin yata ang nailagay ko imbes na asukal," pagsisinungaling ko.

Akmang  kukunin niya sa akin ang hawak na mug ngunit agad kong inilayo iyon sa kanya at saka itinapon ang laman sa lababo.

"Magtitimpla na lang ulit ako."

"Ako na lang," prisinta ni Clyde bago ko pa siya mapigilan. "Sit there. May pag-uusapan tayo," sabay turo sa silyang malapit sa kanya.

"I can’t!"

Magkasalubong ang mga kilay na lumingon siya sa akin.

"I'm sorry but I need to make a phonecall to Eric." Nagmamadali akong humakbang palabas subalit maagap niya akong napigilan sa braso.

"Are you talking about your secretary?"

Bagaman nagulat kung paano niya nalaman ang tungkol kay Eric ay hindi ko iyon pinahalata.

"I really need to call him."

"Jella, iniiwasan mo ba ako?"

"Of course not. May importante lang talaga akong itatawag sa kanya. And it couldn't wait."

Mataman akong tinitigan ni Clyde na tila tinatanya kung nagsasabi ako ng totoo. Hanggang sa naramdaman ko na lumuwag ang pagkakahawak niya at tuluyan binitiwan ang aking braso.

"Go. Do you business," he said coldly. "I'll wait until you're ready."

Something is wrong with me. Aminado ako sa part na iyon. But I couldn't understand myself why I am acting this way... especially infront of Clyde. Bigla na lang akong hindi naging komportable sa kanya. As if, na parang may nagbago sa kanya. 

The Stranger In MeWhere stories live. Discover now