I

2.3K 104 28
                                    

.
.
.
.
Napa balikwas si Althea sa sinag ni haring araw na sumisilip sa kanyang bintana, hudyat upang siyay gumising.

Nakaka pagod mang isipin pero ito na ang naka gisnan nyang buhay, simula noong pumanaw ang kanyang ama.

Walang pag atubiling tumaas ang magandang dilag upang mag unat unat para maibsan ang antok nitong nararamdaman.

Kailangan nyang gumising ng maaga upang mailako ang panindang kakanin na ginagawa ng kanyang ina.

Umuga na naman, ‘bagong buhay bagong pag asa’….......ika nga nila.

Kaya dapat salubungin itong maluwag sa puso at mag pasalamat sa Diyos sa ibinigay na bukang liwayway.

Matamis ang ngiting sumilay sa mukha ng magandang dalaga.

Ulila na sa ama si Althea, namatay ito ng madaganan ng pader na gumuhong gusali sa pinag tatrabahuan.

Isang Enhinyero ang kanyang ama samantalang ang ina nito’y sa bahay lamang, ayaw kasi ng tatay nya noon na pinag tatrabaho ang kanyang ina, sapagkat ito’y may karamdaman sa puso.

Masasabing isang masayang pamilya mayroon ang magandang dalaga noon, nag iisa man syang anak pero sinisigurado ng kanyang mga magulang na hindi sya lalaki sa luho.

Hindi ma ikakaila na may kaya sila noon, pero ang lahat ng yun ay nawala dahil sa trahidyang pangyayari.

Nabaun sila sa utang at na ubos ang ipon ng kanyang  mga magulang sa kadahilanang mahigit isang taon na coma ang kanyang ama at na ubos iyon sa  pang tustus sa hospital.

Maliban dito kailangan din ng alalay na gamot sa kanyang ina, para sa sakit nito sa puso.

Kaya ang lahat na naipundar ng pamilya ay nai binta, maliban sa bahay na tinitirhan nila ngayon.

“Althea anak gising na para makakain bago ka umalis.”  Katok ni nanay Kristy ang butihing ina ng dalaga.

“Gising napo nay, maliligo muna po ako at bababa din pag katapos.” Sagot ng dalaga sa ina habang pa punta ng banyo.

“O sya bilisan mo anak lalamig yung pagkain.”

“Opo nay.”

----------------------------

Mainit ang sikat ng araw na dumadampi sa balat ng dalaga, pero wala kang makitang pag rereklamo sa kanyang mukha, maaliwalas ito at napaka ganda.

Balingkinitan ang pangangatawan, matangkad, matangus na ilong, mahahabang pilikmata, mapupulang labi, ma mumulang pisngi at mabibilog na kulay dark brown nitong nag niningningang mga mata.

Kaya bago sya lalabas ng bahay, sinisigurado ng ina na nakatago ang mukha ng anak. 

Pinapa suot nya ito ng medical mask at naka long sleeve na makapal kahit tirik na tirik ang araw, tapos naka cap pa ito.

Gusto man nyang suwayin ang ina pero wala syang magagawa saka dahilanang, muntik na syang mapag samantalahan.

Dahil sa taglay na ganda....paminsan minsan na iisip din ng dalaga na taglay nito ay sumpa.

Dahil sa kabo-uan nitong kakinisan sa balat, maputi at ang nakakahumaling nitong ganda hindi maiwasang mapag diskitahan sya sa mga tambay sa kalye na madadaanan, lalong lalo na’t napapalayo sya sa pag lalako sa kanilang lugar.

Ayaw na nga sana ng ina na mag tinda pa ang dalaga ng mga kakanin simula noong pangyayari na di nila malilimutan, pwede naman daw sa tindahan nila na maliit e display, subalit yun nga lang hindi ito ma uubos at ma papanis lang, sayang naman ang puhonan.
.
.
.
Nangyari ang masamang bangungut sa buhay ng dalaga noong labing anim na taong gulang pa lamang sya…………..

Dapit Hapon (JaThea) Where stories live. Discover now