Chapter 12

7.5K 180 0
                                    

CHAPTER 12

Mabilis lumipas ang mga oras at hindi nila namalayan iyon. Pasado alas-nueve na ng gabi nang lisanin nila ang coffee shop.
Habang daan ay naalala niya ang karneng inilabas niya kanina sa Refrigerator.
“Patay!” wala sa sariling bulalas niya na ikinagulat ni Bristan.
“Why?”
“Yong karneng inilabas ko kanina sa Ref.  Nawala sa isip ko na magluluto nga pala ako ng hapunan.”
“Gusto mo ako ang mag luto para sa’yo?”
“Parang nakakahiya naman yata, Mr. Architect.” Nangingiting sinulyapan niya ang lalaki.
“Anong nakakahiya roon? Dahil ba sa kakikilala palang natin? Well, isipin mo nalang na matagal na matagal na tayong magkakilala. O kaya, ako yong nawawala mong bestfriend.”
“Sige na nga, kunwari mag bestfriend tayo.”

Pagkarating nila sa cottage niya ay dumeritso na ang lalaki sa mini-kitchen.
“Ano ba ang gusto mong lutuin ko?” Baling sa kanya ng lalaki.
“Ikaw na ang bahala.” Hinayaan na niyang kumilos ang lalaki sa kusina.

Makalipas ang halos forty five minutes ay masaya siya nitong tinawag.
.
“Grabe, ang sarap nito.”
“Cheese at garlic powder lang ang idinagdag ko diyan.”
“Parang gusto tuloy kitang kuning Chef sa Resto ko.” Biro niya sa lalaki.
“Why not,” Akala ni Zia ay nagbibiro ang lalaki pero nang tingnan niya ito ay seryosong-seryoso naman.
“Ano ka ba, joke ko lang ‘yon. Hindi ko kayang pantayan ang kinikita mo sa pagiging Architect mo ‘no!”
“Hindi naman ako magpapabayad, eh.”
“‘Yan naman ang hindi pwede. Pero salamat talaga dito sa niluto mo.”
“Ako nga lang yata ang nagmana kay Papa pagdating sa kusina. Pero mas magaling siyempre iyon kesa sa akin.”
“Ilan ba kayong magkapatid?”
“Dalawa nalang kami. Yong pangalawa ko kasing kapatid ay namatay noong Four years old siya.”
“Sorry, Bristan.”
“Okay na kami. Pero may pagkakataon na iniisip namin na sana buhay pa siya. Noong maganap kasi ang aksidente, hindi naman nakita ang bangkay niya.”
Nakita niya sa mga mata ng lalaki ang kalungkutan at naiiintindihan niya ang nararamdaman nito. Alam niya kasi ang pakiramdam ng mawalan. “Ikaw, kumusta naman?”
“Masaya naman.”
“Parang hindi yan ang nakikita ko sa mga mata mo,”
“Well, I’m trying to be happy.”
“Andito lang ako. Handang makinig.” Maaliwalas ang mukha na sagot ni Bristan.
“Okay lang ba? Baka naman ma-kornihan ka lang sa mga ike-kwento ko.”
“Okay lang, just go ahead,”
“Ex ko ang dahilan kung bakit nandito ako. Nakakatawa. Itinuturing ko kasi siyang ex samantalang para sa kanya, walang ganoon. Siya ang dahilan kung bakit ginusto kong sumubok ng mga bagong bagay para lang libangin ang sarili ko. Sa tingin mo ba tama ang ginawa ko?” Malungkot ang mga matang tumingin siya sa lalaki.
“Wala namang eksaktong proseso sa pagmo-move-on e, kusa nalang ‘yan maglalaho. Pero hindi lahat madaling mawala, yong iba nga habang-buhay nang maninirahan sa sistema mo. H’wag mong puwersahin ang sarili mong kalimutan ang isang tao o bagay; mas mahihirapan ka lang.”

Tumayo na ang lalaki at pinagpatong-patong na nito ang mga platong pinagkainan nila.
“Ako na. Ikaw na nga ang nagluto tapos ikaw pa ang magliligpit; masyado ng nakakahiya.”
“Okay lang. Sanay ako sa bahay.” Ipinagpatuloy lang nito ang pagliligpit.
“Salamat ha?” Kapagkuwan ay baling ng lalaki sa kanya.
“For what?”
“Sa masarap na hapunan at kwentuhan. Akala ko noong una, istrikta ka,”
“Inilalagay ko naman sa lugar ang pagiging istrikta ko. At saka, ako dapat ang magpasalamat sa’yo. Salamat kasi kahit bago lang tayong magkakilala, nag tiyaga ka paring makinig sa mga sentimyento ko sa buhay.”
Pagkatapos mag ligpit ng lalaki ay dinala na iyon ni Zia sa lababo at hinugasan na niya.
“Paano ‘yan, kelangan ko nang umuwi.”
“Sige. Thank you and take care.” Matamis lang na ngiti ang isinagot sa kanya ng lalaki.
Halos isang buwan nang nag o-operate ang Zia’zzling House at patuloy iyon dinadagsa ng mga guests ng Resort. Halos hindi na namamalayan ni Zia ang mabilis na paglipas ng panahon.

“Hindi ka pa ba dadalaw dito? Namimiss ka ng mga bata.” Malungkot na tanong ni Gill sa kabilang linya.
“Su-surpresahin ko na lang kayo. Pero hindi ko pa masasabi kung kailan. Basta, mag-iingat kayo lagi diyan. Pakikumusta nalang ako kay Pami.”
“Okay. Ah, Zia, yong si- yong Boss ko na si sir Cainon, maraming beses ka na nga palang pinuntahan dito.”
“Sinabi mo ba kung nasaan ako?”
“Hindi. Paano ko naman ‘yon sasabihin e, kahit ako nga hindi ko alam kung saan ka ba talaga nagtago.”
“Pasensya na. Hayaan mo, one of these days, papupuntahin kita dito.”
“Naiintindihan ko naman. Mag-iingat ka lagi diyan, bye.”
“Bye.” Matapos magpalaam sa kaibigan ay inayos na niya ang hihigaan. Kanina pa siya pabiling-biling pero hindi pa rin siya makatulog. Iisa lang ang gumugulo sa isipan niya. Hindi man niya aminin pero apektado siya sa nalaman na hinahanap siya ng lalaki. Pero hindi ba ang ipinunta niya dito ay para makalimutan ang lalaki kaya hindi na siya dapat magpa-apekto sa kahit na anong bagay na involve ang lalaki.
“Kumusta? Mukhang hiyang ka dito sa isla, ah.” Bati sa kanya ni Patricia. Isang umaga iyon na nagkakape siya malapit sa dalampasigan.
“Pakiramdam ko nga namumutla na ako, e.”
“Lalo ka ngang gumaganda. Walang halong pambobola ‘yan, ha? Anyway, bago ko makalimutan, gusto kitang imbitahan mamayang gabi sa bahay. Darating kasi ang Tita ni Klark.
“Salamat. Pupunta nalang ako.” Napalinga siya nang dumaan sa harapan nila si Bristan at kumaway ito.
“Napansin kong parang close na kayo ni Mr. Ocampo. Nanliligaw ba siya sa’yo?”
“Hindi naman. Parang kapatid lang ang turing no’n sa akin.”
“Buti naman. Mahirap kasing makipag-relasyon sa taong hindi pa totally moved-on.”

The Invader (R-18) TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWAREWhere stories live. Discover now