JISA

3.2K 25 5
                                    

JISA

[LJ]

Kapag Pucker ka maganda o gwapo ka. E ano namang tawag sa kagaya kong in between na Pucker? Ano pa edi magandang gwapo.

Wit kayo nagkamali ng basa, bakla aketch. Isa kong certified dyosa mula sa karagatan. Pero hindi ako

ladlad na juding. Whylalu? Wit gusto ni pudra na magkaron ng junakis na judingerzi na kagaya ko. Pero ano bang maggawa ko kung sirena ko? Wit naman diba?

Pero eto na nga ang problema ng lola niyo. Wit ko na kero maglihim saking pudra. Kaso surelalu akong jojombagin niya ang makinis kong facelak kapag umamin akong judingerzi ako.

Bakit kasi ipinanganak akong lalaki? Bakit hindi nalang ako ipinanganak na babaeng tunay? Hindi yung pinanganak akong lalaking may pusong dilag. Like OMG!! Pano na ang beauty ko kung never akong maglaladlad? Pero pano naman ang feslalu ko kung jumbagin ako ng bonggang bongga ni pudrabels?

Goodness ang hirap maging dyosa, wag niyo ng hilingin.

"girl!! OMG!!! nakita ko kanina si papa Shaun and he's so so so hotness talaga"

Buti pa ang mga lamang dagat na yan keribumbumbels nilang lumandi kahit saan sila andon, kahit sino kaharap nila at higit sa lahat kahit sino ang kasama nila. Samantalang ang dyosang aketch ay nahihirapang itago ang aking pagiging dyosa. Dahil oras na lumantad aketch bylalu na saming balur at maloloka ang aking beauty kapag nangyri yun.

"OMG!! si Liam!! ang gwapo niya talaga" oo gwapo ko pero gwapo din gusto ko

"hot hot hot"

"kalaglag panty teee" buti pa kayo pwedeng magsuot ng mga pambabaeng damut dahil babae kayo, e aketch? Nasan ang hustisya?

Andito ko ngayon sa paaralang pag mamay-ari ng mga Pucker, dito lang naman nag-aaral ang lola niyo. Kaya naman nawiwindang din dito ang beauty ko. Wit kasi ko makapaglantad kahit dito. Whylalu? Syempre alam

ng lahat na ganap na lalaki ako, saka haler!! Pucker ako, kahihiyan sa pamilya namin ang isang dyosang kagaya ko.

Habang nagmomonolog aketch saking jutakers ay may humarang sakin na babae na dehins aketch noselift.

"amm....Liam anoo ahh para sayo" sabay abot niya ng isang regalo

OMG!! May gusto sakin si ateng, poor girl. Gusto ko sanang sabihing "gusto ko din ng gwapo" o kaya "dehins tayo talo te" Tanging nasagot ko nalang ay

"salamat" with matching big smile pa yan, pagkatpos kong ipat ang ulo niya gorabels na aketch

"kyaaahh!!!"

"OMO!! tinanggap niya!!" at tilian pa silang magkakaibigan

Buti pa sila pwedeng maglandi ng ganyan, ako kaya? Kailan kaya ako makakapaglandi ng ganyan?

Ganto kahirap mging isang MISISter Pucker

AN: SOON pa po ito, baka after pa to ng My Twin and I, kasi don niyo malalaman kung sino ang ama ni LJ :)))

Pucker Series #6: MISISter PuckerWhere stories live. Discover now