Chapter 3

776 16 0
                                    

#Please Vote and Follow me on my Account💋

Masigla akong lumabas sa condo. Excited na akong kumain ng fine dining. Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta sa mamahaling restaurant.

Nang makalabas na ako ay nakasalubong ko si Mr. Butt Plugs na naka-ayos. Sabay pa talaga kaming lumabas sa condo. Ang gara ng kanyang sinuot na tuxedo. Ang gwapo-gwapo niya. No scratch dahil gwapo naman talaga siya. His dark eyes, dark hair, and hot body na talagang nag g-gym.

Nagtitigan muna kami saglit at nilibot ang aming paningin sa isa't-isa.

"Where are you going?" Sabay naming sabi

"Bakit ka bihis na bihis?" Sabay ulit naming sabi.

Kumunot ang noo niya. "Okay, you first"

"Ano yan, ladies first! Ikaw nga dapat mauna" reklamo ko.

He sigh. "May pupuntahan lang. Eh ikaw?"

"May pupuntahan lang din"

Tumango siya at sabay kaming pumasok sa elevator. Konti lang naman kami sa loob ng elavator. May couple na nag ch-cheesy moment, sarap tadyakan. May matanda rin at staff ng building. Ang awkward talaga kapag walang imikan.

Ewan ko lang ha, pero sabay kaming lumabas ng building. Sabay kaming nakarating sa resto. And worst, pareho kami ng reservation.

"Isn't it weird?" Takang tanong niya ng papunta na kami sa VIP room.

"Not at all. Except that we're both wearing formal, same restaurant, and the same reservation." I said in full sarcasm

"You don't need to be so sarcastic. Jeez!" Sabi niya at napamulsa.

Nanahimik ulit kaming dalawa at patuloy na naglakad. Pambihira naman kasi, ang laki-laki ng lugar with two floors. Okay lang naman dahil two floors pero marami talagang pasikot-sikot dahil sa mga reservations, celebrations, debuts and such which are held in this place. Hindi ko rin naman sila masisisi because this place is great.

Umabot na kami sa double doors at laking taka ko ng pinagbuksan niya ako ng pinto.

Tinaasan ko siya ng kilay. Na we-weirduhan ako sa inasal niya. He just said 'what?' na para bang wala namang ginawa. Hindi ko nalang siya pinansin at napa rollyo ng mata. This guy is unbelievable!

Lumapit ako sa table nina Daddy kasama ang new business partner niya. They seem pretty close.

"Hi Dad!" I greeted and kiss his cheeks.

"I'm glad you're already here my daughter" he said happily. I help myself and sit on the chair beside dad. Dahil uhaw na rin ako ay uminom ako ng tubig.

"Hey son!" Bati nung ka business partner ni Dad. Napalingon ako sa tinutukoy nito at laking malas ba naman. Muntik pa nga ako mabilaukan sa tubig. -_-

Ang dalawang kamay niya ay nakalagay sa dalawa niyang bulsa. Tch! Pa cool effect ang walanghiya. Kulang nalang ata i-slowmo.

Nag-wave siya at binati ang kanyang mga magulang. Tiningnan niya ako ng nakaka asar na ngisi. Sarap sakalin. Talagang nang-aasar.

"Do you know each other? Sabay kasi kayong dumating" sabi ng Dad niya.

Umupo muna siya sa tabi ko tsaka sinagot ang dad niya. Kaya pala walang umuupo dito kasi reserve sa kamalahan.

"Actually yes. She's the girl I told you about na inirapan ako sa mall at kapitbahay ko na inaasar akong Mr. Butt Plugs" natatawa niyang sabi.

Nagtawanan naman ang mga pamilya namin. Ibinaba ko nalang ang aking ulo. Nakakahiya.

Kinurot ko ang kanyang tagiliran dahilan kaya napabikwas siya. Napatingin siya sa'kin na parang sinasabi na 'what-did-i-do' look. Lechugas de leche flan!

"Hoy! Kung plano mo akong ipahiya, huwag harap-harap! Walanghiya ka!" I shout at him in whisper. Gigil na talaga ako sa kanya.

Tinawanan niya lang ako na tila aliw na aliw sa pagkakaasar ko. I glare at him pero dinilaan niya lang ako. Psh! Isip-bata.

Rinig ko pa rin ang tawanan nina Daddy at pamilya niya. Wow men! Happy talaga sila,walang ending! Habang asar na asar na talaga ako. Konting kiblat nalang ay sasabog na ako sa galit.

"Stop it you two. You know,bagay kayo" sabi ng mommy niya ng maka get over na ito sa kakatawa. She stare at me na para bang sinasabi na go-get-him-girl! *sigh*

Excuse me! Over my deop dead, hot, sexy body! Asa naman siya noh? Yuuuuck... Bagay daw,pfft!

"This is my Daughter Samantha Bliss Cordova and I am Samuel Cordova chairman of IT Airlines" Pag-aanonsiyo ni Daddy. Nakipag kamay at besso-besso naman ako.

"This is my son Arlo Saavedra and I'm Anthony Saavedra and my wife here, Carmine Saavedra. My son has been replacing my position as Chairman of our Company for 2 years. He's amazing" sabi nito.

Para namang nalaglag ata ang bituka ko doon. I can't believe he replace his dad as Chairman of their Company sa murang edad.

Tiningnan ko siya na parang hindi makapaniwala. He wiggle his brows at ngumisi ng nakaka asar. Ang yabang talaga.

The lunch went well. Mas formal kasi ang dinner kaso busy lahat ng people sa world. Well, may plano rin naman akong mag grocery mamaya. Paubos na kasi ang desserts sa condo pati na rin ang shampoo at sabon.

Pagkatapos ng Lunch ay pumunta agad ako sa condo para magbihis. Magmumukha akong shunga pag nag grocery akong naka formal attire di ba?

I tied my hair into a messy bun, floral long sleeve, and leggings paired with doll shoes. Tss! Mag g-grocery lang, hindi na kailangan ng pa sosyal.

Ano kayang masarap bilhin? Chocolates? Like Tobleron,Dairy Milk, Ferrero Roche, and M&M. Masarap rin dagdagan ng junkfoods kung sakaling mag mo-movie marathon ako. Let's see, Nova, Piattos and Pringles. Pwede rin ang easy to cook na pop corns o di kaya Kettles para matamis.

Jusko! Magkaka diabetes ata ako nito!

Syempre, hindi pwedeng mawala ang drinks. May water, sports drink and soda. Ay teka, yung sabon at shampoo pa pala. Hehe.

Pagkatapos kong bumili lahat ng dapat bilhin ay pumila na ako. Buti naman at hindi masyadong mahaba ang pila.

Tumingin nalang ako sa ibang customer sa paligid to kill my boredom. Yung iba nag ce-cellphone, pinapangaralan ang mga anak nila, at nag earphone. Yung iba nga parang na ta-tae o na-iihi na. I pity them.

The Guy Next Door Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon