CHAPTER 29

606 16 3
                                    

CHAPTER 29

Yanna's Point Of View


"Yanna anong nangyari dyan?"

Tanong sa akin ni kuya ng makauwi kami,tinitgnan niya ng maigi ang mga ito habang ginagamot.

"Hindi ka naman nadapa kanina diba."

Umiling ako sa kanya at kinuha ang yelo na hawak niya. At nilagay sa braso ko. Di ba alam ni kuya na isa to.

"Kuya sintomas na yan ng sakit ko."

Nginitian ko siya habang ang mga mata niya nanaman ay lumungkot. Alam kong mahirap to,pero kailangan nila magiging matatag for the future.

"Kuya kahit anong mangyari promise mo sa akin na magkakatuluyan kayo ni Ina. Alam kong masaya ka sa kanya,ang tanging pumipigil lang sayo ay yung sakit ko. Iniisip mo na alagaan muna ako kaysa atupagin ang lovelife mo. Kuya kung ako ang masusunod ayoko maapektuhan kayo. Sakit ko ito,dapat ako lang ang nahihirapan. Gusto kong sundin mo ang puso mo bago pa mahuli ang lahat."

Kinuha ko ang ointment at nilagay ito sa braso ko. Ngayon ko lang rin napansin na meron na rin pala sa binti ko. Agad kong kinuha ang yelo tapos pinahid dun sa dalawang pasa ko sa binti.

"Yanna kapatid kita responsibility kita"

"Pero hindi lang dapat sa akin ang atensyon mo"

May sarili siyang buhay. May sarili siyang puso at hindi sa lang sa akin nakatuon ang buhay niya. May mga ginagawa rin siya na dapat ay hindi ako kasama.

"I will protect you."

Parehas talaga sila ni Paul. Magkaibigan nga.

"I don't need protection kuya."

Malaki na ako,alam ko na mangyayari sa akin.

"Kuya mo ako."

"Alam ko kuya. Pero kung masasaktan ako masasaktan. It's part,kung mamatay,mamatay."

"Yanna wag kang magsalita ng ganyan."

Inagaw niya sa akin ang yelo at lumuhod siya para gamutin ang pasa ko sa binti.

"Doon din naman pupunta ito. Pinapatagal lang."

Ngiti kong sabi sa kanya.

"Pero hindi pa ngayon,not now. Hindi pa kaya ni kuya na mawalan ng little princess dito."

Naramdaman ko na may mga luha sa gilid ng mata ko habang tinitignan si kuya. Paano nga ba ako magpapaalan sa kanila ng hindi nasasaktan. Paano nga ba ako lilisan dito na masaya sila. Ang hirap naman neto. Kung may kapangyarihan lang ako para baguhin ang lahat gagawin ko. Gagawin ko para sa ikakabuti ko at ikakasaya nila.

"Pero malapit na kuya."

Pinunasan ni kuya ang pisnge niya at naramdaman ko na may pumatak na luha sa mata niya. Nahihirapan ako na nakikita silang ganito. Nahihirapan ako na nahihirapan sila dahil sakin.

"Kuya shh don't cry."

Hinawakan ko ang pisnge niya at hinarap sa akin. Nakikita ko ito na namumula at parang pinipigilan niya umiyak. Ito ang gusto ko kay kuya,kahit lagi niya ako inaasar ay andyan pa rin siya. Kahit lagi niya ako pinagtitripan ay umiiyak pa rin siya dahil sa akin.

"You need to be ready kasi hindi natin alam na pwedeng mamaya,bukas o sa susunod na araw ay wala na ako. Kailangan mong magpapakatatag para kay mommy at daddy."

Niyakap ako ni kuya at dun siya humikbi. Masakit ito para sa kanya pero mas masakit ito para sa akin. Kasi sila iiwanan ko na magkakasama,ako aalis ako na mag isa.

"Yanna,wag ka naman magmadali hindi pa naman ngayon yun e. Please wag ka muna sumuko,hindi pa naman siya malala. Kaya pa agapan yan,we will do our best para mabuhay ka. Andito si kuya para protektahan,hindi ko hahayaan na mawala ka at iwan kami."

Hinamas ko ang likod ni kuya para pagaanin ang loob niya. Sana nga there's a chance na mabuhay ako. Sana nga sa isang iglap lang okay na lahat.

"Bakit ba kasi sa ating dalawa,sayo pa napunta yan,bakit di nalang ako."

"Kuya God has a plan. Wag mong iwiwish yan,kasi di ko kakayanin."

Umalis na siya sa yakap at bumalik sa pagkakaupo. Hindi ko kaya na nagkagaganito siya. Umakyat na ako at iniwan siya dun kasi di ko na kaya. Hirap na ako. Pagpasok ko sa kwarto agad ko iyong nilock at umupo sa kama.

Bakit pa kasi ako?

Bakit sa daming tao ako ang may ganitong sakit?

Wala naman akong ginawang kasalanan,naging mabuti akong anak. Hindi ko pinatulan ang mga taong minamaliit ako. Pero bakit ganito ang kapalit. Bakit ako ang nahihirapan at nasasaktan.

Gusto ko ng sumuko para mabawasan ang sakit sa akin at pag aalala nila. Pero at the same time ayaw ko,kasi maiiwan sila.

Naguguluhan na ako!

Hindi ko sila kayang iwan. Hindi ko kayang iwan ang mga taong nakapaligid sakin at nagpapangiti sakin. Hindi ko kayang iwan ang mga taong mahal ko. Pero paano ko hindi sila iiwan,kung sa umpisa palang there is a possibility na maiiwan ko sila. That's the fact,kahit ilang wish pa sa star at kahit ilang beses pa ako na mag wish sa 11:11 ay hindi matutupad ang pangarap kong magtagal. Kasi may oras na ako.

"Yanna."

Narinig kong katok ni kuya mula sa labas. Lumapit ako sa pintuan pero hindi ko to binuksan.

"Pag kailangan mo ako nasa kwarto lang ako ah. Uminom ka ng gamot at kumain. Bawal ka mag iskip ng meal,mahal na mahal ka ni kuya."

At panibagong luha nanaman ang tumulo mula sa mga mata ko.

Mahal na mahal din kita kuya.

"Lumaban ka lang kasi di kami susuko sayo. Kahit pagod laban pa rin,matapang ka. Alam kong di mo kami iiwan. Basta kapag pagod kana sabihin mo samin para mapalakas ka namin. Kung malungkot ka papasayahin ka namin. We will do everything to make you happy baby. Kuya always love you remember that."

Napahawak na ako sa bibig ko at hindi maiwasan lumuha. Tama si kuya di ako dapat sumuko para sa mga patuloy na lumalaban sakin. Dapat makayanan at malagpasan ko to. Para kela mommy,daddy at kuya. At mga taong mahal ko sa buhay. Magpapakatatag ako hanggang kaya ko.

The Nerd Where stories live. Discover now