Chapter 3

128 4 0
                                    

Chapter 3 "Titig"

"Porphyria..." I fixed my eyes to the ground, waiting for her to stand and walk away like how other people act after hearing it. I don't understand why they have to distance theirselves from me e, hindi naman siya nakakahawa. I get it that they don't know anything about the disease pero hindi ko rin maiwasang hindi masaktan. Lalo na sa tuwing sinusubukan kong lumapit ay lumalayo naman sila.

"Porphyria? 'Yong parang si Edward Cullen? Vampire. E, di kung ganun ikaw si Renesmee?" a huge laugh coming from her roared in every corner of the room. I don't know what to feel exactly. "Akalain mo 'yon, nameet ko na 'yong pinapanood ko? Gosh!" and she continued laughing.

I smiled even if it's not what I want to do. Masakit kasi na ganun 'yong tingin nila o impresyon nila sa akin agad.

Yumuko ako, nalulungkot. "Pe-- pero hindi ako naninipsip ng dugo..." paliwanag ko. Ayaw kong isipin niya na ganun din ang ginagawa ko. E, hindi naman.

She laughed harder. 'Yong parang wala ng bukas. I just watch her. Hindi ko magets kung bakit ganun na lang siya makatawa e, hindi naman ako nagpapatawa. Totoo naman kasi 'yong sinabi ko. Hindi naman ako umiinom ng dugo o kahit ano na parang isang bampira. Nakakainis iyong ibang libro, their trying to connect us with vampires e pwede namang sa iba na lang tuloy iyon ang tingin ng mga tao sa amin.

"Wa-- wala naman akong sinabi ah! Gosh! You're so funny!" I saw a tear fell on her cheeks because of laughing.

"You-- you all considered us vampires. Hindi namin gusto." I whispered that kept her mouth shut for the meantime. Sinilip ko siya. I almost jump out of my seat when I saw her scowled.

It alarmed me so what I did was to say my sorry.

"No... ako dapat ang magsabi niyan. Sorry. Did I hurt your feelings?"

"O-- okay lang sanay na ako." Sagot ko. Bata palang kasi ako 'yon na ang tukso sa akin ng ibang bata. Isa na roon ay iyong babaeng tumusok sa kamay ko gamit iyong heels niya. They don't know anything about me pero alam nilang malapit iyon sa kondisyon ko. Coincidence?

"Ba-- bata palang kasi ako 'yon na iyong tawag sa akin." Kaya naintindihan ko siya. I heard her cursed and said sorry again for the second time. I shook my head because really, it's not a big deal. Nakakasakit pero ayos lang.

"Mahirap ba?"

I nodded. "So-- sobra. You have to wake up everyday asking if gabi pa ba o umaga na." I laughed when I remember how I keep struggling every single time. "Kasi ma-- madilim 'yong buong kwarto mo. Lagi kasi akong nakakulong sa kwarto. Hindi ako pwede sa araw o kahit sa mga artificial lights kaya ang hirap."

So my parents renovated my room. Nagpagawa sila ng bintana na lahat ay may plastic films para makita ko kung may araw o wala na. I was very happy kasi habang nakasilip ako sa bintana nakikita kong masaya 'yong mga batang naglalaro sa baba. I was pulled by jealousy and questions. Kaya sinubukan kong makipagkaibigan. I want to play with them but I end up being bullied. Nagawa pa nila akong saktan. Sobra ang takot ko kaya simula noon natakot na ako sa mga tao that I even ask my parents to live away from the city. I was home schooled since then kaya hindi naging mahirap.

"Wa-- wala rin akong naging kaibigan. Wala akong masyadong experience kasama ang ibang tao. Ku-- kung meron man, siguro 'yong sinabunutan lang ako." Ngiti ko. Sinuot ko na 'yong gloves ko.

"Kaya ba takot na takot ka sa akin?"

Tumango ako. Ngayon palang parang ramdam kong magiging kaibigan ko siya. Sana hindi siya katulad nung isang babae. Ang sama ng ugali.

"Ang hirap pala ng condition mo. Don't worry, simula ngayon ako na ang kaibigan mo."

"Huh?!" I was really shock upon looking at her hand. Nilahad niya kasi sa akin iyon.

Girl In The Dark (SSG#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon