Kabanata 28

5.6K 219 90
                                    

Kabanata 28

Fuck You

Nakapikit ako at naghihintay nalang sa susunod na mangyayari sa akin. Gusto kong sampalin ang sarili ko at sigawan na ipagtanggol ko naman ang sarili ko. Pumiglas ako at sigawan siya. Sampalin, sabunutan at tadyakan, hanggang sa hindi na siya makalakad.

Pero imbes na iyon ang ginagawa ko ngayon, hinahayaan ko pa siya. Para akong tuta na walang magawa sa gusto ng amo ko. Akala ko okay siya, natuwa pa ako dahil sa wakas ay lalaki na ang kausap ko ngayon. Pero sa public pa talaga siya nagganyan?! Ibang klase.

"Fuck!" malutong na mura ang narinig ko.

Pagkatapos niyon ay parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang marinig ko ang sunod sunod na pagtama ng kamao nang kung sino man, sa lalaking bumastos sa akin. Huminga ako malamin dahil pakiramdam ko ay nalunod ako at hindi agad nakahaon.

Nagkagulo ang mga tao. Samu't saring sigaw ang narinig ko. Sigaw dahil sa takot, sigaw dahil sa pag-awat at sigaw dahil sa inis. Minulat ko ang mata ko para makita ang nangyayari. Malabo ang paningin ko dahil sa luhang nakaharang sa mata ko.

Pero kitang kita ko kung paano dumagan si sungit sa kay Creek. Namumula ang mukha at leeg niya habang patuloy ang pagsuntok sa lalaking inuupuan niya. Lumabas ang mga ugat sa braso niya at pakiramdam ko ay mapapatay niya si Creek kaya napatayo ako.

"Eager!" naramdaman ko ang hawak ni Gym sa balikat ko. "Oh my gosh, are you okay?!"

Nilingon ko si Gym. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo. Gulong gulo ako at the same time takot na takot dahil sa ginawa ni Creek na siyang dahilan kung bakit ko na-meet iyon. Bumaba ang tingin niya sa gulong nasa harapan namin.

"Bullshit!" malutong din ang mura niya bago dinaluhan ang dalawang lalaking nagkakagulo sa harap namin.

Ang akala ko ay aawatin niya si sungit sa pagsuntok dahil marahas niyang tinulak si sungit paalis sa kay Creek, ngunit nagulat ako nang siya naman ang pumalit. Napapapikit ako sa bawat pagtama ng kamao niya sa mukha ni Creek.

Mas malakas ang pagsuntok niya kaysa kay sungit, kahit na mas malaki ang katawan nito sa kanya. Nagulo ang kaninang maayos na buhok ni Gym. Hindi ko nanaman alam kung ano ang gagawin ko.

Ano ba, Eager! Tatayo ka nalang ba riyan at magmumukhang kawawa?! Think! Gumawa ka ng paraan. Ano bang gusto mong mangyari?

Gusto kong pagbayaran ni Creek ang ginawa niya sa akin, pero ayaw ko namang mapahamak si sungit at Gym. Hinakbang ko ang isa kong paa para pumigil, ngunit may naramdaman akong magaspang na kamay sa braso ko. Nilingon ko iyon at nakita si sungit na may pasa sa baba ng kanyang mata.

Hindi ko alam kung paano natigil ang gulo. Nagising nalang ako sa pagkawala ko sa sarili nang bayaran ni Gym ang damage sa restaurant na iyon. Hindi ko na rin alam kung ano nangyari kay Creek. Walang umawat kanina kaya baka hospital ang bagsak ng isang iyon.

Huminga ng malalim si Gym at saka nilingon ako. "Hindi kita p'wedeng iuwi ng ganito. Patay ako kay Hunk..."

Kanina pa ako hindi nagsasalita. Maraming gumugulo sa isip ko, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko manlang mabuka ang bibig ko. Para akong napipe. Para akong bata na naiwan ng magulang at hindi alam kung paano sila hahanapin.

"Let's go..." rinig kong sabi ni sungit at naunang maglakad.

"H-huh? Kami ba kausap mo?" kunot noong tanong ni Gym at lalaking lalaki siya ngayon.

"May iba pa bang tao rito?" sarkastiko nitong sabi.

"Bakit naman kami susunod sa iyo?" tumango pa ito.

My Husband is a Gay (Gay Series #1)Where stories live. Discover now