Chapter 9

31 7 1
                                    

Rio's POV

Haaay! Talagang babae yun pinag aalala ako pano ba naman hindi daw umuwi kagabi nalaman ko lang kay tita dahil tumawag sya saakin, hindi pa daw umuuwi si Irene! Syempre bilang bestfriend nya mag aalala ako muntikan ko na ngang ipahanap sa pulis ang babaeng yun eh mamaya kinidnap pala sya.

Nakahinga ako ng maluwag ng ibalita saakin ni tita na nakauwi na daw si Irene syempre ako nag bihis agad. Papunta na nga ako ngayon sa bahay nila eh. Humanda saakin yung babaeng yun! Di ako pinatulog kagabi, yan tuloy ang laki na ng eyebags ko!

"dito na lang po manong Ed." bumaba na ako sa kotse at nagtungo sa gate ng bahay nila Irene.

Ding...Dong...

"oh ma'am Rio! Magandang umaga po,pasok po kayo." bati saakin ni manang Gina. Kilala na nila ako dito dahil madalas naman na akong pumunta dito.

"magandang umaga po, andyan na po ba si Irene?" tanong ko.

"ay opo ma'am! Pasok na lang po kayo." at gaya nga ng sabi ni manang ay pumasok na ako at si Irene agad ang bumungad saakin, tumakbo ako at niyakap sya.

"ano okay ka lang ba? Wala namang nangyari sayo? Di ka ba nila sinaktan? Sabihin mo saakin ano?!" sunod sunod kong tanong.

"ano ba Rio! Ang OA mo, wala, na lock lang kami sa ro-"

"wait, what?" gulat ako napatingin sakanya, ano daw? "may kasama ka?!"

"wag ka ngang sumigaw mabibingi ako eh!" reklamo nya. " oo, may kasama ako atsaka wala namang nangyari saa-"

"bakit gusto mo bang may mangyari sainyo?" sabay palo nya sa bibig ko.

"patapusin mo kasi ako! Wala namang nangyari saakin na masama. Kung ano ano sinasabi neto." iiling iling na tugon nito.

"oh sya ikwento mo saakin kung ano nangyari sa loob ng room, sino  kasama mo at bakit kayo na lock." pumunta na kami sa sofa at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko sya.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"bakit masamang bumisita dito?" walang ekspresyon ang mukha nya.

"Oo masama bumisita ang isang katulad mo dito." pagtataray ko sakanya.

"Okay..." Kinusilapan ko sya at umupo na sa tabi ni Irene.

"ate Rio!" sigaw ni Alyssa na patakbo papunta sakin. Napangiti naman ako ng di oras.

"Waaaahh!!! Baby Alyssa!!! Your mother miss you so much!!!" yep! I'm her mother and she's my daughter. Mas close pa kami neto kesa sa ate niya. Di sila close.

"Same ate." sabi niya. Nakangiti pa ako ng makita ko yung bakulaw na mukhang kalabaw kaya nawala yung ngiti ko sa labi dahil nakangiti ito kay Irene. Tsk! Malantod na bakulaw——

*boogsh*

"Ate Rio! / Rio!" sabay na sabi ng mag kapatid na may pag aalala sa boses samantalang yung bakulaw eh...

"pfft!" napatingin kaming lahat kay bakulaw. "What? Katanga niya eh." Tumayo ako tapos pinagpag ang pwetan ko at hinarap ang bakulaw na kalabaw na 'to.

"Ano kamo? Ako? Tanga? Eh g*go ka pala eh! Nakita mong——"

"Hindi ko nakita." he said in a bored tone with a bored face. Tignan mo to. Pinuputol sinasabi ko!

"Eh bakit ka natatawa kanina?!"

"Ang pangit mo kasi. Di mo bagay yung dimple mo. Mukhang nabalsamo lang yang dalawang dimple mo." nakangising pero walang emosyon na sabi ng gago. Nag mukha tuloy syang aso.

"Kamusta ka sana?! Ngisi ka ng ngisi kaya nag mumukha kang nau-ulol na aso!" natawa naman siya.

"Ako? Aso? Kagwapo ko namang aso." wow! Ang hangin!

"Alam niyo,  ate Rio at kuya Zoey,  bagay kayo." sabi ng batang si Alyssa.

"YUCK!" sabay naming sabi ni Bakulaw. Tignan mo toh. Maka-yuck wagas.

"Ako at yang mukhang pwet ng kabayo na yan? Tsk. Tsk. No way!" w-what the fudge! Ako?! Kabayo?!

"A-ano?! A-ako?! Pwet ng kabayo?! Eh ikaw? Yung pangalan mo parang zombie dun sa Subway surf! Yung babaeng panget na zombie. Pero dahil lalaki ka,sabihin nalang natin na baklang zombie ka!" pangiinis ko pero ang gago,  ngumisi lang.

"Guilty. Mukha ka talagang pwet ng kabayo dahil guilty ka."

"Tigilan mo nga ako! Gusto mong mamatay?!"

"Kapag namatay ako,  maraming kababaihan ang mag luluksa!"

"Kapal ng mukha neto! Naidadala na ako ng kahanginan mo!"

"Wag kang mag alala. Mabigat ka kaya imposibleng matangay ka."

"Hoy! I'm sexy at hindi mo lang iyon maamin." sa totoo lang. Wala talaga akong masyadong ihaharap pero kahit papaano ay pangmodel parin ako.

"Sexy na walang hinaharap."

"M-manyak!!!!" hula ko ay kasing kulay na ng namamanhid na pwet ng kabayo ang mukha ko dahil sa sobrang pula. Sinilip niya ang likod ko.

"Wala ka ring pwetan. Ano ba yan? Kawawa mapapangasawa mo. Walang mahahawakan." pasimple kong kinapa ang pwetan ko. Abat! Meron naman ah!

"Hoy! Mayron naman."

"Oo nga. Meron. Ito oh." inisang hakbang niya ang pagitan namin yumukod sya upang mag kapantay ang mga mukha namin. Kinabahan ako lalo na ng ilapit niya ang mukha niya.  Lord eto na po ba ang first kiss ko. Napapikit ako ng biglang...

"ARAAAAAAAY!!!!" pinisil niya lang naman ng napakasakit ang pisngi ko. Yung tipong gigil na gigil siya. Tawa siya ng tawa kaya mas lalong namula ang pisngi ko dahil sa inis.

"Bwisit ka talaga!!!!!" hinabol ko sya habang sya ay tawa ng tawa. Nakalabas na kami ng bahay nila Irene. Sa kasamaang palad ay nakasakay sya ng kotse niya at pinaharurot ito.

"AAAAAAARRRRGGGHHH!!!" may araw ka rin saaking Lopez ka!

A/N:
So yan po muna ulit haha sorry po kung natagalan marami po kasing ginagawa sa school sinusulit ng teacher's grabe! Guyss medyo matatagalan ako mag update ng bagong chapter kasi madaming assignments sa school sana maintindihan nyo! Thank you sa mga nagbabasa at nag vovote please continue voting and reading my story! And please leave a message or comment to my story para ganahan akong mag sulat thank you! I love you all! :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Stupid meets Ms. MartyrWhere stories live. Discover now