Day 14.6

550 5 0
                                    


Pinatungan ko lang ng beige sweater ang black sando at black leggings ko saka nagsuot ng puting converse.

Lumabas ako at ni-lock ang pinto ng apartment ni Sand at sumakay ng elevator.

Hindi ko pa rin talaga maalis sa isipan ko ang sinabi ni Centi. It's unbelievable. Si Mil? Pinatay si Tora? Eh namatay nga si Tora sa sunog at yun ay kagagawan ko.

Speaking of Mil, bakit naman kaya kami magkikita? Ah, siguro magsho-shopping. Grabe, namiss ko din na makipag bonding sa kaniya. Nung time na lumabas kasi kami, nagalit si Centi sa akin dahil nalaman niya ang katotohanang namatay si Tora dahil sa akin. Kaya umuwi din kami pagkatapos.

Mas masaya siguro kung kasama din namin si Centi ngayon. I sighed deeply. Kahit galit ako sa kaniya, I still miss her. Hays, ano bang nangyayari sa amin? Hindi ko talaga inaasahang magkakaganito kami sa huli.

Bumaba na ako sa elevator at sinalubong ang hingal na hingal at pawis na si Mil. Anong nangyari dito?

"Oh? Bakit pawis ka?"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa may pinto. "Kailangan na nating umalis."

"Huh? Teka, saan ba tayo pupunta?" Gulong tanong ko.

"Basta, sumama ka nalang." Hinila niya ako pero saglit kaming napatigil. "Shit. Ugh, sa isang exit tayo lalabas, Sea."

"Bakit? Eh pwede namang—"

"NO! Halika na!" Hinihila niya pa rin ako at lumabas kami sa isang exit pa ng SC. She kept murmuring something that I couldn't understand. Okay pa ba 'to?

"Bakit ba tayo nagmamadali? Hindi ka ba nakapaglunch? Merong McDo dito. Malapit lang."

Hindi siya sumagot at sumakay lang kami sa sasakyan niya. "Put your seat belts on, Chelsea."

"Teka, Mil. Kung nagugutom ka—"

"JUST PUT THE F*CKING SEAT BELT!!!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. She never shouted like this at me before. Ano bang problema?

"No, kung hindi ka hihinahon, hindi tayo aalis sa lugar na 'to. Mil, ano bang problema? Bakit... Balisang-balisa ka?" Tanong ko sa kaniya.

She sighed. "Nothing is wrong, Sea. We just need to... Hurry."

"Why?"

Kinagat niya ang ibabang labi niya at tumingin sa akin. "May humahabol kasi sa akin."

Nanlaki ang mata ko. "What? Humahabol? Don't tell me..."

"No, no... Um.. Stalker. S-Sinusundan niya ko. Palagi siyang nagmamasid. He's obsess. K-Kaya nagmamadali ako ngayon." I don't pero bakit parang may mali sa kaniya ngayon?

"Stalker? Kailan pa?"

"Chelsea, please, kailangan na nating umalis ngayon din. You can ask later but not now, okay? We're in a hurry."

"Okay but I wanna ask you this question."

"What?"

"Paano mo nalaman kung nasaan ang isang exit ng SC? Bakit parang kabisadong-kabisado mo ang lugar na'to? You don't live here at kung nakapunta ka man dito, that must be a long time ago so malabong maalala mo pa."

Tumingin siya sa akin at ngumisi. Kinilabutan ako sa ngisi niyang iyon. She looks psychotic. "You're clever, Sea. But inquisitive. At the same time, slow. Maybe it's time I tell you the truth."

Kinabahan ako ng pinaandar niya ang sasakyan. Akmang bubuksan ko ang pinto ng may i-spray siya sa mukha ko dahilan para mandilim ang paningin ko.

Chased by SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon