30

3.7K 99 4
                                    


DEBIE POV

Araw ng sabado ngayon at ako lang ang tao dito sa bahay dahil si Nonoy ay naka toka munang tumulong sa palengke, Kapag araw daw kasi ng sabado ay maraming tao sa palengke at kelangan ng katulong ni Nanay Pilar,

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ni Nonoy at nililinis ko ang maduming kwarto niya, Maraming mga nilamukos na papel ang nag kalat sa sahig na kailangan pulutin, Pati ang mga unan at kumot nito ay hindi pa naka ligpit kaya eto at ako na mismo ang nagtupi nun,

Matapos kung tupiin ang kumot sinunod ko naman ang mga unan ayusin, Ang iba sa mga unan ni Nonoy ay na alis na ang punda kaya inayos ko ang mga ito, Habang inaayos ko ang punda ng malaking unan niya ay may nahulog na bagay mula sa loob ng unan pa square ito na plastik na kulay red, pinisil pisil ko pa ang loob nito kung anong laman at madulas ang loob niya at mejo matigas ang gilid na may hugis pabilog, Sinuri ko muna sha at nabasa ko ang naka sulat,

"Strawberry Flavor"
-'Aahhh baka bubble gum toh??

Wala naman akong alam sa ganitong bagay kaya ibinulsa ko muna ito at tinuloy ko na ang pag aayos ng mga unan ni Nonoy,. at ang pang huli ko ay ang bedsheet ng kama, Hindi naman sha mahirap ayusin at kailangan mu lang gawin ay plantsahin ng palad mu ang tela ng bedsheet para mawala ang lukot-lukot nito, Matapos kung gawin iyon ay nag walis naman ako ng bawat sulok ng kanyang kwarto, Bitbit ko ang dustpan pabalik ulit sa kama ni Nonoy, Kailangan ko rin linisin ang ilalim ng kama niya at baka pinamumugaran na ito ng mga engkanto,. Char lang!

Nang maisuhot ko ang walis tambo na hawak ko ay may nakapa agad akong bagay sa ilalim ng kama ni Nonoy, Sumilip pa ako para makita iyon kaso may kadiliman ang ilalim ng kama kaya sinungkit ko ito gamit ang hawak kong walis tambo, Mabilis ko iyon nakuha ng magtaka ako ng nakita ko ang isang Sketchbook, Madalas ko itong makita sa tuwing nililinis ko ang kwarto ni Nonoy, Minsan pa nga ay nakikita ko ito kung saan saan pero hindi ko naisipang buklatin ito at tinatabi ko na lamang at baka kasi ma award pa ako pag nangialam pa tayo ng gamit ng hindi atin, Kaso mashadong makulit itong pag iisip ko at inuutusan akong tinganan ang nasa loob ng Sketchbook ni Nonoy,

Wala namang masama kung bubuklatin ko ito diba?? Kaya umupo na ako sa kama at ipinatong ko ito sa aking hita, Unang buklat ko pa lang ay may nakasulat dun gamit ang signpen na.. "WAG PAKELAMAN"

Wapakels ang bakla at walang makakapigil sakin?? Ganoirn! Kaya binuklat ko na iyon at nakita ko ang ibat-ibang posing ng kamay at katawan ng tao, Naka ngiti lang ako habang tinititigan ang kanyang mga ginuhit at talagang mamangha ka sa mga ito dahil  buhay na buhay ang mga gawa ni Nonoy lalo na ang parte ng mukha ng tao para bang minamani lang niya ito,

Maya pa ay nanlaki bigla ang mga mata ko sa gulat ng makita ko ang iginuhit ni Nonoy, -'OWEMJII ⊙.☉ its me? Halos hindi ko maitikom ang bibig ko sa pagka mangha ko, 'Papaano niya ito nagawa ng walang kopyahan?? Naloka ako dahil kabisado niya ang mukha ko pati ang pag ngiti ko ay kuhang kuha rin niya? Pag buklat ko ulit ng panibago ay ako na naman ang naka ginuhit at sunod-sunod iyon ng mahigit sampong pahina,. Hindi ko na rin tinapos tingnan ang mga drawing ni Nonoy sapagkat kelangan ko pang tapusin ang mga gawain ko,

Nakaramdam ako ng antok ng matapos kong linisin ang ilalim ng kama ni Nonoy kung kaya't umidlip muna ako pansamantala sa higaan niya at Mamaya ko na lamang tatapusin ang iba kong gawain.. Hindi na kaya ng powers ko.. Hikab ko pa ng mahaba

ヾ(**)/

😴😪😴😪😴😪😴😪😴😪😴😪😴😪😴

😪😴😪😴😪😴😪😴😪😴😪😴😪😴😪

😴😪😴😪😴😪😴😪😴😪😴😪😴😪😴

Naalimpungatan ako sa aking pag tulog ng maramdaman ko ang bigat na naka patong sa aking bewang, Dumilat agad ako at sinilip ang nasa likuran ko habang naka yakap ito sa aking bewang, -Hala anong oras na ba?? Tanong ko sa aking sarili ng makalimutan ang hugasin sa baba,

DEBIE (GAYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon