Move on ( One-shot )

22 0 1
                                    

Last year na namin ito sa junior high next school year kasi senior na kami. Hayss..can't wait to let it happen.

"Bebs, ayan na si Ken oh!!" Turo ng bestfriend ko sa pinto ng classroom.

Oh my god!!!

Papasok na siya..

"Hi Ken!" Bati ko sa kanya.

Pero ang saklap rin at di niya ako pinansin..

Suplado. Tsk!!

Umupo na siya sa tabi ko since seatmate kaming dalawa.

"Ken may preparation ka na ba sa science?" Tanong ko sa kanya pero dinedma lang ako. Ayy, wala lang talaga sa kanya ang beauty ko? Hmmm..makikita mo Ken mahuhulog ka rin sa kin at sisiguraduhin ko yan. Nangingiti ako sa masamang balak na aking gagawin.

"Sige na Ken last na to ngayon lang ako kokopya sayo, please!!" Pagmamakaawa ko. Naku baka pag dating mamaya ni Ms. Santos mapa alis na naman ako sa room kasi wala akong preparation. Ayoko na noh! Kaya sya ang guguluhin ko..Bwahahaha!!

Bored siyang tumingin sakin at kinuha niya ang bag at ibinigay sa akin ang notebook niya.

"Oh, ayan! Wag ka ng lumapit sa akin ha!" Inis niyang sabi sa akin.

"Yess!! Thank you talaga!!" Malawak na ngiti ko sa kanya at nag simula na sa pag kopya.

Di nag tagal natapos ko rin sabay ng pag pasok ni Ms. Santos. Pheww!! Muntik na iyon ah!! Hahaha!!

.....

"..and class dismissed!" Sabay sabay na nag sitayuan ang mga kaklase ko para umuwi ako nama'y papungas pungas na inayos ang aking mga gamit ng mahagip ko ng tingin ang notebook ni Ken. Naiwan niya..may naisip ako..

___________

"Bebs, nakita mo si Mr. Sungit ko??" Tanong ko sa bestfriend ko nang makita ko siya sa may waiting shed.

"Ay, naku bebs hanapan talaga ako nang taong nawawala ano?!" Sarkastikong sagot nito.

"Dali na kasi nakita mo siya?" Naiinip kong tanong sa kanya.

"Andun sa gym nag babasketball kasama yung mga kaibigan niya! Ano masaya ka na po?!" Pag tataray nito and rolled her eyes.

"Opo bebs! Thank you and labyu po!!" Ngiting ngiti ko sa kanya.

"Naku kapag ikaw lumapit sa kin ng umiiyak tatawanan talaga kita dyan!" Pangangaral pa nito.

"Di yan bebs may tiwala ata ako sa kanya." Kampante kong sagot.

"Bahala ka! Shoo alis na nga!!" Naiiling na kanyang sagot.

Umalis na ako at pumunta na ng gym para isauli sa kanya yung notebook niya. May nakakasalubong rin akong mga varsity player na papauwi na rin. May mga ngumingiti sakin at kumakaway para bumati.

"Uy, Zaina ba't napunta ka dito?" Tanong ng isang varsity player rin na kilala ko.

"May isasauli lang ako kay Ken na hiniram ko nandyan ba siya?" Tanong ko.

"Oo nasa loob nag pa practice malapit na kasi ang finals kaya kailangan naming mag practice ng maigi." sagot nito.

"Oo nga ano. Sige mauna na ako." Paalam ko sa kanya.

"Sige ingat ka sa pag uwi." Ngiti nito sa akin.

Pumasok na nga ako sa loob, pero wala namang tao. Nasaan na kaya yun? Pumunta na ako sa may bleacher para sana mag hintay..

Pero bago pa ako makaupo nandyan na siya..

"Ken yung---" di ko na natapos ang sasabihin ng makita kong may kasama siyang babae. Teka kaklase namin iyan ah.. At mukha yatang may pinag uusapan sila..

"Ken ano ba matagal na akong may gusto sayo! Ay hindi mahal na nga siguro kita eh!" Pag aamin nito.

Napa takip na rin ako sa bibig ko, oh my nag tatapat rin sa kanya..may kumirot na konti sa aking puso.

"Di ba Cindy matagal ko ng sinabi sayo na di kita magugustuhan? Kaya kung pwede itigil mo na yang kahibangan mo." Naiirita nitong sabi.

Nakita kong naiiyak na si Cindy. Wala talagang puso itong lalaki na ito. Pero nag diwang naman ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit may iba na ba? Sino yung seatmate mong desperada sayo? Yung babaeng yun ba?" Galit na usal nito.

Oh ba't nasali ako dyan..
Ito na nga siguro yun yung hinihintay kung kasagutan sa mga tanong ko.

"Bakit naman siya? Eh di ko naman siya gusto!" Bored na sagot nito kay Cindy.

Napangiti ako ng mapait..
Oo nga naman bakit ako? Wala namang espesyal sa akin di naman ako maganda lalo na di rin ako matalino. Shit!! Masakit pala talaga marinig 'yun. Parang ngayon lang nag sink in sakin ang lahat. Bobo na nga tanga pa!!
Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko. Lumapit ako sa kanila.
Bakas ang pag ka gulat sa mga mata ni Ken.

"Uyy Ken, yung notebook mo pala. Salamat ulit!" Ngiti ko ng pilit tumalikod na sa kanya.

Akala ko may pag asa..umasa pa naman ako.

Last na talaga to..ayoko na maulit pa ito.

Iiwan ko lahat ng nararamdaman ko dito mismo sa kinatatayuan ko.

Makikita mo Ken kung ano ang pinakawalan mo.

___________

"Uy bebs ba't namamaga yang mga mata mo?" Takang tanong ng bestfriend ko.

"Wala late lang ako natulog ka gabi." Sagot ko at umupo na sa upuan ko.

Napatingin naman ako sa pinto ng may dumating..

Si Ken pala..

Bumilis na naman ang letse kong puso. Ano ba iyan ayoko ng masaktan please lang!! Dire-diretso lang ito sa upuan niya.

"Oh mukhang nag iba yata ang hangin at di mo binati ang Mr. Sungit mo?" Natanong nito.

"Bebs, minsan nakakapagod na rin pala." Sagot ko sa kanya at nag lagay na earphones sa tenga ko.

Dumating na ang guro namin.

"Class di mag tatagal graduates na kayo, congratulation in advance sainyo." Sabi ni Ms. Santos.

...
" so class dismissed!" Nag sitayuan na sila..

Nag paiwan ako sa upuan para ayosin ang gamit ko.. Nang mag salita siya.

"Zaina sorry sa narinig mo kahapon." Sabi niya sa mababang tono.

Ayoko nang mag assume..ayoko nang umasa.. Ayoko nang masaktan..

"Ano ka ba okey lang yun. Atleast alam ko na kung saan ako tatayo sa buhay mo diba." Naka ngiti kong sabi pero sa loob ko ay durog na durog na..

Pumasok ang bestfriend ko at si Kris yung kakilala kong varsity player.

"Oh bebs halika na shopping time na tayo.." Pag aaya niya. Tumango ako na lang ako at ngumiti sa kanila.

" Nag bago ka na talaga bebs ah!!"

" Bebs, I never changed. I just learned." Sabi ko sa bestfriend ko pero nakatingin kay Ken.

" so it is better this way, to move forward than to be stuck with this kind of life hindi ba bebs?!" Makahulugan kong sabi.

"Sige Ken aalis na kami." Sana maging masaya ka na. Sana..

_____

"Bebs, anong drama yun?" takang tanong nito.

"Wala bebs na realize ko lang na napapagod na rin pala ako..


I think I should...

Move on..."

--the end.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Move on ( One shot)Where stories live. Discover now