Chapter 1

27 3 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"MISS? Are you okay?"

Habol ang hininga akong nagising nang may dumamping malamig na bagay sa balat ko. Nang mag-angat ako ng paningin ay nakita ko ang estudyante kong si Alyah na animo'y nag-aalala.


"W-What happened?"


"You're shouting, Miss. Are you okay?"


Tumingin ako sa paligid at nakitang wala na pala ang aking mga estudyante. Nang mapatingin sa orasan ay nakita kong mag-aalas sais na pala ng hapon kaya't papalubog na rin ang araw.



"I'm fine, ang weird lang ng panaginip ko. Sige na, umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo." Nakangiting sagot ko. Ngumiti lang ito at nagpaalam na umuwi.


Nang makaalis na ito ay agad kong inalala kung ano ang aking panaginip. Hindi ko na matandaan ang bawat detalye ngunit hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tibok ng puso ko at nanlalamig ang mga kamay ko.



Sa huli'y hindi ko na lamang ito pinansin at nagdesisyon na umuwi. Inayos ko muna ang mga gamit ko saka lumabas ng silid.


Habang naglalakad ay pinagmasdan ko muna ang kapaligiran kung saan ako nagtatrabaho. Kahit na mula pagkabata ay dito na ako nag-aral sa Hidebridge University, ang pinaka-sikat at elite school sa buong lungsod, ay tila hindi pa rin ako nagsasawang pagmasdan ito. Siguro dahil kada taon ay mas lalong gumaganda ang estraktura ng paaralan upang maging ilang beses ang lamang kesa sa iba. Talaga namang hindi masasayang ang perang ipinambabayad ng mga magulang rito dahil maganda rin maski ang kalidad ng pagtuturo.



Habang naglalakad ay agad akong natigilan nang biglang mag-vibrate ang cellphone mula sa bulsa ko. Kinuha ko ito at agad na napangiti nang makita ang dalawang mensahe na galing lamang sa iisang tao.


From; Teacher Harold

Gale, I'm really sorry. I'm still stuck here in the meeting kasi and Dad won't let me ditch, so I guess let's just continue our date tomorrow? Promise, I'll make it up to you.



From; Teacher Harold

And pleaseee drive safely. Papakasalan pa kita. And don't laugh, Mrs. Villamor. I'm not joking.



Imbes na malungkot ay hindi ko napigilang matawa. Harold Villamor or Teacher Harold is my co-teacher here in Hidebridge University. And proud to say, he's my suitor. It's already been two months since he started courting me. Maraming natuwa, nainggit at nagsabing huwag ko nang patagalin pa ang panliligaw at sagutin na siya agad dahil swerte na raw ako sa kanya. Because who wouldn't want a guy like Harold Villamor anyway? In profession, he's a master's degree college teacher and eventhough he came from a wealthy family, he still managed to establish a successful business by his own. But most especially, aside from those descriptions everybody know already, he's also caring, loving, sweet and gentleman. Bonus na lang siguro 'yung mala-adonis niyang mukha.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What's Inside Your Dreams?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon