Part V

618 19 7
                                    

Arice Point of View

Nandito ako ngayon sa Park mag isa habang nag mumuni-muni at kinakausap ang sarili.

"Grabe yung tama ng baril ni Alexia."

"oo nga!"
-?

"Sinagip niya kasi ako."

"Oo nga! Kahit alam niyang mapapahamak siya, ginawa parin niya para sayo."
-?

"Oo nga kahit"

Napatigil ako sa pag sasalita. Teka! Teka! Napalingon ako sa likod ko at pinalo ko yung kanina pa sagot ng sagot sa'kin.

"Aray naman!"
-Siya

"JC! Nakakainis ka, kanina ka pa ba nand'yan hah? "

Tanong ko sa kanya. Hindii niya kasi alam na semi-gangster kami at di niya rin alam na kami ang Triple A. Ang alam lang niya at ng iba na aksidenteng nabaril si Alexia.

"Bago ko sagutin yan, may sasabihin ako—- Ang gaan ng kamay mo!"
Sabi ni JC habang hinihimas yung braso niya. I chuckled while saying...

"HHHAHAHA. Bakit ka kasi nandito?"

"Napansin ko kasi na mababaliw ka na sa kakausap mo sa sarili mo, Kaya thanks to me niligtas kita."

Abah loko to ah! Pinalo ko nga ulit ang mokong.

"ARAY! Nakakadami ka na ha?"

"Bakit ka nga nandito?"
Tanong ko ulit.

"Ee si Aeroll kasi hindi ako pinapansin."
Paliwanag niya.

"Sus naman, yun lang pala!"
Tumalikod ulit ako sa kanya

"Alam mo namang Man Hater si Aeroll diba? At'saka yang si Aeroll ayaw n'yan ng makulit at maingay, Gusto niya yung seryoso lang at kayang sabihin ang totoo niyang nararamdaman..."
Paliwanag ko.

"...Ganyan kaming mga babae!"
Dugsong ko pa

"Pero hindi lahat ng babae ganyan."
Napalingon naman ako sa kung saan nanggaling yung seryosong boses na yun. Nakita ko siya na nakatingin sa langit at hindi iyun si JC.

"Minsan, nagbubulag-bulagan parin sila, 'di nila naiisip na sa buhay, kahit anong naranasan mo, may darating at darating sayo, kaso hindi nila binubuksan ang mata at puso nila, hindi nila nakikita na..."

Seryosong paliwanag niya at mahahalata mo sa kanyang boses kung saan nang gagaling yung mga salitang yun.

"... na nand'yan na pala siya..."
Dugsong pa niya at tumingin siya sakin.

"... sa tabi niya."

JC's Point of View

Napaka sweet nung dalawa. Akala siguro ni Arice ako pa ang kausap niya. Iwan ko nga! An'sakit mamalo ee! at'saka para makalapit narin si Clark sa kanya.
Anyway, Hi! I'm James Carl Masigan. Ka-batch ko si Arice at Alexia, pati narin yung seryosong lalaking yun na si Clark at syempre pa yung pinakamagandang dilag, Si Aeroll Ronice Blair Zhao.

"Nagniningning nanaman yang mata mo!!"
Sigaw sakin ni Arice, lumapit na pala siya sakin.

"Bakit iniwan mo'ko dun?"
Tanong niya habang si Clark ay nakahawak sa tig-kabilang bulsa niya.

"HUYYY!"
Sigaw niya ulit with matching hampas-braso pa.

"ARAY!! Kanina ka pa ha?"

Tumayo ako at mamamalo pa sana siya ng biglang bumuhos ang malakas na ulan, tumakbo kami ni Arice habang binubuksan niya yung payong niya, si Clark naman ay naglalakad na. Abah! ambilis niya magbukas ng payong ah.

"ARICE! PASUKOB !!"

Arice Point of View

"ARICE ! PASUKOB !!"
Sigaw sakin ni JC.

"Ako na maghahawak."
-JC

"Ako na!"

Napatingin ako ng kunti sa likod at napansin kong kasunod lang namin si Clark. Kinuha naman ni JC yung payong at inagaw sakin.

"Akin na nga!"
Agaw ko pabalik.

"Nababasa na ako ha ?"
-JC

Bigla namang nagsalita yung nasa likod namin.

"Huwag mo na kasing ipagsiksikan ang sarili mo sa mga bagay na wala ng puwang para sayo."

Princess Tale (UNDER EDITING- NEW SCENES, PLOTS, CHARACTERS, and TWISTS)Where stories live. Discover now