I

149 5 1
                                    

"Hala. Omg, sorry! Okay ka lang?" Nabigla ako ng may makatama sa'kin. Oo, siya nakatama pero nag-sorry ako.

In-ayos 'ko muna yung mga gamit 'ko, nag-kalat kasi sila sa hallway baka mapagalitan pa 'ko ng principal

"Ah. Oo. Ikaw? Okay ka lang? Wala ka naman sigurong sugat or what? Gusto mo basang este gusto mo burger?"

Ha? Basang burger? Weirdo naman ni'to.

Napatingala ako habang inaayos ang gamit ko. Ang tangkad naman ne'to, siguro nasa 5'11? Jusko, sasakit leeg 'ko nito, chos.

"HAHAHAHAHA sorry pala kahit ikaw nakatama. Burger? Nakakahiya naman, pero btw Leah Eianna pala name 'ko. Ikaw?" inabot 'ko yung kamay 'ko sakaniya.

"Malinis kamay ko, grabe ah."

"Aish, sorry. Lutang lang. Blaster pangalan ko, Blaster Silonga. Nice name btw wag ka na mahiya bawi ko nalang sayo kasi nabangga kita. Tsaka uwian na pala so sama ka?"

Ang bait naman pala.

"Sama? Sa'n?"

"Sa gig. Nag-babanda kasi ako, IV of Spades pangalan. Lead Guitarist ako hehe pero kain muna tayo burger tapos dalhin kita sa gig namin, libre 'ko na?"

"Uy nakakahiya naman sainyo. Okay lang ba? Tsaka parang ang feeling close 'ko naman ata nagkabanggaan lang tayo tas friends agad. Ay wait, friends na ba tayo?"

Napakamot ako ng ulo, bes. Argh, 'di sa may kuto ako ah? Nakakahiya kasi.

"Oo naman! Friends na tayo Eya. Can I call you Eya?"

Omg. Nickname ko yun.

"Oo sure, can I call you Ter?"

"Sure, ano tara? Sama ka sa parking kunin natin sasakyan ko"

Sosyal, may sasakyan.

-

Nasa parking lot na kami ni Blaster.

"Grabe, ang dilim pala dito 'no? Ngayon lang ako uli nakapunta sa parking ng school, wala naman kasi akong kotse."

"Sakay ka na." Binuksan niya yung upuan sa tabi ng driver's seat.

"Ha? Sa likod nalang ako, nakakahiya na talaga sobra."

Oo, nakakahiya.

"Okay lang ano ba! Sasakyan 'ko naman 'to."

Sumakay na 'ko sa harap at bumyahe na kami. Nagkwento siya about sa banda nila.

"So, baka bored ka na kaya mag-kukuwento nalang ako. Oks ba?"

"Oo, sige hehe."

"'Nga pala, pa'no nabuo band niyo?" tanong 'ko.

"It all started last June 15, 2014. Musicians mga parents namin, 'tas binuo kami as a band. "Chop Seuy" name ng band namin noon tas rock yung style namin pero times past nag bago. IV of Spades na, random card pick yun nahulog sa wallet 'ko. Ngayon tatlo nalang kami, umalis best bud ko yung vocalist. si Unique."

Woah.

"Ay sorry. 'Di 'ko na tatanungin ba't siya umalis, pero grabe ah ang cool ng story ng band niyo"

"Si Dad yung nag-mamanage ng band namin ngayon, tapos road manager namin si Ate Bel."

Nag-kuwentuhan lang kami hangga't makarating na kami sa isang fast food restaurant para kumain ng burger. It's 2:00PM na ng hapon, uwian namin 12:00AM so anong oras kaya start ng gig nila?

"Uy ano gusto mo?"

Shit, eto na.

"Fries at burger pati tubig lang."

'Di ako pwede mag-order gaano, nakakahiya.

"Hmm, hindi lang yun dapat. O-order ako ng dalawang chicken meal para sa'tin. Baka magutom ka kasi tsaka ako hehe."

Pag kasama 'ko siya comfortable ako. Kahit kakakilala lang namin sa isa't isa.

Nag-order siya at kumain na kami. After nun, lumabas na kami ng fast food restaurant para dumiretsyo sa gig nila.

Pero, nakakita ako ng bata. Wala siyang kasama. Nasa labas siya nung fast food resto, nakakaawa naman.

"Ter, teka lang ha? Babalik lang ako sa loob."

Nag-order ako ng burger, at sundae para sa bata. Baka nagugutom na kasi siya.

"Miss, isang burger at chocolate sundae nga po. Take out."

Nang mabili 'ko na yung pagkain, lumabas ako at binigay yun sa bata.

"Pst, be o'. Baka gutom ka na kaya para sayo 'to. Sorry eto lang kaya ng pera ni ate. Sana magustuhan at mabusog ka." Ngumisi ako sakaniya.

Kita kong nakatingin at nakangiti si Blaster sa'kin habang kausap 'ko yung bata.

"Ok ka lang ba dito? Nasa'n magulang mo?"

"Wala po. Nandito po ako para mang-hingi ng pagkain"

Nalungkot ako sa kalagayan nung bata. Napaka-liit niya para gumawa ng ganito.

"Sige ah, ingat ka dito. Pag palain ka ng Diyos."

"Salamat po, ate."

Pumunta na ko pabalik sa kotse at nakangiti ako. Nakatingin lang si Blaster sa'kin.

"So, malapitin ka pala sa mga bata?"

Tanong niya habang nakangiti.

"Oo. Mahilig ako sa mga bata"

"Hmm, gawa tayo."

HA?!

"HA?!" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Gawa tayo ng--- assignment nang sabay kahit minsan pag wala akong gigs. Patapusin mo muna kasi ako."

Phew! Kala ko kung ano.

Nag-drive na siya at bumyahe na kami.

"Patugtog ka naman. Hahaha!" Sabi
'ko. Di na 'ko nahihiya ng ka-onti ngayon.

"Sige, patugtugin ko 'ung kanta namin. 'Yung Mundo."

Habang pinapatugtog niya 'yun ay kumakanta rin siya. Inaantok ako sa boses niya.

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo. Mundo'y magiging ikaw..."

Napangisi ako at biglang inantok sa mga linyang yun.

♠️

A/N

Hii, sana maenjoy niyo. Eto na yung fan fic. Yung imagine serye ko, iuupdate ko bukas. Sana maenjoy niyo to. And yung title nito is inspired sa kanta ng Ben&Ben 😚♠️ Laham ko kayoo!

Kathang IsipWhere stories live. Discover now