Chapter 4

35 5 2
                                    

EILYNNE looked at her wristwatch. It was already 2am. Katatapos lang ng kanyang huling surgery. Iyon ang ikatlong surgery na kanyang ginawa nang araw na iyon. The last surgery was scheduled the following week but the patient had some complications that made her perform the arthroplasty or knee replacement right away.

Ah. Bakit ba ang daming aksidente sa Pilipinas?

She was an orthopedic surgeon. She passed the board exam a year ago at the age of twenty-five. She is now working as part time doctor in Cavite General Hospital, where she also finished her four years of residency. She was supposed to have her residency in their own hospital in China but she refused. She wanted to have gain enough experience without the shadows of her parents before she works with them.

Malapit na pala akong magtrabaho sa aming hospital. Hmm...

"Doc Ganda!" bati sa kanya ni May, isa sa mga Nurse doon, bago siya makapasok sa kanyang office. 'Doc Ganda' ang tawag sa kanya ng mga ito. "May naghahanap po sa inyo. Pogi po, Doc!" excited na sabi nito.

"Boyfriend mo, Doc Ganda?" tanong ng isa pang nurse sa tabi nito.

Kumunot ang kanyang noo. "Sino daw?"

"Nahiya kaming itanong ang pangalan, Doc Ganda eh. Mukha kasing masungit si pogi. Ang sabi niya lang ay hihintayin na lamang niya kayo sa lobby."

"Naku. Kanina pa pala yun dito, Doc Ganda! Kanina pa pong 10pm."

"Totoo?" Nagulat siya. Apat na oras na itong naghihintay sa kanya? Sino kaya ito? "Nasa lobby pa rin siya?"

"Baka po, Doc. 30 minutes ago lang po mula nang huli namin siyang makita doon eh."

"Makita o sinilip?" nakangiting tanong niya sa mga ito. Base kase sa kwento ng mga ito ay mukhang type ng mga ito ang kanyang bisita. Nakumpirma niya namang tama ang hinala niya nang mag-blush ang mga ito at mahinang nagtilian.

"Ay, Doc Ganda! Kasi naman ang pogi po talaga niya!"

"Kung hindi lang namin napansin na may gusto siya sa'yo, magpapacute na po kami kahit mukha siyang masungit."

Natawa siya sa mga ito. "Hala, sige na, pakicheck nga ulit kung naroon pa siya at papuntahin niyo na lang siya dito sa office ko."

"Sige, Doc Ganda. Pasilay ulit kami bago siya mapasa'yo."

Natatawang pumasok siya sa kanyang office.

Sino kaya iyon? She yawned as she sat on her chair.

I feel sleepy na.

Napagod siya sa sunod sunod na surgery na kanyang ginawa. Ipinatong niya ang mga braso sa mesa at isibubsob doon ang kanyang mukha bago ipinikit ang kanyang mga mata.

Unti unti na siyang hinilila ng kanyang antok nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Tinatamad pa siyang mag-angat ng mukha kaya inintay na lamang niyang magsalita kung sino man ang bisita niya bago niya ito harapin. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin siyang naririnig na magsalita. Lumipas pa ang ilang minutong katahimikan bago siya magdesisyong iangat ang kanyang mukha.

Hindi niya alam kung bakit awtomatikong napangiti siya nang makita kung sino ang lalaking nakaupo sa sa harap niya.

"Hi, Matt Matt!" bagamat sobrang antok ay nagawa pa rin niya itong batiin ng may sigla. Tatlong araw nang huli silang magkita nito sa Sportsville.

PINKDonde viven las historias. Descúbrelo ahora