PASIN

21 0 0
                                    

Sa isang kwadradong silid
Mga estudyanteng
May sariling buhay
May nagsusuklay
May nangangapit bahay
At may mga nagmamataray
Pero bakit?
Di man lang maalis ang tingin sayo
Dahil
Sa tuwing ika'y ngumingiti
Para akong nakikiliti
Sa tuwing ika'y tumatawa
Puso ko ay nagwawala
Isang tingin mo lang
Ako'y natutunaw na
Kapag kaya ako'y umamin
Ako kaya ay mapansin
Kwartong may apat na sulok
Mga kaibigan ay nagsisigawan
May naghahabulan
At nagrarakrakan
Pero bakit?
Tila ikaw lang ang nakikita ko
Sa tuwing ika'y tumatawa
Puso ko ay nagwawala
Isang tingin mo lang
Ako'y natutunaw na
Kapag kaya ako'y umamin
Ako kaya ay mapansin
Sa pagdaan ng mga araw
Lumulubog at lumilitaw
Di ka na mawala sa isip ko
Lagi kang laman ng puso ko
Sana naman ako ay
Mapakinggan mo
Dahil
Sa tuwing ika'y tumatawa
Puso ko ay nagwawala
Isang tingin mo lang
Ako'y natutunaw na
Kapag kaya ako'y umamin
Ako kaya ay mapansin
Kailan mo ba mapapansin?

SONG AND LYRICSWhere stories live. Discover now