T-Time

931 32 0
                                    

PINASERYOSO ni Crocif ang mukha ngunit bakas pa rin roon ang tuwa. The smile he was hiding was slipping off badly from his facade. Hindi alam ni Aria kung bakit pa siya nakikinig sa nakakatandang pinsan niya.

"The thing is..." Bumuntong hininga pa si Crocif na para bang napakabigat ang dalahin nito. "She likes me." Anito na sinundan ng malakas na tawa. Iniikot ni Aria ang mga mata. Hindi niya alam kung ano na namang trip ng kuya Crocif niya. Napailing-iling pa ang binata habang sapo-sapo ang noo.

Tumikhim si Crocif upang paseryosohin muli ang mukha. But the happiness in his eyes were twinkling at her. Napailing na lamang ang dalaga. She's turning twenty this year at sa kinikilos ng pinsan niya parang ito ata ang magtu-twenty sa kanila. Para itong teenager na kinikilig pero nagde-deny din.

"Eh anong problema roon?"

"Malaki, Aria."

Tumaas ang kilay ng dalaga. "Kuya Crocif, diretsuhin mo nalang kasi."

"Look, hindi mo pa kasi naiintindihan ang sitwasyon ko. But if people... I mean somebody likes you. And that somebody likes you so much..." He suppressed the smile that was slowly taking over him. "There is a high risk that she would cling to you. I don't like clingy." He said so proudly.

"Does it bother you so much that she could... in any way... like you?"

"She likes me." Sagot nito na para bang ipinagpipilitan iyon at kinukumbinsi siya. Talaga nga kaya ha?

"Ipagpalagay na nating-"

"She likes me. Hindi ka nakikinig, Aria." Pagpupumilit pa nito.

Bumuntong hininga si Aria. "Fine, Kuya. But you don't look like you're really bothered by it. Parang gumugusto ka din eh."

"What? No! I am bothered by it! She likes me. It's annoying!" Napapalatak pa ito.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Aria. Hindi siya naniniwala sa poncio pilatong pinsan niya. "Okay." Sagot na lamang niya upang pagbigyan ang ilusyon ng pinsan. "There's one thing you could do about it." Nag-aabang itong bumaling sa kanya. Attentive sa anumag sasabihin niya. "Iwasan mo."

Kumunot ang noo nito. Ang maaliwalas na mukha nito ay tila binagsakan ng langit. "Ano ba namang klaseng suhestyon iyan, Aria?" Nakasimangot na wika nito.

"Kuya, kasasabi mo lang na annoying siya dahil may gusto siya sayo. That means you don't like her liking you." That is, if she really does like you. At kailan ka pa tumanggi sa mga nagkakagusto sa iyo, Kuya?

"Yes, it's annoying! But I don't want to exert so much effort to avoid someone. Bakit ako? Ako ba ang nagkagusto? Kung may dapat gumawa ng paraan sa amin, dapat siya iyon!"

Napangiwi si Aria sa klase ng logic ng pinsan niya. Ugh. He's hopeless. Bakit ba siya nag-aaksayang makinig rito? Ito na siguro ang una at huling beses na pagbibigyan niya itong humingi sa kanya ng opinyon tungkol sa love life nito. Hindi ba dapat siya ang humihingi pa nga niyon dahil siya ang mas bata at itong pinsan niya ang mas dalubhasa sa mga ganong bagay? Hindi niya talaga maintindihan minsan ang drama ng pinsan niya.

"Eh di hayaan mo na lang." Suhestyon niya.

"What? She'd become clingy to me! Baka isipin non may gusto rin ako sa kanya! Who knows what she might do to have me. Baka ipagtabuyan niyon lahat ng lumapit sakin." Saad nito sa tonong tila hindi natutuwa. But the delight in his eyes betrayed him, immediately. 

Gustong-gusto na talagang layasan ni Aria si Crocif. Hindi niya alam kung may pinatutunguhan ba itong pag-uusap nila. Nag-iisip palang si Aria nang sasabihing palusot na lakad sa pinsan nang tumayo na ang kanyang pinsan at namaywang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Trapped (BS#5)Where stories live. Discover now