Kaiden
Nagising ako ng biglang may sumiksik na ulo saken.
Hindi ko maiwasan na mapangiti ng makita ang mukha nya
dito nanaman ako nakatulog sa kwarto nya Baka mamaya nyan masanay na ko.
Hindi ko paren maintindihan ang naramdaman ko kagabi.
Ramdam na ramdam ko ang kapangyarihan nya.
At aaminin ko na natatakot ako sa pwedeng mangyare sa kanya.
Baka mamaya wala ako sa tabi nya para protektahan sya,para pigilan sya
"Kaiden?"gising na pala sya nagtataka siguro sya kung bakit ako nandito tapos sisigawan ako nyan at papalayasin
Pero hindi ganun ang nangyare
"S-Sorry" niyakap ako nito at parang batang humahagulgol ng iyak
Ano nanaman kayang inaarte nito
"Oh ito kumot suminga ka"abot ko sa kanya ng kumot
Pinalo naman nya ko at sinimangutan
"Apaka sira ulo mo!panyo kasi binibigay!!"sigaw nito at pinaghahampas ako.
Ayan tuloy bukol abot ko,tulak ba naman ako!!
"Lumayas ka na nga dito!!" Ayan pinalayas pa nga.
"Oo na!ito na po!!"sigaw ko ren at lumabas ng kwarto nya
Di manlang nag thank you ang bigat kaya nya kagabi!ano akala nya napakagaan nyang buhatin!
Pumunta nalang ako sa kwarto ko at naligo.
Ngayon na i aannounce ang over all winner nakaka excite! sana manalo kami.
Nagpicture ako at sinend ko to kay summer hahahha
To:Panget
'Ang hot ko😌🥴'Wala pang isang minuto nagreply na agad to
'Sira ulo! dimunyu ka!😤🤢'
hahahaha binaba ko na ang phone ko at nagpatuloy sa pagliligo
Lumabas na ko ng kwarto ko at nakita ko na ang mga bugok kong kaybigan na busy sa kani kanilang ginagawa.
"Sana all nakaligo na!!"sigaw ni gin na kumakain ng hotdog
Bigla tuloy akong may naalala sa hotdog na yun.
"Maligo ka kasi!ang baho mo!"sigaw ko dito habang kumukuha ren ng hotdog at nilagay sa plato ko.
"Tskk!!ito na nga maliligo na"sagot nito at sinubo ang natitirang hotdog sa plato nya.
Tiniis ko nalang lunukin ang hotdog nato
Sanay naren siguro ako sa mga niluluto ng mga kupal kong mga kaybigan na sunog