Strike Alonte

3.4K 83 2
                                    

Scottie's POV
Around 8:30 na kami nakauwi noong Friday, di naman ako nahuli ni daddy kasi wala pa siya noong oras na yun.

Maaga akong nagising ngayon kasi it's monday again, back to normal na naman ang buhay. Naligo at nag-ayos na ko ng sarili, pagkakain ko ng breakfast nagpaalam na ko kay Mommy and Scott.


[Sa School...]


Kabababa ko lang ng taxi ng may tumawag sakin, nilingon ko ang pinagmulan noong familiar na boses. And yes it's Sniper Villanueva. Pinagmasdan ko siya habang tumatakbo papalapit sakin.

"Bessywap! may balita ako sayo" hingal na hingal niyang sabi.

"Lah, ano yun?" sagot ko.

"May transfer kayo, at..... nakiusap na sa section niyo daw siya ilagay" pauna niya sakin. Oh ano naman problema nito kung may transfer e first sem pa lang naman kaya okay lang.

"Ano naman ngayon?" pagtataray ko.

"Kasi nga... Si Strike Alonte yung artista, nagtransfer gusto pa niya kasection ka niya" sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko. Ano sinusundan ako ni Strike? What the...

Namalayan ko na lang na dinala ako ng mga paa ko papunta sa classroom. Naglakad ako papasok ng room pero bigla akong nagtaka dahil lahat ay nakatingin sakin, yung iba pa nga death glares. Hinayaan ko lang kasi alam kong ingit lang sila sakin.

Pinagpatuloy ko ang lakad hanggang makarating sa pwesto ko at feeling ko nalaglag naman yung panga ko nang makita siyang nakaupo sa tabi ng permanent sit ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" kunot noo kong tanong.

"Mag-aaral di ba obvious?" tipid niyang sagot habang nagse cellphone.

"A... E... I mean bakit dito sa Cassa High? Bakit sa section ko at bakit katabi ko?" napatingin naman siya sakin bigla. Hala! Patay! Napaka assuming mo kasi Scottie e.

Napapikit na lang ako sa kahihiyan, nang bigla siyang sumagot "Hmmm... Bakit bawal ba ko dito sa Cassa High, specially sa tabi mo? Tsaka I love Sports kasi kaya nandito ako" nakangiti niyang sagot. Bakit ganoon siya? Nakangiti pa din, diba siya na offend? Wag kasing padalos-dalos Scottie, sige deadma okay?

"Ahhh?! Kasi iniisip ko lang meron naman mas magandang university dito sa Manila. Tsaka may seatmate na kasi ako si Lacey" sagot ko naman at ngumuso sa direction ni Lacey.

"Lacey okay lang ba ako dito?" tanong niya kay Lacey na nakaupo sa likuran ko ngayon. "Oo naman" sagot ni Lacey. Hayyy!!! "Thanks!" pagpapasalamat niya. "Btw, my dad owned this School" tipid niyang sagot.

Nanlaki naman ang mata ko at napakagat labi "Sorry!" yun lang ang nasabi ko, dahan-dahan na din akong umupo sa tabi niya. Nakita ko naman na napangiti siya dahil sa ginawa ko.


***


Break time namin ngayon at as usual kasama ko si Katelyn, Joycean at Lacey. Solid ang section namin at kapatid na ang turingan pero pinakatropa ko talaga silang tatlo. Bumibili lang kami sa Cafeteria ngayon at babalik na din agad sa classroom, ganoon lang ang routine namin dito. Ayaw naming tumambay sa labas ng building, daming people.

"Scottie anong bibilhin mo?" Katelyn asked.

"Pagkain" pilosopo kong sagot.

"Natural nasa Cafeteria tayo e no?" inis na sabi niya sabay irap. Ganyan lang talaga kami.

"Yun! Gusto ko noon 'Cracklings' , Burger, Pizza tsaka water na lang" sagot ko sabay kuha ng pagkain.
"Good morning ate Nene, eto po bayad" masiglang bati ko sa tindera.

My Dream is my Enemy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon