CHAPTER NINE

182 8 0
                                    

"Nat, where are you?" narinig nya ang boses ni Nathan sa kabilang linya. Pinahid nya ang kamay na may lupa sa suot nyang apron.

"Home." Matipid nyang sagot dito.

"Doing something?"

"Yeah..."

"Please stop for a while. This is something important."

"Okay." Pagsang-ayon nya. Napangiti sya nang mapadako ang tingin nya sa pasong kasalukuyan nyang nilalagyan ng lupa.

"Nat," she heard him call her. "are you listening?" he asked. Napakunot- noo sya.

"I am. Go on."

"I have good news for you." Narinig nyang sabi ni Nathan. Pero may pakiramdam syang hindi magandang balita ang maririnig nya. "It's over. Nat, nakikinig ka ba?"

"Oo."

"I want you to know na hindi mo na kailangang magpanggap na girlfriend ko from now on. Thank you for everything. Sheryll realized at last that we're not meant to be so she decided to leave and she promised not to insist her feeling for me anymore. Thank you for bearing with me this far. I'll miss you, gf." She heard him laugh. "I'll always be here for you whenever you need me." He stopped talking. Pinahid nya ng likod ng palad nya ang mainit na likidong naramdaman nya sa pisngi nya. Nakalimutan nyang may lupa ang kamay nya kaya nalagyan ng lupa ang basa nyang mukha. Kinagat nya ang ibabang labi upang pigilin ang hikbing gustong kumawala sa kanyang lalamunan. She never imagined that she's capable of feeling unbearable pain like what she's experiencing now. Parang pinipiga ang puso nya sa sakit. Dahil heto ang lalaking iniikutan ng mundo nya, tinatawagan sya at sinasabing pwedeng hindi na sila magkita kahit kalian. "Nat, are you there?" isang tikhim ang isinagot nya. Natatakot syang magsalita baka ipagkanulo sya ng sariling tinig. "We will always be friends, Nat. You will still be my special guest tomorrow. This calls for a double celebration. I'll see you." Mas lalong nag-unahan sa pagpatak ang luha nya. Gusto nyang sigawan ang kausap. Sabihin ditong mag-celebrate itong mag-isa dahil hindi sya darating. Ganoon lang pala kadali ang lahat para dito. So everything's over between them. Ganoon lang. "Nat, can you promise me that you'll be in my party tomorrow? Please?"

"I promise."

"Thank you, Nat. Bye."

"Bye."

Ipinagpasalamat nyang wala ang mga magulang ng araw na iyon. Nagawa nyang humagulgol ng walang inhibitions. She never thought her fears would conquer her this soon. Paulit-ulit naman nyang sinasabihan ang sariling everything will be over between them and she must accept it. Pero kasi hindi nya inakalang ganoon kabilis. Kung gaano kabilis at walang pasabi itong dumating sa buhay nya, ganoon din ito kabilis umalis at nagpaalam. Sa tingin ba nito ganoon din sya kabilis makaka-move on? Kakayanin ba nyang hindi marinig ang boses ni Nathan sa isang araw, o kahit minsan sa loob man lang ng isang lingo? Bakit sa phone lang ito nagpaalam? Ganoon na ba talaga ito ka-excited na mawala sya sa buhay nito? Hindi man lang nito pinatapos ang birthday nito bago nito gawin iyon. At sa tingin ba nito ay kakayanin nyang humarap sa mga kaibigan nito at ipangalandakang break na sila sa mismong kaarawan pa nito? Kung sabihin nya kaya ditong natutunan na nya itong mahalin, magbabago kaya ito? Sasabihin nya ditong hindi na sya magiging masaya na hindi ito kasama. Pero what if masaya itong wala na sya sa buhay nito? Hindi nya yata makakayang harapin ang ganoong kahihiyan. Bakit kasi sya nagkaganito? Dati kahit anong pilit sa kanya ng mga taong nakapaligid ay hindi nya magawang ma-in love. All of a sudden, naranasan lang nyang mahalin at asikasuhin ni Nathan sa isang scheme ay bumigay na sya. Bakit noong nagkukwento si Che ng tungkol sa pag-ibig hindi nito nabanggit na maaari ka ring mamatay sa sakit ng dahil sa love? This is her first heartache. At ito na rin ang magiging huli. She'll be a real man hater as her friends implied. Pero bakit wala syang nararamdamang galit kay Nathan? Mahal mo nga kasi. At hanggang kalian nya mamahalin ang lalaking iyon? Paano nya sasabihin sa Nanay at Tatay nyang hindi nagwork ang relashionship nila? Dati, noong pinaplano pa lang nila ang lahat parang napakadali lang sa kanyang i-execute yong mga actions na iyon. Bakit ngayon parang napakahirap? Paano sya haharap sa mga magulang ng hindi papatak ang luha nya? At kay Che, paano nya ikukwento ang lahat kay Che? Bakit ba ang dami nyang tanong? She cried in frustration, naimagine pa nyang pinatatahan sya ni Nathan. The thought made her shed more tears. Ganito pala kasakit maging broken-hearted. Para talagang hinahati ang puso. Kung ganito talaga kasakit magmahal, isinusumpa nyang hindi na nya uuliting magmahal kahit kalian. Ito naman talaga ang original plan di ba? she was really destined to be single forever. That short experience must be buried. She needs to think positively. Nothing is imposible. Kapag gusto may paraan. At gusto na nga ba nyang makalimutan ang lahat? Bukas na lang nya iisipin ang ibang tanong na pilit na nagsususmiksik sa isipan nya.

Twin FlameWhere stories live. Discover now