Chapter 11

415 9 0
                                    


Nang makabalik sila ng Pilipinas ay balik trabaho agad sina Shayne at Jaime. Hindi na bumalik ng Tagaytay si Shayne dahil patapos na rin naman na sila doon. Kaya ng tapusin ni Kristoff iyon, kaya siya na muna ang bahala sa firm nila habang nasa Tagaytay ito.

Si Jaime naman ay busy sa panibagong proyekto ng kompanya nila at sa launching ng 'The Residence', ang condo sa Tagaytay. Ang balita din niya ay pupunta ng Pilipinas si Sheila upang i-finalize na ang business contract sa pagitan ng company ng mga ito. Kahit ayaw na sana ni Shayne na magkita pa uli ito at si Jaime ay wala siyang magagawa. Anyway, malaki naman ang tiwala niya kay Jaime, although kay Sheila ay wala ni katiting.

Kakaalis lang ng kausap ni Shayne na bagong kliyente nang mamataan niya si Jaime na papasok sa restaurant kung saan siya nakipagkita sa kliyente niya. May mga kasama itong mga lalaki na marahil ay mga ka-deal nito. Agad na nagliwanag ang mukha ni Jaime nang makita siya at mabilis na lumapit matapos magpaalam sa mga kasama nitong dumiretso na sa table nila.

"Hi baby, what are you doing here?", anitong hinalikan siya sa pisngi.

"Client", aniyang nakangiti.

"Mukhang ikaw din....", aniyang nilingon ang mga kasama nitong nakatingin sa kanila.

"Investors", paliwanag nitong inalalayan siyang tumayo.

"Halika, ipapakilala kita"

Lumapit sila sa mga nakangiting kasama ni Jaime.

"Gentlemen, I want you to meet my lovely girlfriend", anitong ipinakilala na siya sa mga kasama nito at ang mga ito sa kaniya.

Matapos makilala ay nagpaalam na rin si Shayne sa mga ito upang hindi na siya makaistorbo. Isa pa ay may trabaho pa siyang naiwan sa opisina.

"I'll walk you to your car.........if you'll excuse me for a while gentlemen", paalam ni Jaime. Tumango lang ang mga kasama nito at nagpaalam na rin sa kaniya.

"I'll see you later baby, ingat ka sa pagmamaneho", anito nang maihatid siya sa sasakyan niya.

"Sige na, bumalik ka na sa loob.....nakakahiya sa mga kasama mo"

"Susunduin kita mamaya......let's watch a movie", ani Jaime  na dumukwang upang hagkan siya bago bumalik sa loob.

Sa kabila ng kaabalahan ng nobyo sa trabaho ay hindi ito nawawalan ng oras sa kaniya. Sa mga pagkakataong hindi siya nito napupuntahan sa condo niya ay lagi itong tumatawag sa kaniya.

He is very sweet at parang nanliligaw pa rin....nao-overwhelm na nga siya kung minsan sa atensiyon nito. Minsan bigla itong sumusulpot sa opisina niya upang ayain siyang mag-lunch o kaya naman ay bigla na lang may darating na kung ano-ano sa opisina niya mula rito. Alam niyang bumabawi ito sa mga panahon at pagkakataong nawala sa kanila.

Nang makabalik nga si Kristoff mula Tagaytay ay inulan siya nito nang tukso, paano ba naman ay napagtripan ni Jaime na punuin ang office niya ng bulaklak...santambak din na chocolates ang ipina-deliver nito kaya naman tuwang-tuwa dito ang mga empleyado niya dahil pati sila ay nabiyayaan.

Dahil tapos na ang condo sa Tagaytay ay ang launch naman ang aatupagin nina Jaime. Although hindi naman ito mismo ang magiging busy dahil may marketing team naman ito, busy pa rin ito dahil sisimulan na ang project nito sa Singapore. Sa pagkakaalam niya ay darating next week  ang business partner nito at ilang investors, tiyak na magiging sunod-sunod ang meeting nito. Dadalo din ang mga ito sa party ng launching ng bagong tayong condo. Mabuti na lang may weekend pa bago maging abala si Jaime.

Dahil weekend sinamantala nila ni Jaime na magpahinga, nasa Palawan sila ngayon at kasalukuyang naglalayag gamit ang yate nito. Nasa may upper deck sila at kapwa nakatanaw sa dagat habang yakap-yakap siya ni Jaime mula sa likuran.

LOVE ME AGAINWhere stories live. Discover now