Chapter 8: Psycho Attack

2K 52 5
                                    

Pagkatapos ng dinner ay isa-isa na kaming umuwi sa aming mga bahay.

Nauna na ngang umalis si Alex.. parang nagmamadali yata siya eh.

Pero teka lang...pansin ko lang ha! parang iniiwasan niya ako.

Huhuhu ang lungkot naman kung ganoon.

Gusto ko nang bumalik dito sa amin si Alexander the Great.

'Yung hindi ka malulungkot dahil pasasayahin ka lang niya.

Sabi pa naman niya kanina na gagawin niya ang lahat at he will take full responsibility raw sa aming dalawa nang magiging anak niya...hehehe anak niya! anak ko! anak naming dalawa! Edi bongga!

Natulog talaga ako ng maaga dahil excited na akong tumira kasama si Alex sa iisang bubong bukas...

Ano kayang mangyayari?

Pagkagising ko palang ay agad na akong pumunta sa banyo dahil nasusuka na naman ako.

Engggg!!

I hate this Morning sickness!

Pagkababa ko ay nakita ko sa sala na nakahanda na doon ang mga maleta ko.

Huhuhu gusto na talaga nila akong umalis dito sa bahay.

Pinapalayas na siguro nila ako.

Pumasok ako sa kusina at nadatnan ko sina mom at dad na nagbe-breakfast na.

"Morning" binati ko sila ng walang kabuhay-buhay...

"Morning too sweety, bakit malungkot ang prinsessa namin?" Tanong pa ni mom.

"Ehhh kase parang gusto niyo na akong paalisin dito sa bahay! ayan oh! pack na lahat ng gamit ko huhu" naging emosyonal na naman ako.

"Sweety, inayos na talaga namin 'yan kahit maaga pa para naman hindi ka na mahirapan pang mag ayos pag andiyan na si Alex" sabi naman ni dad.

Pagka sambit niya sa panggalan ni Alex ay nabuhayan ng enerhiya ang katawan ko hahahh. Energy source ko kumbaga!

"Hihihi..pupunta po si Alex dito para sunduin ako daddy?" Sabi ko nang may malaking ngiti sa mukha. Para na nga akong timang dito.

"Yes sweety kaya mag ready ka na" dahil sa excited na ako ay hindi na ako kumain dahil tumuloy na ako sa kwarto at nagbihis.

Pagkababa ko nandoon na pala ang handsome creature.

Tumakbo ako sa kaniya at yumakap sa kaniya ng mahigpit. Mmm..his scent smell so good.
Gustong gusto ni baby.

Ngumiti naman siya sa akin pero parang kakaiba? hindi ko alam kong totoo pero parang naging cold na siya at ibang iba sa kilala kong Alex. So eversince na nagpakita siya uli sa akin ay naging plastik na siya?

Pero baka nag a-adjust pa siya sa changes niya. Sana nga ganun lang yun at hindi magbabago ang ugali at turing niya sa akin. Malulungkot talaga ako.
       

Sa biyahe ay tahimik lamang akong nagmamasid sa daan. Hindi rin naman siya nagsasalita eh.

Umiiwas nga diba? Wag kang engot Apple. Ang kailangan lang nating gawin ay malaman  kung bakit siya umiiwas sa iyo.

Hmm..tama!

Nagulat naman ako nang magsalita siya.

"Kumain ka na ba?" Lingo-lingo lang ang sinagot ko.

"Okay what do you want to eat?" teka? pa as if concern na siya sa akin? pero ano kaya ang masarap kainin ngayon...hm..alam ko na!

"Ah! gusto ko ng apple na isinawsaw sa chocolate hehhehe ang sarap nun!!!"tinignan ko naman ang mukha niya...parang siyang nawe-wirduhan hmp! Paki-alam niya ba? Siya ba ang nagbuntis? Mukha niya!

"Okay. Magpagagawa nalang ako.." pagkasabi niya nun ay mabilis pa sa kidlat na tiningnan ko siya at umayaw.

"Hindi! hindi pwede! gusto ko ikaw ang gagawa nun! Gawin mung cubes ang apple, lagyan mo ng stick ha? then ilagay mo naman ang melted na  chocolate sa baso at charannn!!!okay na"

"what? Ako pa ang gagawa?"

"Bakit? nagrereklamo ka? O sige kung ayaw mo edi wag tatawagan ko nalang si dad at sasabihin na hindi mo ginagampanan ang responsibilidad mo sa akin hmp!.."

"Hayyss Oo na..." heheheh takot pala kay dad.

Tumawa lang ako ng patago. Para na akong engot ulit hahaha.

Mukhang malayo-layo pa ang lilipatan naming bahay. Okay lang sa akin kahit na maliit lang basta't masaya kaming dalawa-- este tatlo pala.

Huminto kami sa isang mall siyempre sumabay ako sa kaniya. Mabo-bored lang ako sa kotse.

Habang siya ay pumunta sa groserihan, ako naman ay tumingin tingin sa mga nakadisplay sa infant section.

Wow!!!ang ganda naman nitong pink dress nato pero sana babae nalang ang anak ko para naman masukat niya 'to ang ganda kase.

Naglakad lakad muna ako. Ba't ba ang tagal naman ni Alex? Eh chocolate at apple lang naman ang bibilhin niya.

Hmm..pupuntahan ko nalang siya...nasan na kayo yun?

Tinignan ko ang paligid at sa wakas nakita ko na siya.

Pero teka?...may kausap yata  siya. Baka nagtanong lang.

"Alex!!!" tawag ko sa kaniya habang kumakaway. Nilingon naman niya ako at binalingan ulit ang kausap niya.

Dali-dali namang siyang lumapit sa akin at nakita kong umalis na rin ang babaeng kausap niya.

"Ahmmm..lets go?"sabi niya, hinawakan naman niya ang aking kamay. Naramdaman ko na nanginginig ito.

"Teka lang Alex...ba't nanginginig ang kamay mo?"

"Ahh....kase..hinahanap kita kanina at natakot ako baka nawala kana.."

"Ako? Mawawala dito sa mall? Hahaha magaling kaya ako sa mga direksyon kaya hindi ako mawawala...kaya ba kausap mo yung babae?"

"Ahh..oo nagtanong lang ako kung nakita ka niya"

"Ahh...ganun ba?"

"Oo kaya tara na..."

"Okay!!" ewan ko lang ha hinala ko lang! Ang weird niya today. 'Kala niya ha! Psycho yata ako pero sige na nga naniniwala na ako sa kaniya siguro concern lang talaga siya sa akin.

***Thank you so much for reading kahit may wrong grammar or spelling taa matagal ako mag update. Pramis 'di na.

Please vote and comment.

Thank you ulit.

I am Pregnant by My Gay Bestfriend (On-Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora