Kabanata 1

27 3 0
                                    

Krrrrriiiiiinnnnggggg!!!!!!

Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm sa tabi ng higaan ko.

"Ano ba to ang aga aga ang ingay na."sabi ko habang naka pikit ang mata.Nang makapa ko yung alarm clock pinatay ko na at tumayo para mag asikaso sa pag pasok ko sa school.

Ginawa ko na yung morning ritual ko at bumaba na sa kusina.

"Morning ma,pa!"bati ko kila mama at papa.

"Oh mag almusal ka muna bago ka pumasok."sabi nila.

"Wag na po at malelate na po ako.Magbabaon na lang po ako ng tinapay para habang naglalakad kumakain po ako."sabi ko at kumuha ng tinapay at umalis na.Nasa tapat na ako ng pinto ng marinig ko yung pinag uusapan nila.

"Kailan ba tayo magtitiis dyan ha.?"tanong ni mama.Nagtaka naman ako kasi maayos naman ang pamilya namin at bat kailangan pa mag tiis.Hay baka iba lang maka alis na nga at malelate na ako.

Pag dating ko sa school kinakabahan na ako.Bagong lipat kasi ako dito sa school na'to kaya hindi ko alam kung mabait ba sila o hindi.

Nasa hallway na ako ng mapansin ko na pinag titinginan nila ako na parang nandidiri sa akin.Paano naman sila mandidiri sa akin kasi isa akong nerd at panget na transfer dito.

Yan pala ang bagong transfer dito.
Pano ba yan may bago nanaman tayo mapagtritripan boys.
Ang panget naman ng nerd na yan.
Ang panget nya.

Yan ang mga naritinig ko sakanila habang naglalakad ako patungo sa room no. na binigay sakin ng teacher.

Nasa tapat na ako ng room ko.

Tok!tok!tok!

Katok ko sa may pinto at bumukas ito ng dahan dahan.Nang naka bukas na ito ng tuluyan,nakita ko ang isang teacher na maganda.

"What can i do for?"tanong nya.

"Amm...amm ako po pala yung transfer."sabi ko habang nakangiti.

"Ah ikaw pala..so come in."sabi nya at pinapasok ako.

"Ahm class may bago kayong classmate at sana respituhin nyo ha."sabi nya.

"Yes maam!"sagot nila.

"Ok introduce your self ms....?"sabi nya na parang nag aantay ng sagot ko.

"Ahm...de guzman maam."sagot ko.

"Oh go now."sabi nya.

Nasa gitna ako ng room at kinakabahan.

"Ahmm..hi my name is Jane De Guzman,i'm 17 years old."sabi ko.

"Ok ms.de guzman you may now take a sit kung saan mo gusto."sabi ni maam.

Naglakad ako papuntang likodan kasi walang may gusto na maka tabi ako,nakita ko nga yung isang bakanteng upuan eh nilagyan ng bag para hindi ako maka upo,kaya sa likod na lang ako naupo,sa tabi ng bintana kasi mahangin dun.

Natapos na ang lesson kaya nagbreaktime na.Naglalakad na ako ng may biglang humarang sa akin.

"Hi ako nga pala si Rose,mag kakaklase tayo."sabi nya habang nakangiti pero may iba sa ngiti nya.

"Ah hi."sagot ko.

"Pwde makisabay sa pag labas mo papuntang canteen.?"tanong nya kaya tumango na lang ako.

Bumili lang ako ng juice at japaness cake.

"Yan lang ba sayo jane?"tanong ni rose sakin habang nakatingin sa pagkain ko.

"Ah oo hindi kasi ako kumakain ng marami."sabi ko habang naka ngiti.

"Ah ok,bilisan mo na ubusin yan dahil ilang minute na lang next subject na."sabi nya

"Ah ganun ba sige ubusin ko lang to."sabi ko.kinain ko lang ng mabilis ang pagkain ko at umakyat na kami sa room.

"Ok class dismiss!"sabi ng teacher namin at umalis na.

Naglalakad na ako pauwi ng makita ko ang grupo ng mga lalaki sa harapan ko at huminto sila kaya napahinto rin ako.

"Ito yung bago diba jack."tanong nung lalaking mukang mayabang na may kulay ang buhok na pula.

"Oo!sya nga yun!"pagtatama naman ng isa pang lalaki na may hikaw sa tenga na parang gangster.

"I hate nerd!"sagot naman ng isa in cold tone habang naka pamulsa.

"Ge umpisahan na yan."sabi naman ng isa na nasa likod,pogi sana tong mga to kaso mukhang gangster.

Lumapit yung isa na may kulay ang buhok at inagaw sakin yung mga dala kong libro at nilaglag sa sahig habang naka ngiti sya.Na shock naman ako sa ginawa nya kaya nainis ako.lumapit naman yung isa na may hikaw sa tenga at bag ko naman ang inagaw.Grabe mukhang mabubully na ako whole year ah.Nang maagaw nya yung bag ko nilaglag naman nya yung mga laman nito.

Natulala na lang ako sa mga ginawa nila.

"Sa sususnod na humarang ka uli sa dadaanan namin hindi lang yan ang mapapala mo."pagbabanta ng isa na nasa likod nila.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang at kunin ang mga gamit ko na nalaglag.Bat ba kasi lagi na lang ganito.

Naka alis na sila pero hindi parin tumitigil sa kakatawa yung mga nasa paligid ko.Hanggang sa may tumulong sakin na kunin ang mga gamit ko.

"Tulungan na kita dyan ng hindi ka na mahirapan pa."sabi ng lalaking nasa harapan ko.

"Dapat kasi hindi ka tulala yan tuloy napagtripan ka,buti na lang apat lang sila pano kaya kung kompleto sila."sabi nya.

"A-ano ang ibig mong sabihin?"tanong ko habang naluluha pa rin.

"Wala!basta mula ngayon mag iingat ka na,kasi hindi ka na nila titigilan sa kakabully sayo."sabi nya.

Natapos na kami sa pagpulot ng mga gamit ko.

"Thanks!"pasalamat ko dito.

"Your welcome jane!"sabi nya na ikinagulat ko.

"Kilala mo ko?"tanong ko.

"Yap at classmate kita.Ge mauna na ako umuwi kana baka mamaya mapagtripan ka pa ng iba dyan."sabi nya at sabay na umalis kaya umalis na rin ako dun at umuwi na.

Pag uwi ko nakarinig ako ng mga sigawan kaya nagmadali akong pumasok.

"Ma..pa..nandito na po ako!"tawag ko sa kanila.

"Oh anak nandyan ka na pala!"gulat na sagot ni mama.

"Kumain ka na ba?"tanong naman ni papa.

"Hindi pa po"sagot ko

"Oh sya tara na at kumain kana."sabi naman ni mama.

"Hindi na ma.wala po akong gana eh."

"Ah ganun ba sige umakyat kana."sabi naman ni papa.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko.

Naglinis muna ako ng sarili ko bago matulog.

Hay kabago bago ko lang sa school na yun nabully agad ako.kailan kaya sila titigil.?makatulog na nga lang.

Miss Innocence RevengeWhere stories live. Discover now