Chapter 13

1.7K 55 4
                                    

Chapter 13


Snow


"Nawawala si Ariela!" Sigaw ni Jett na ikina gulat naming tatlo lalo na si Leon.

"Ano?!" The three of us said in unison.

Panira naman ang Jett na ito! Nandoon na nga kami ni Collin. Sobrang lapit na nga, may dumistorbo pa.

Oo nga pala si Ariela. Nandito naman siya kanina bago kami lumaban.

Pero ano daw nawawala saya? Paano?

Nakita ko pa nga ang bakas ng sobrang saya sa mukha niya dahil sa pag dating namin para iligtas siya kahit sa una nagulat.


Leon


Nagulat ako sa sigaw ni Jett. Hindi dahil sa lakas ng boses niya, nagulat ako dahil sa sinigaw niya.

Nawawala siya. Parang gusto ko mag freakout dahil sa narinig ko.

Kasalanan din namin. Kung hindi pa sinigaw ni Jett na nawawala siya ay hindi namin mapapansin.

Nag simula na kaming hanapin siya kahit may masakit pa sa mga katawan namin. Pero si Jett kahit halatang may mga galos sa katawan at pagod na tuloy parin ang sigaw niya ng pangalan ni Ariela.

Bilib din ako sa kanya, hindi siya madaling sumuko.

"Hindi kaya dinukot siya ng ibang mga kasamahan ng Zuru?" Nag aalalang singit ni Snow sa gitna ng pag hahanap namin.

Nakita kong binatukan siya ni Collin.

"Hindi iyon pwedeng mangyari dahil makukulong muna sa council ang Zuru! Hindi kaba nakikinig kanina sa sinabi nila?"

Nag pout lang si Snow.

Oo nga tama si Collin.

"Hindi kaya bumalik si Ariela sa palasyo para kausapin ang hari?" Sabi ko.

Nagtinginan naman kaming tatlo. Ngayon lang naming na alala ang sinabi ni master.

"Anong tingin ang mga yan?" Nalilitong tanong ni Jett.

"Let's chase her again." Sabi ni Snow at nag simula na siyang tumakbo pa balik sa palasyo.

Kung hindi ko siguro nakilala si Ariela, malamang kay Snow ako in love ngayon. She is also nice, smart, cute pero sometimes childish. Mas bagay sila ni Collin.

"Sa Palasyo? Bakit sigurado kaba na nandoon siya?" Seryosong tanong ni Jett.

Parang natakot yata si Snow sa itsura ni Jett ngayon. Mukhang galit na naiinis. Ang ugali niya, hindi ma predict. Parang siya pa ang mas babae kesa kay Ariela, masyadong moody.

"Trust me." Sagot ni Snow.

"Kung ganun, kailangan na nating bilisan." Utos ni Collin.

"Nandoon si King Rudy." Out of the blue na sabi ni Snow.

"Eh anu ngayon kung nandoon siya?" Tanong ni Jett.

"Hindi mo pa pala alam. Bakit kasi nauna kang umalis." Napa frown na sabi ni Collin.

"Sabihin mo." Malamig at seryosong sabi ni Jett.

Habang papunta sa alasyo, ay pinaliwanag ni Collin lahat kay Jett. Lahat ng sinabi ni master. Mukhang pati si Jett ay nagulat. Siguro nag iisip na ito kung paano niya sasabihin kay Ariela na wala na ang dad niya.

--


Chasing the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon