Crush, Pasalo!

7 4 0
                                    

CRUSH, PASALO!
By: Pretty Camilla
First day palang sa eskwela-
Napansin na kita.
Naging okay naman ang samahan kasama ka
Hanggang sa nagkalapit na nga talaga
Naging magkaibigan,-
Sana maging magka-ibigan.
Oo na, ikaw na ang gwapo
Ikaw na rin ang mataba--
Matabang gwapong kilala ko
Wala ka mang abs, sobrang lakas naman ng dating mo
Ibang-iba sa pinapantasya ko.
Sa sobrang pagkahumaling ko noon sa iba, nagkagusto ka pala
At ang nakakagulat, sa akin ka na pala humahanga
Bakit wrong timing?
Bakit pa kasi noon pa?
Hindi ba pwedeng ngayon nalang?
Ngayong pwede na?
Pero di bale, pipigilan ko nalang habang maaga pa
Kesa naman sa mahulog na naman ang isang tangang tulad ko.
Ayoko sanang umasa .
Ayokong kumapit sa katiting na pag-asa.
Pero bakit ganon?
Bakit ka gumagawa ng paraan para ako'y mahulog talaga.
Huwag kang gumawa nt patibong---
aasa at masasaktan lang ako.
Gumawa ka nalang ng pinto.
Para makaalis na ako sa kalokohang into.
Huwag mo na akong paasahin.
Huwag mo na rin akong paniwalain.
Kasi ang hirap hirap lalo na sa huli--
Hindi ka rin lang din magiging akin.
May pahawak hawak ka pa ng kamay
Hindi pa nakuntento, meron pang pa akbay akbay
Naku po, yung imahinasyon ko, kung saan saan na naglalakbay.
Sinubukan ko naman--
Na huwag kiligin kapag nandiyan ka.
Na kapag may ginagawa ka, pinipigilan ko ang pisngi kong pumula
Ang hirap kalabanin ang feelings---
ang hirap tanggalin na parang bula
Pero bakit anong ginagawa mo, batid kong lumalala ang nadarama.
Ayaw ko muna.
Hindi pa ako lubusang handa.
Nakakatakot maniwala.
Ang hirap manindigan, sa wala namang kasiguraduhan.
Ang hirap kang ipaglaban
Lalo na't wala akong karapatan.
Ayokong tumili dahil hinahangaan kita.
Ayokong kiligin,
dahil may nararamdaman ako sayong kakaiba.
Ayokong ngumiti, dahil espesyal ka.
Crush, ayokong mahulog kasi baka masaktan lang ako.
Baka kapag nahulog ako
Hindi mo ako masalo
Pero magpapahulog ako,
Basta ba ikaw ang naghihintay para saluhin ako.
Oo, aaminin ko nang crush kita
Hindi ko na talaga maipagkakaila
Pero huwag kang lumayo dahil lang sa nalaman o malalaman mo.
Huwag kang magbago,
Huwag mong baguhin ang pakikitungo mo.
Ayoko namang dumating sa punto,
Na mawala ang dating tayo.
Dati lang pala, walang tayo.
Oo, alam ko walang permanente sa mundo
Bitter na kung bitter
But trust me, to you, I'll be better.
Yow, yow, yow
Hindi kita ginagago
Wala talaga tong halong biro
Paniwalaan mo naman ako,
Hindi ito isa sa mga corny'ing joke ko.
Kundi katotohanang kailangan akong masalo.
Kaya CRUSH , inuutusan kita.
Pasalo naman oh!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crush, Pasalo! Where stories live. Discover now