WALANG KATUMBAS

250 3 0
                                    


Huwag kang mag-alinlangan,
Kung ika'y hindi nila pakikinggan,
Huwag kang kabahan,
Sabihin ang tunay mong nararamdaman.

Kung sila'y hindi maniniwala,
Hindi mo kailangang pilitin sila,
Maaari kang umalis ng kusa,
At magtungo sa lugar na masaya.

Hindi ikaw ang mawawalan,
Hindi ikaw ang maiiwan,
Ikaw ay kanilang kawalan,
Wala kang katumbas na kaibigan.

100 Tula ng Puso Where stories live. Discover now