Poetry|Tagalog|Pantasyang Kailaliman

16 0 0
                                    

Isang sulat
Sa isang taong mapalad
Napiling lumakad
Sa kinagigiliwan ng lahat

Lahat ay imbitado
Pinto'y 'di magsasarado
Halina't tignan
Ating masasaksihan

Sa entabladong nilatag
Isang mundong mahiwaga
Napupuno ng buhay
Napapalibutan ng kulay

Ang misteryo'y tuklasin
Karikitan ay pansinin
Sarili'y paligayahin
Sarili'y pasayahin

Ang susi sa pantasyang buhay
Ay nasa iyong kamay
Daan tungo sa ibang mundo
Kung saan lahat ay tila bago

Pasukin ang kailaliman
Gumawa ng mga bagong kaibigan
Kami'y iyong samahan
Sabay tayong mahiwagaan

Pakinggan ang musika
Pagmasdan ang mahika
Ramdamin ang tuwa
Ng mundo ng pantasya

Kakaibang lugar na sinilang
Dito ka nabibilang
Ang oras nawa'y 'di mabilang
Pagkat ito'y sandali lamang

Ito'y sandali lang
Ang lahat ng nakikitang
Takas na panandalian
Na 'di na matatakasan

Sapagkat dito sa pantasya
Aayawan mong tumakas
O sa pagpihit ng pinto
'Di ka makakalabas

Ito ang iyong pinasok
Ba't tingin mo'y nakakasulasok?
Ikatuwa iyong regalo
Ika'y amin nang kasalo

Nakakandado ang pinto
At sarado ang bintana
Ito'y iyong ginto
Reyalidad ay 'di alintana

Ipikit mo ang mata
Nawa'y masunog ng mga luha
Luhang 'di naman dapat
Maligayang pagdating sa inyong lahat!

Malalim na ang pinasukan
Ito ngayo'y iyong kulungan
Mabuhay kang magpakailanman
Sa pantasyang kailaliman

~•♡•~

Yo! Thank you for reading the first poetry part of this book! I actually don't write Tagalog poems often, let alone a pure Tagalog one. But, I loved the concept and hidden meaning of the poem, I was listening to "The Greatest Show" song, and besides, I think I need to at least keep this book's "blood" flowing... so, I was inspired to write so!

Maybeee... after the last paragraph, the hidden meaning is obvious, but I tried to make it subtle, or at least hidden as possible, but readers can still see it.

Anyway... A Fantasy - Horror|English part is coming up! Early for a hybird? I think not! But in the meantime...

Hearts and Smiles!

~LoveJoy ♡ :)



Bite - Sized Cure For "Writer's Block" Where stories live. Discover now