II: New Parent

13.4K 476 75
                                    

Sabrina's Point of View

One month and a half later.

I don't know why bad luck is always sticking with me whenever I go and whatever I do. Ewan ko ba. Lahat ng umampon sa akin ay namamatay. At dahil doon mas pipiliin ko na lamang na manatili rito hanggang sa dumating ang araw ng aking kamatayan.

After everything that happened, I couldn't stop myself from questioning my existence over and over and over again.

I scoffed, an eighteen year old teenager na pabalik-balik sa orphanage na ito. It seems like I was bewitched or was punished by the gods. Tila ba'y parang nakatadhana sa akin na maghihirap sa buhay. It's been a month and a half after my third parents died because of a fire accident. At hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano'ng nangyari sa akin doon sa gubat.

Ang tanging naalala ko lamang ay hinahabol ako ng dalawang lalaking mapagsamantala. Nahimatay ako matapos sampalin ng lalaki. Nagising na lamang ako nang may naramdaman akong presensya. Hindi ko siya nakita dahil malabo pa ang aking paningin bago hinimatay ulit. The next thing I found out, I was lying on the bed inside of my room here in the orphanage.

Bumuntonghininga na lamang ako't alam ko namang wala na akong magagawa pa. Buhay nga naman, ano? I quickly looked outside of my room's window when I heard three birds chirping simultaneously.

A nice and calm weather greeted my eyes. How I wish ganito na lang palagi. When the silence took over, bumalik na naman sa isipan ko ang mga dumaang mga magulang ko.

Ano bang problema ng mundo at pinahihirapan ako nang ganito?

Ang unang mga magulang ko ay sina Mama Maria at Papa John. Walong taon akong nasa bisig nila at gaya ng sinabi sa akin ni Papa ay nakita nila ako sa dagat, nakalutang sakay-sakay ang kalahati ng shell ng isang itlog, habang umiiyak. Up until now, it's still a mystery how I ended up like that.

Sa kabila ng lahat ng 'yon, hindi ko pa rin maiwasang isipin na ang sama-sama ng mga totoong mga magulang ko. I wanted to ask them why they threw me just like that, as if throwing something worthless.

Ano'ng klaseng magulang ba sila?

Pagkatapos gumawa ng bata, kapag nabuntis at nanganak, itatapon na lang nila ito nang walang kahirap-hirap. Tila ba'y nakatapon sila ng sirang gamit. I don't want to say this as long as I don't hear their side. But it seems like the chances of meeting them and hearing their reasons became as cloudy as the overcast sky.

Namatay sina Mama at Papa nang biglang tumama ang malakas na kidlat sa bahay namin. I don't know how, but I managed to survive from the lightning strike. We had a bad weather at that time and the sky seemed extremely furious.

The lightnings were dancing beyond the clouds, the sky drumming a loud thunder, and sudden violent gusts of wind streaming outside of the house. Papa was fixing our nipa roof, while Mama was holding a ladder for him not to fall on the ground.

And the accident happened.

Matapos mamatay nila ay diretso kaagad ako sa orphanage. After a devastating fate of my first parents, may busilak na puso ang kumupkop sa akin. Eight years din ako namuhay sa kanila at pagkatapos ng eight years na 'yon, kinuha ulit sila mula sa akin.

Namatay sila pareho sa paglubog ng business cruise ship na sinasakyan nila papuntang Cebu. Sa limang daang pasahero, tanging labing dalawang pasahero lamang ang nakaligtas.

Sa kasamaang palad, hindi kabilang sa mga survivors ang second parents ko. Of course, the incident hardly shuddered my entire being and I started to blame myself. I think, I was the one who brings bad luck to whoever wanted to give me home and love.

She's The Cursed Goddess (Self-Published)Where stories live. Discover now