BE MINE 9

303 12 8
                                    


[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...

Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]

• Mermar on multimedia 👆


Mermar's POV:

"Seryoso kaba?"

Sabay na tanong sakin ni gwendell at kuya jaydee.
Tumango lang ako sa kanila dahil puno ng pagkain ang bibig ko.

"Mabigat ang trabaho dun sa G3, ang lemon trees ang pinaka maraming pananim dito"

So plano talagang pahirapan ni kuya ashley kapatid nya? hindi naman sa na-aawa ako kay aiden, wala lang akong tiwala sa kanya dahil sa isa sya sa mag babantay sa mga lemons.

Iba rin kasi pagka adik ko sa lemon, kaya ayokong maraming masasayang dahil lang kay aiden.

Bakit ko nasabi, sabi kasi sakin ng ibang manang at manong dito na naninira daw palagi yang si aiden ng mga halamang pananim.

Nag aalala rin sila na baka mag pabaya lang yung si aiden, syempre ako dahil sa ayokong makakawawa ang lemon trees kaya babantayan ko si aiden, o babantayan ko yung mga lemon trees.

"Sigurado na ako, pwede naman ako magpahinga diba kapag pagod na? kaya wag na kayong mag alala ayoko lang kasing si aiden pa ang isa sa dahilan na pwedeng ikasira ng mga pananim"

Paliwanag ko, mukha pa silang nag aalinlangan pero final nayung desisyon ko.
Kahit naman di naman kami ang nag mamay ari nito, tutulong pa rin ako.

Siguro panahon na nga para ituon ko ang sarile ko sa ganitong klaseng gawain para pag nabawi namin ang kumpanya at ari-arian namin, makakatulong na ako kay papa.

Para may alam na ako sa mga gawain sa farm o sa kumpanya namin, pag nagkataong bumalik ang buhay namin sa dati.

Trip na trip ko rin naman mag modelo kaso, priority ko pa rin si papa.
Ayokong nakikita syang nahihirapan.

Kung dito ako mag sisimula, baka tumuloy tuloy na ako sa pag bayad ng utang kay kuya ashley, hindi na kami ipipilit pakasal sa isa't isa kay aiden.

"Manang paki gising napo si villanueva"

"Ay sige ho sir"

Tumungo naman agad si manang sa silid ni aiden para sundin ang utos ko.

Kahapon kasi medyo na guilty ako, gawa ata sa pag tawag ko ng malakas sa kanya nalaglag sya sa kama.

Rinig na rinig ko yung galabog kahapon eh, tatanungin ko sana kung may masakit sa kanya kaso nawala na sa isip ko nung nakita ko yung ma fats nyang tiyan.

Hot sya okay pero wala naman syang abs, na badtrip pa ako nung ihantulad nya ako sa ibang bakla kaya pinitik ko noo nya.

Then after nya akong bwisitin kahapon dun ko lang napansin na hinihilot hilot nya ang wrist nya.
Mukang yun yung nasaktan kahapon sa kanya ng malaglag sya.

Dahil sa ikalawang palapag ang silid ng aiden nayun ay parang ang grande tuloy tignan ng pag baba nya mula sa hagdan na tiles nitong bahay.

Naka short lang sya at sandong itim na gulo gulo ang buhok, mukha syang prinsipeng kakagising lang.

Siguro kung babae lang ako baka tumulo na laway ko sa kanya, or baka kung may gusto ako sa kanya di lang laway tumulo sakin, malaglag pa boxer na suot ko hahaha.

Natuwa naman ako dahil biglang lumapit na naman sakin yung pusa, diko alam name nya kaya pussykat tawag ko sa kanya pasamantala hahaha.

"Morning"

BE MINEWhere stories live. Discover now