Sayang. (One Shot Story)

104 2 0
                                    

I'm Arvy. 4th year High School. Top 2 sa batch namin. Medyo masungit daw sa simula, pero 'pag nakilala na daw ako, okay naman.

May matatawag akong special someone sa buhay ko.. sa totoo lang, sa imaginations ko, girlfriend ko na s'ya, hindi lang n'ya alam.

weird, 'di ba?

para akong elementary sa mga pinagsasasabi ko. HAHAHA! well, natamaan talaga ako sa kanya eh.. matagal na kaming magkaklase. Top 1 sya. lagi kaming nasa Star Section..

close kami. pero, 'di naman sobrang close. yung tipong nakakapagshare lang kalimitan... kasi, magkatabi kami lagi sa arrangement ng seats. kasi, by grades yung arrangement namin.

una pa lang, ramdam kong may gusto na 'ko sa kanya. alam n'yo yung feeling na gusto ko lagi ko s'yang nakikita. yun eh. yun na yun.

here goes our story.

"Uy, Arvy. Para kang ungas dyan. Sino ba kasi yang nasa picture sa wallet mo? Share naman dyan oh!"

nagkanda'letche na. napansin nya pala na may tinititigan ako. pano pag nakita nya na picture nya to? pataaaaay!

"Adik ka, Clarisse. Sino ka ba para ipakita ko 'to ha? Haha."

"Ayy. Ganon. Sige. Isang hamak na kaklase mo lang naman ako mula Grade 1."

"Yun, natumpak mo rin."

sa wakas. tumigil si Clarisse. sana nalang 'di nya talaga nakita.

ang lapit na pala namin maggraduate. next week na yung Finals. tapos, after nun, Graduation practice na. mamimiss ko si Clarisse. haay. pano ba naman, Atteneo ang deretso ko, s'ya naman sa UP Manila.

"Hi, Arvy!" biglang sabi ng kakapasok lang na si April.

"Uhh, hello. :) "

"psssst." tawag ni Clarisse.

"o? bakit? aamin ka nang may gusto ka sa'kin?"

"Adik talaga! hindi ah. kapal! napansin ko lang na parang blooming si April ngayon? tapos, panay tingin sya sayo. yiiii. si Arvy! lumalablayp na o!"

"tss. loka ka Clarisse. baka naman indirect yung tingin nya. di talaga dapat para sakin. ganun."

"haha. Arvy talaga. ang galing mag joke.. alangan namang sakin nakatingin yan!? hahaha."

"magreview ka na nga lang dyan."

"suplado mo ata ngayon. may monthly period ka ba? hahaha!"

"tsss."

"alaa. uy. galit ka ba? sorry na." sabi ni Clarisse.

"pasalamat ka, mahal kita. 'di ko kayang magalit sayo." bulong ko.

"haaa? ano yon?" sabi ni Clarisse.

"wala. sabi ko, ang ganda nga ni April ngayon.

Clarisse's POV.

  "wala. sabi ko, ang ganda nga ni April ngayon."

ouch! so tunay nga ang hinala ko. may gusto sya sa kaklase namin.. at gusto rin sya ni April. haaay.

ayoko namang magmukhang tang* na umaasa sa wala. tsaka kapag pinagpatuloy ko pagiging attached kay RV, baka mapansin ni April na may feelings din ako kay Arvy, baka masira ko pa ang kung anuman na meron sa kanila.

isa na lang ang naiisip kong solusyon......... ang umiwas. </3

.

.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sayang. (One Shot Story)Where stories live. Discover now