5 ☜

565 50 34
                                    

5 ☜

 

Nakatayo siya sa isang lugar, matapos niyang maglaho kanina. Biglaan ang pagpapakita niya kanina kahit tinatawag siya ni Nathan wala sa plano niya ang magpakita rito. Ngunit may dahilan kung bakit siya biglang sumulpot kanina.

"Nagdedesisyon ka na alam mong sa sarili mo na maaaring hindi 'yon mangyari," Tinig ng Taga-sundo mula sa kanyang likuran. Kaya napalingon siya rito.

Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kinatatayuan niya. Ilang hakbang nalang mula sa kanya huminto ito.

Tinitigan siya.

"Alam mong mali at imposible ang mga binitawang mong mga salita kanina," Umpisa ng taga-sundo sa mahinang tinig.

Kumurap siya. "Alam ko." Sagot niya rito. "Ngunit alam kong mauunawaan niya iyon at batid ko ring, pagbibigyan ako ng nasa itaas."

"Paano kung hindi, paano kung nagkamali ka ng desisyon? lalo mo lang binigyan ang bata ng dahilan na lalo hindi maniwala sa 'yo."

"Alam ko," Tumigas ang kanyang tinig. "May agam-agam dito," Turo niya sa dibdib. "Na paano nga kung matapos kung ipabatid sa itaas 'yong hiniling ni Nathan, At hindi 'yon pahintulutan ng nasa itaas. Ngunit may isang bahagi rin ng puso ko ang nagbubulong na mangyayari 'yon, na pagbibigyan ako ng nasa itaas." Huminto siya saglit. "Mauunawaan ng nasa itaas kung bakit ko ginawa 'yon, Alam mo 'yon. "

Naunawaan nito ang ibig niyang ipabatid kaya hindi na ito muling nagsalita pa.

"Nathan naman, Ano nga ang sinabi sa 'yo ng taga-gabay kanina?" Pangungulit pa rin ni Suzy. Nakarating na sila sa bahay ni Bea at kasalukuyang papasok sa pintuan ng bahay.

Walang salitang lumabas sa bibig ni Nathan, Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay.

"Huwag ka ng sumunod," Matigas niyang babala rito. Nang makarating sa tapat ng kwarto kung saan siya tumutuloy.

Huminto naman si Suzy. Nanatiing nakapako ang mga tingin sa pinto kung saan tumagos si Nathan. Maya-maya, hindi siya nakatiis kaya sumunod siya sa loob.

Nagulat si Suzy ng makita si Nathan na nakatitig sa isang lalaking kasing edad nila na nakapikit at nakahiga sa kama.

"Sino siya?" Anas nito malapit sa kanyang tinga sabay siko.

Hindi naman ito pinansin ni Nathan kaya muli itong nagsalita.

"Ah, Tama! Siya 'yong nakita kong kasama niyo ni Bea."

Galit na tumitig si Nathan rito.

Naunawaan naman ni Suzy ang ibig ipahiwatig ng mga titig na 'yon ng kaibigan. "Sabi ko 'di ba, sinundan ko kayo. Kaya," Huminto siya saglit habang nakakamot sa ulo ang isang kamay. "Nakita ko siya na kasama niyo," Nakapaskil ang isang ngiti sa mga labing patuloy ni Suzy.

Nakatitig pa rin si Nathan kay Suzy nang kapwa sila mapalingon, nang biglang bumangon mula sa pagkakahiga ang lalaking pinag-uusapan nila. Umupo ito sa kama, at lumingon sa kinatatayuan nila, tumagal ang nga titig nito. Pakiwari ni Nathan, sa klase ng titig parang nakikita sila.

Ilang saglit pa kumurap ito. Pagkatapos binawi ang tingin, at muling humiga. Muli naman silang nagkatinginan ni Suzy.

"Ayaw ko ng maingay," Napalingon sila uli nang magsalita ito.

"Sandali, K-kami ba ang kausap mo? Medyo nauutal na bigkas ni Suzy.

"Wala akong pakialam kung manatili kayo rito o hindi, Ang ayaw ko 'yong maingay." Tugon nito.

Diary Ng MultoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon