Chapter 31

14.8K 202 0
                                    

-Christine's POV-

"Markuz saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko.

May takip na blindfold ang mga mata ko kaya naman hindi ko makita ang paligid.

"Wait ka lang." Narinig kong sagot ng asawa ko na nakaalalay sa akin.

"Baby Yohan nasan na ba kasi tayo?" tanong ko naman sa anak ko na nasa kabilang gilid ko.

Magkakuntsaba ang mag-ama sa kalokohang ito.

"It's a surprise Mommy. Hindi ka na po masosorprise pagsinabi ko."

"Okay fine."

Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago kami huminto.

"Are you ready?"

"Yeah, yeah, yeah."

"One... two... three..." Inalis nila ang nakatakip sa aking mata.

"Surprised!"

Nang maging malinaw ang paningin ko'y napangiti ako sa aking nakita. Nakatayo kami ngayon sa harapan ng isang malaking bahay.

"Ano 'to?"

"This is our new house. Our new home. Mula ngayon dito na tayo titira."

"Really?" Halos maiiyak ako sa tuwa.

"Yes, wife. This is all for you. Gusto ko na sa bahay na ito tayo magsimula."

"Thank you Markuz." Agad ko siyang niyakap. Nakisali na rin ang aming anak.

Makalipas ang ilang saglit ay binuksan na ni Markuz ang gate at naglakad kami papunta sa maindoor.

Pagdating doon ay iniabot niya sa akin ang susi para ako na ang magbukas. Na siya namang ginawa ko.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang magandang sala. Tiles ang sahig, kulay smiley yellow ang dingding at kisame. Nasa ayos ang mga furniture.

"Wow." Nasambit ko sa ganda ng lugar.

Nang makapasok ako'y inisa-isa kong tingnan ang bawat detalye ng bahay. Para akong bata na nabigyan ng isang regalo dahil sa laki ng ngiti ko.

"Yohan gusto mo bang makita ang kuwarto mo?"

"Yes Daddy!"

"Tara sa taas."

Umakyat kaming tatlo. At tinungo ang silid ng aking anak. Napawow si Yohan nang buksan niya ang pinto. Sa sobrang saya ng aking anak ay agad siyang nagtatakbo papunta sa kama at doon naglulundag.

"Yohan okay lang ba sa'yo na iwan ka na muna namin d'yan?"

"Yes Daddy. I'm a big na naman po eh."

"Sara ko ba iyong door?" Tumango si Yohan.

Matapos isara ni Markuz ang pinto ay hinarap niya ako.

"Bakit kailangan pang iwan si Yohan?"

"Wala lang. Sabihin na lang natin na..." Ipinulupot niya ang mga braso niya sa aking bewang.

"Gusto kitang masolo." Nakatitig siya sa mga mata ko. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kilig dahil sa liit ng distansyang mayroon kami.

"Tara sa Master's Bedroom."

Hinawakan niya ang kamay ko't inakay ako papunta sa kuwarto naming mag-asawa. Binuksan niya ang pinto. Pagkatapos ay una niya akong pinapasok.

Nang makapasok kami ay isinara niya ang pinto. Nakita ko rin na inilock niya ang pinto.

Alam kong may pinaplano siya. Ewan ko nga lang kung ano. Naupo ako sa kama at dinama ang lambot ng kotson.

I can feel the coldness of the soft bedsheet because of the aircon. Napatingala ako kay Markuz na nakatayo sa harapan ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko't itinayo ako. Tila ba nakapinta na ang ngiti sa aming mukha.

Ipinatong ko ang magkabila kong kamay sa magkabila niyang balikat. Ang kamay naman niyang nasa aking bewang.

"Kailan mo ipinagawa itong bahay?"

"Five years ago."

"Five years ago? You mean?"

"Oo, tama ka. Nagsasama pa tayo noon pinapagawa ko na ang bahay na ito. Kaso naghiwalay din tayo. Kaya sabi ko lilipat lang ako rito kapag nabuo ko na ang pamilya ko. Bumibisita lang ako dito dati kapag may kailangang ayusin. I provide this house for our family."

"Thank you Markuz."

"Syanga pala may extrang dalawang kuwarto pa dito sa taas at may tatlong kuwarto pa sa baba."

"Bakit ang daming kuwarto?"

"Para sa mga magiging anak natin."

Tinignan ko siya ng masama ng magets ko ang sinasabi niya. Tinawanan niya lang naman ako.

"Aba at balak mo pa kong anakan ng marami!"

"Okay lang kaya ko namang buhayin eh."

"Kahit na ang hirap kayang manganak. Kung gusto mo ikaw na lang."

"Ay wag na pala. Ito talagang asawa ko inaatake na naman ng mood swing."

"Ewan ko sa--" he kissed me.

"I love you Wife."

Tumingkad ako't inilapit ko ang aking mukha sa mukha niya hanggang sa magdikit ang aming mga labi. Nang mumulat ako'y tulala lang siyang nakatitig sakin.

I know he didn't expect this. Madalas kasi ay siya ang palaging nauunang gumawa ng hakbang. Ito rin ang unang beses na ako ang humalik sa kanya.

"Mahal din kita."

Tuluyan na niyang niyakap ang katawan ko at siniil ako ng matamis na halik. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at ninamnam ang mga halik niya.

Di kalaunan ay naramdaman kong umangat na ang mga paa ko sa sahig. Hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin.

Dahan-dahan niya akong inihiga sa kama. At agad pinaibabawan. Ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng aking dibdib. Inilayo niya ang mukha niya na siyang nagpamulat sa akin.

Nakangiti siyang nakatitig sa akin. Ginantihan ko ang mga titig na iyon. Hinawi niya ang buhok na nakatabig sa aking mukha.

Napapikit ako nang hagkan niya ako sa noo. Damang-dama ko ang pagmamahal niya.

"Mahal na mahal Christine."

"Mahal din kita."

"Sa bahay na ito tayo mag-uumpisa. Ikaw ako at ang mga anak natin."

Hinaplos niya ang aking tiyan.

"Excited na ako sa paglabas nila."

"Ako rin."

Muli niyang inangkin ang aking mga labi. Sobra kong namissed ang lalakeng ito.

Natigilan kami pareho nang makarinig ng katok mula sa labas nitong kuwarto. Narinig ko rin ang boses ni Yohan.

"Hayst... istorbo." Reklamo niya na halatang nabitin sa aming ginagawa.

"Hoy ano ka ba? Anak mo 'yon."

Tumayo siya at pinagbuksan ng pinto si Yohan. Kinarga niya ang anak namin at dinala sa kama.

"Ganda ng timing mo baby Yohan. Ayos ka bata!"

Pinanggigilan ni Markuz ang matambok na pisnge ng anak namin.

"Mommy I'm hungry na po."

"Sige tara sa baba. May ingredients na sa ref. paglulutuin natin si Mommy."

Bumaba na kaming tatlo sa kusina upang magluto.

Sa bahay na ito kami magsisimulang muli. Magsisimula bilang isang buo at masayang pamilya.

—Azureriel

Resilient InamorataWhere stories live. Discover now