Chapter One.

1.4K 9 0
                                    

Marah's POV

Lei! ang dami naman pala nating aplikante ehh, sa tingin mo kaya makakapasok tayong lahat dito??

Gulat na pagtatanong ko kay Lei. Kasi naman, of all these applicants, I mean sobrang dami namin at may mga qualifications pa! So what if hindi namin macomply mga iyon? Nooooo!! Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon no.

Marah ano kaba, tiwala lang okay? Kaya natin to! Atsaka, ang dami na nating pinagdaanan kaya naniniwala akong makakapasok tayo! Okay? Smile kana dyan at mukhang naistress kana.

Hays, Iba talaga tong friend ko! Ang lakas ng fighting spirit. Buti nalang at andyan siya..

Okay tingin tingin sa list of Applicants..
Ang naman ng pangalan ng mga to, siguro mga anak mayaman tong mga to.. Ehh?? Sino kaya to? Of all the names na nakita ko, may isang umagaw ng atensyon ko! (Charrr)

Para akong baliw. Ang cute kasi ng name. Nilapit ko pa sa mata ko yong list tapos tinititigan ko yong name na yon, Tsk! Ang dami ko ng nabasang names pero parang kakaiba yong dating sa akin ng isang to hahaha.

Wait basahin ko nga..
"MARY GRACE GONZALES.."


"Ouch! Aray!! Lei naman, ang sakit non ah!"

"Mukha kang siraulo dyan Marah, kulang nalang isubsub mo yang pagmumukha mo sa papel na yan. Ano bang meron dyan?? Siraulo to halika na maglaro na tayo."

Shit. Bakit niyo po ba ako binigyan ng gantong kaibigan. Ang sakit kaya non!! Ouch..

"Wala!! Akin lang yon. Aray ko ang sakit ha. Oh tara maglaro, sure naman ako talo nanaman tayo sa Basketball na to."

"Hahaha ayos lang kahit matalo, basta bugubug sarado naman tong mga boys.."

"HAHAHAHAH"- tawa naming lahat.

"Si Marah wag na paglaruin baka matumba hahahaha"

Bwesit, ako pa pinansin ng isang to. Mas magaling naman ata ako magshoot ng bola kesa kay Jane! Kahit na pareho kaming payat! Tsk, daming alam eh..








Fast Forward

"Ma!!! Ano ba tong pinaggagawa ko sa buhay?"

Ewan ko ba! Parang wala akong ka ide-ideya sa papasukin kong trabaho..

"Bakit nak, anyare? Napagod kaba? May masakit ba? Bumabalik ba nararamdaman mo? Sabihin mo lang nak kung hindi mo kaya para hindi kana matuloy dyan sa papasukin mong trabaho, dito ka nalang sa bahay nak.. magpahinga ka nalang. Mahirap na baka sumpungin ka don.."


Ang dami niyang sinabi eh no? Hahaha. Ayos lang naman ako, pagod lang siguro ako.



"Ma ayos lang ako, pagod lang ako. Kailangan ko lang magpahinga.. bukas mag-aayos nanaman ako ng papers ko.. atsaka Ma andito na eh nasimulan ko na eh diba? Hehe walang rason para umatras ako.. kaya ko naman eh, kayang-kaya ko sus ako pa? Kinaya ko ngang labanan yong sakit ko eh eto pa kaya??"






"Yan ang fighting spirit, kahit pakainin ka ng sampung sili kayanin mo, siguraduhin mo lang na wala kang almoranas hahahah"




"Ma! Wala ko non hahahah, alam mo yan nanay kita eh"




"Hahahaha, basta alam ko naman na kaya mo yan! Strong ka kaya, nakaya mo ngang mag-aral ng naglalakad lang sa loob ng 4 years eh.. baka 8 years pa nga eh mula high school hanggang college..eh yan pa kaya? Sus sisiw lang yan para sayo.."





"Hello ma? Ang lapit ng school dto sa bahay eh, sayang ang pamasahe hahaha. Sisiw lang naman yong sakit ko talaga, sus wala yon! Itakbo ko lang ng itakbo wala na.. kaya ikaw para mabawasan yang timbang mo sumama ka sakin jogging tayo araw-araw tapos Zumba sa weekend.."





"Gisingin moko nak, para masamahan kita."






Whatever, ilang beses na niyang sinasabi yan pero kapag ginigising ko na.. wala eh! Tulog mantika talaga nanay ko. Kahit idaan mo pa sa matinong usapan yan, wala rin. Di yan tumutupad sa usapan, hahahah. Pero okay lang, pagod kasi lagi nanay ko kaka-alaga sa amin kaya hirap gisingin. Nagi-guilty nga ako kasi malalaki na kami pero parang babies parin turing niya sa amin. Kahit yong pagluluto ayaw niyang gawin ko, wala atang tiwala sa cooking skills ko hahaha.






"Ma, wag na po. Magpahinga nalang po kayo. Basta sama ka nalang sa akin pag nakasuot kana ng pang takbo hahaha. Hirap mo kasing gisingin ba!"




"HAHAHAHAHA sige na nak. Magpahinga kana.. gisingin kita pag kakain na."






Haaay.
Pagod nga ako, ang bigat ng katawan ko, pati ulo ko mabigat na o baka malaki lang talaga ulo ko hahahah.






"Nak may tumatawag!"





"Ma, pasagot po!"





"Si Lei! May itatanong daw!"





Ahhh! Hanggang dito ba naman sa bahay?




"Oh Lei bakit?"




"Uy! Hinahanap nila yong List of Applicants, diba ikaw may hawak non?"




"Huh? Nasa drawer binalik ko."


"Wait... oh nandito na.—wait! Papatayan mo nanaman ako ng cellphone! May itatanong ako saglit kainis to, huwag mo nga akong ginaganyan! Paano pala kapag importante yong mga ssabihin ko?"






"Lei... I'm tired, pakiusap patulugin mo muna ako kung ano man yan pwede bang bukas nalang? Please?? Sige na bye laby—-"







"Hooyy!!! Siraulo may itatanong ako, makinig ka muna kasi!"





"K, ano ba kasi yon? Tsk! Kahit kailan talaga hindi ka naging mabuting kaibigan, sinisira mo buhay ko eh hahahaha"






"Hahahahah sorry naman, ano kasi nakita ka ni Sir kanina na tinititigan yong papel may kilala ka daw ba sa mga yon?"





Whaaaaaat?? Sa payat kong to, napansin pa niya ako? Hahahahha.





"Wala naman bakit? Tiningnan lang eh. Sobrang curious naman na tao ni Sir."





"Wow nagsalita, ikaw nga eh. Sus baka may boyfriend ka don hindi mo lang sinasabi?"






"Baliw wala nga eh, binasa ko lang kasi bakit ba?"






"Wala naman, buti naman daw at wala sabi ni Sir—-"





"Hoy Lei!! Naka loud speaker kaba???!!!!"







"Hahahaha bye, sige magpahinga kana.."







Bwesit?
Ang dami nilang alam! Pwede namang text lang bat kailangang tumawag pa? Haynaku. Hahahaha. Mababaliw ako sa taong yon.





Tsk bakit kasi ako nacurious sa isa na yon? Dahil lang sa name na yon, tsk makapagpahinga na nga. Masyado na akong nag-iisip.







Ah basta, nacutan ako sa name na yon, at kung sino man yon, hahaha sana cute din siya hahaha. Babae pa man din yon. Hahahaha, may posibilidad kaya na makita ko yong may ari ng pangalan na yon? ☺️






OMG curiousity over curiousity. ☺️

Bakit ba Ikaw?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant